Chapter 6

1 1 0
                                    

Nandito na kami sa classroom.Hinihintay lang namin dumating si Sir Primo.Ang mga bakla ayun nagkwekwentuhan ng kung ano ano. Ako nandito lang nakaupo, wala sa mood makipagsabayan,nakakatamad.

Biglaang dumating si Sir. "Okay class, friday night, we will be having acquaintance party. So all students are wearing formal attire. Dapat you have partners sa night na yun. Is it clear?"sabi niya.

"Yes sir!"sagot nila.

Gumawa naman ng ingay itong mga kaklase ko. Yung iba excited yung iba lampake.

"Okay class please quiet.Mamaya na lang kayo mag usap usap about sa party. Let's start the discussion"-sir

Aral.... Aral..... Aral....

(Kring!!!!!!)

"Okay goodbye "pagpapaalam na sir.

Niligpit na namin ang mga gamit namin at lumabas na ng classroom at dumiretso sa canteen para sa lunch.

"Hey baklas, excited ako dun sa party! *giggles*"sabi ni Eunica.

She loves parties by the way.

"Yeah ako rin, pero sino magiging partners natin?"si Jas

"Tara aakitin yung tatlo?Hahaha"sabi ni Camry.

"Oh game tara!Yung mga dalagang Filipina.... Ay hindi tayo kaya game ako dun"sabi ni Jasmine.

"Ikaw Euni? Game ka?"tanong ni Camry.

"Okay sige"

"So bukas ha! Ikaw Zani?"tanong sa akin ni Camry.

"Sino namang yayayain ko?"

"Bahala ka kung sinong gusto mo! Pero bet ko na yayain mo ay si Fafa Cedric"sabi ni Camry.

"Anong oras ba kayo magyayaya?"tanong ko.

"I think baka afterclass "sagot ni Jas.

"Okay. Di ako sasama. Kailangan kong umuwi ng maaga"alibi ko. Alam ko sa sarili ko na may itsura si Cedric. Pinagpala ng KAUNTIAN lang.Pero kahit na a-yo-ko lalo na at kay Cedric pa. Tsaka bakit baga ako pumayag na maging'friends' kami. Basta ewan ko rin sa sarili ko kung bakit ayoko.

"Asus ang kill joy mo. Bahala ka ikaw rin ang magmumukhang kawawa doon kasi wala kang partner" sabi ni Eunica.

"Wow naman. Nahiya naman ako! Bakit? Sigurado ba kayo na papayag yung tatlo?!"sabi ko.

"Naman"sabay sabay nilang sabi.

Inirapan ko na lang sila. Sana nga po tanggihan sila. Masyadong kumpiyansa na mapapa oo nila yung tatlo.

Pagkatapos ay nagorder na kami ng lunch namin. Matapos naming kumain ay nagbalik na kami sa mga classroom namin.

Kakaunti pa lang ang tao dito sa room.Mamaya pa naman ang time kaya malamang ay nagyayayaan ang mga yon.

Awasan na at itong mga kasama ko ay mga nagaaligaga. Aayain na kasi nila yung tatlo.

"Mga bakla tara na bilis baka maunahan pa tayo ng iba! "Sabi ni Eunica.

"Tara nga! Susugurin ko kung sino mang magaakit sa kanila! "Si Jasmine.

"Ikaw ba Zani? Di ka ba talaga sasama? "Tanong sa akin ni Camry.

"No hindi na. Uuwi na ako sa amin "sabi ko.

"Oh sige hindi na yata magbabago ang isip mo. Una na kami kita nalang tayo bukas!" Sabi ni Eunica.

Boy HuntingWhere stories live. Discover now