Chapter 3

3 1 0
                                    

Eunica's POV

(2:00 P. M.)

Nandito kami ngayon sa NBS para mamili ng gamit namin para sa pasukan next week.Isang linggo na rin ang nakalipas mula noong nakita namin yung tatlong fafa.

"Oy kayong dalawa nakatanggap na ba kayo ng friend request?or message? "Sabi ni Jasmine.

Oo nga pala isang linggo na rin kaming nag hihintay nang message at friend request na galing dun sa tatlo kaso hanggang ngayon wala pa rin.

"Ako wala parin, kayo ba?"sabi ko.

"Wala din" sabi nilang dalawa.

Biglang sumingit sa usapan si Zani.

"Baka naman may mga girlfriend na yung tatlo kaya di na kayo pinagkaabalahan"

"Yeah. Baka nga.... Anyway tapos na ba kayo?"tanong ko.

"Yes tara na sa counter". sabi nilang tatlo.

Camry's POV

Katatapos lang namin magbayad ng mga binili namin sa NBS.

"Where na tayo gogora mga bakla?" tanong ni Zani.

"Ahmm. Mga bakla, I need to go na. Sabi ni Mom umuwi na ako pagkatapos bumili ng gamit. "Sabi ni Eunica.

"Ako rin! Feeling ko pagod na pagod ako! Hayss" si Jas.

"Oh eh tara nalang uuwi. Sabagay aayusin ko pa yung mga gamit ko" sabi ko.

"Okay okay tara na" sabi ni Zani.

Umalis na kami at umuwi.

"Hi Chalyx!"pagbati ko sa kanya.

"Yow Cams" sabi niya.

Siya si Chalyx.Kapatid ko pero di ko siya tinatawag na kuya. One year lang ang pagitan namin.Gwapo yan kasi maganda ako, nakss. Tapos gentleman,basta good boy siya.

"Kasama mo ulit si Zani?" tanong niya.

May gusto yan sa bestfriend ko - kay Zani. Pero hindi alam yon ni Zani, torpe kasi. Tsk. Tsk.

"Yes naman syempre. Teka nga.. Ano bang plano mo?Hanggang tingin ka nalang ba sa kaniya mula sa malayo? Manghihingi ng balita sa akin kung anong nangyare sa kanya?" tanong ko.

"Ahh basta ako ng bahala don! Basta--"di ko na siya pinatapos.

"--wag mo akong papangunahan. Ano ba yan Chalyx ganun naman na lagi sinasabi mo. Nasaulo ko na nga yan eh! Ah basta bahala ka lag naunahan ka ng iba. Lalo't maraming nagkakagusto sa kanya" sabi ko.

Yeah maraming nagkakagusto dun kay Zani. Ewan ko ba kung bakit ayaw patulan yung mga yon at nag bo-boy hunt! Ang gagwapo kaya ng mga nagkakagusto sa kaniya. Wala din namang napapala sa pag bo-boy hunt!

"Eh kasi paano pag nag confess ako? Tapos ni---HOY WAG KANG BASTOS KINAKAUSAP PA KITA!"sabi niya. Tinalikuran ko na siya lagi kasing ganyan ang sinasabi nakakasawa.











Zaniyah's POV

(5:00 P. M)

Ka-video call ko yung tatlo ngayon.

"Oy Zani? Ano na naman yang ginagawa mo?" tanong ni Camry.

"Ahh ito explosion box. Napanood ko kasi sa YouTube kanina bago tayo umalis then nagustuhan ko kaya nagbili na din ako ng gagamitin." pagpapaliwanang ko.

Okay na rin itong pampalipas oras.Mahilig din naman akong gumawa ng mga origamis and other crafts.

"Okay. So let's talk about our new school na papasukan. What do you guys think? Masaya kaya dun?" sabi ni Eunica.

"Yes! I know na magiging maganda ang last year ng pagiging highschool natin kasi balita ko marami daw fafa dun nyahahahaha". Camry.

"Seryoso?! Wahahahaha yes! Pero iseasearch ko parin yang Phelingstone University! Tapos maghahanap na rin ako ng fafa para happy!"sabi ni Jas.

Napailing na lang ako. Di talaga napapagod kahahanap yan si Jas. Pero sabagay, yun na lang din yung way para mag enjoy siya...pati kami..Ang makahanap ng gwapo. Di kami taga bundok ha! Sadyang gusto lang namin yon.

"Hoy ikaw Zani? Di ka ba natutuwa?"sabi ni Eunica.

Napatingin naman ako sa screen ng laptop ko.

"Syempre naman masaya noh! Syempre madaming gwapo dun hindi kagaya sa dati nating school puro bitch, tapos walang ginawa yung iba kung di magpaganda dito, magpaganda don!"

Kaya kami lumipat ng school kasi nga ayun ang daming bitch dun tsaka kaunti lang ang gwapo dun! Tsaka hindi naman dahil dun lang, kakalipat lang namin ng bahay. Regalo ng daddy kay mom itong bahay at may malapit ditong school which is yung PU nga kaya napag usapan na din nila Dad na dun ako pumasok.Tapos sinabi ko sa kanila yung about dun kaya sabi nila dapat daw sama sama kami pero alam kong dahil lang yon sa maraming gwapo.

"Ayun naman pala... Pero di parin ako maka get over dun sa tatlo mga bakla! First time kaya yun! Nakakasakit sa ego" si Eunica

"Kaya nga yung dating nahu-hunt natin nakakatanggap tayo ng friend requests" si Camry.

"Yeah right kaso may mga girlfriends ang mga yon kaya... Bye -bye HAHAHAHA" pagpapatuloy ko.

"BTW. Its okay lang naman,diba? Pagkatapos nating gawin yung mga way para magka connection tayo sa kanila. Okay na. Tigil na diba? Hahaha" sabi ni Eunica.

"Yes naman wala man tayong balak na maging bf's sila ayos na yung friend sa Facebook and sa insta at twitter natin." sabi ko.

"Change topic na,Zaniyah ,wala ka bang natitipuhan sa mga nagkakagusto sayo? Sa MGA suitors mo? Ang gagwapo kaya nila tapos ang yayaman din!"sabi ni Camry.

"Camry, alam mo namang bawal pa diba?"sagot ko.

"Hindi ko naman sinabing jowain mo yung mga nanliligaw sayo. Tinatanong ko lang kung may natitipuhan ka! "

"Ahh sa totoo lang.... Hindi eh, wala. Tsaka kung may matipuhan ako sa kanila wala din bawal nga kasi at di pa rin ako ready.Ayos na sa akin ang pagbo-boy hunt tsaka di ko naman sila pinilit na ligawan ako "sabi ko.

"Kung ganon ipakilala mo ako sa isa mong manliligaw hahaha"-Camry

Napailing nalang ako.

Tiningnan ko yung orasan. 7 pm na. Ang bilis naman ng oras. Iniligpit ko na yung mga ginamit ko. Pagkatapos ay kinuha ko yung laptop at pumunta na sa kama at hinarap ko sila.

"Pasukan na next week noh? Ang bilis "sabi ko.

"Yah parang kahapon lang tayo nagbakasyon.Tara mall uli sa Sabado! "Sabi ni Eunica.

"Sige tara. Hindi na rin naman ako papayagan mag mall pag pasukan na pwera na lang kung kailangan"si Camry.

" Game ako para sama sama na tayong mag hunt!Tsaka di na rin ako papayagan maliban din pag kailangan!"sabi ko

"Oh sige. Sabado, mag ma-mall tayo"si Jasmine.

"Oh sige na mga bakla inaantok na ako. Goodnight na ha!" pagpapaalam ko sa kanila.

"Oh siya sige out na rin ako"sabi ni Eunica.

"Sige na baklas Bye!"sabi ko pagkatapos ay nag log out na ako at natulog.

Boy HuntingWhere stories live. Discover now