Zaniyah's POV
*HIKAB* Thursday ngayon. Bukas na ang party pero wala pa rin akong partner maski gown. Nagprepare na ako for school pagkatapos ay bumaba na.
"Let's talk" sabi ni Dad. Hala siya? May nagawa ba akong masama? Sinundan ko na lang siya papuntang kitchen. Andun na rin si Mom na di halatang naghihintay sa amin.
"About what po?" Tanong ko.
Unang nagsalita si Mom. "Jasmine told na wala ka pang gown para sa party at hindi mo man lang sinabi sa amin na may party palang gaganapin"
"Eh mom wala naman po akong partner pa eh kay—" di ko naituloy ang sasabihin ko ng magsalita si daddy.
"Eh ganun naman pala, bakit hindi ka pumayag na maging partner si Cedric eh inaya ka na nga niya?"
What the eff?! Pati ba naman yun sinabi niya?
Hindi agad ako makapagsalita dahil di ko alam ang sasabihin ko.
"Nagpatahi na ako ng gown mo. Kinausap ko na yung kakilala ko na designer at makukuha mo na agad yun tommorow morning" tumango na lang ako sa sinabi ni Mom. Inaasahan ko na rin naman yun eh. Pero nagulat ako sa sinabi ni Dad.
"Kung sabi mong wala ka pang partner, eh bukas na ang party, pumayag ka na makipag partner kay Cedric" Magsasalita na sana ako pero pinigilan na niya.
"No buts Zaniyah" tumayo na siya at umalis. Tiningnan ko si mama at nagkibit balikat na lang siya.
—*—*—*—*—*—*
*PARKING LOT*
Pagkakita ko pa lang kay Jasmine eh hahampasin ko na siya pero mabilis siyang lumayo sa akin.
"Anong problema mo babe? "
Nahampas ko nga rin tong si Eunica."Isa ka pa"
"Aww"late reaction niya.Inirapan ko na lang siya. Napatingin ako kay Camry. "Ano ikaw rin?"
"Ako? Hindi ah. Mabait ako babe" Napahawak siya sa bibig niya na kunwari eh nadulas siya sa sinabi niya.Tiningnan ko sila isa isa.
"Takbo! "
Napatampal na lang ako sa noo ko. Hinabol ko sila hanggang makarating kami sa room.
—*—*—*—*—*—
Walanjo.! Pag dating pa lang namin sa room eh kinuha ko na yung tubig ko at uminom. Hiningal ako eh ganun din ang ginawa nila Jas. Ilang sandali pa ay dumating na ang teacher namin.
*—*—*—*—*—*—
It's already lunch time kaya nandito na kami sa canteen. We talked about the party, gowns and...... partners. Halatang nang aasar na naman yung tatlo but all I do is to rolled my eyes.
"Hey girls! Can we join?"
Napatingin ako sa nagsalita.... na nakatingin na pala sakin.
"Hey can we join?" Tanong niya ulit... sakin?
"No—" di ko naituloy ang sasabihin ko ng sinipa ako nung tatlo. Hindi naman nila napansin yun.. nila Cedric dahil sa ilalim ng mesa naganap ang sipaan.Sinamaan ako ng tingin nila Jas and they give me 'subukan-mong-di-pumayag-kung-hindi' look.
"What?Di niyo pa nga ako pinatapos magsalita tapos magagalit kayo jan!Sasabihin ko nga lang na 'no problem, pwedeng pwede' " Napairap ako. Hindi naman kasi talaga yun ang sasabihin ko eh. Takot ko lang kung anong gagawin ng mga to.