Pagpasok pa lang namin sa room, hinanap na agad nila Cams yung tatlo ang kaso , si Cedric pa lang ang nandito.
"Cedric right?"si Eunica.
Tumango naman yung isa."One and only"
Pssh napairap nalang ako sa kawalan.
"Pwede ba namin malaman kung nasan yung mga friend mo?"
"Ah sila? Nasa hallway ang mga yun. Hindi makausad dahil sa mga fangirls nila tssk tssk"inosente niyang sabi.
"Ano?! "Sabay sabay na tanong nilang tatlo.
"Ah sila? Nasa hallway ang mga yun. Hindi makausad dahil sa mga fangirls nila tssk tssk"
Muntik na akong matawa sa mukha niya pero pinigilan ko lang. Akala mo naman inosente, di naman bagay.
"Ah ganun ba? Sige salamat. Zaniyah maiwan ka na namin ah! Baka maunahan pa kami eh. Bye!! "
Lumabas na sila ng room.Bumuntong hininga ako. Pumunta na lang ako sa pwesto ko. Ilang minuto lang ay biglang may tumabi sa upuan ko.
"Hi babe!" bati niya habang nakangiti ng malawak.
What the eff?! Seriously?! Hindi ko na lang siya pinansin.
"Uy pansinin mo naman ako oh! Di ba friends na tayo,babe? "
And with that cue, napairap ako. Kainis naman. Eh bopols ka Zaniyah eh. Pumayag kang makipagkaibigan tapos mag iinarte ka ngayon.
"Bakit?"
"Wala man lang hello,babe?"sinamaan ko siya ng tingin. "Ahh Iisipin ko na lang na naghello ka babe"
"Pwede ba? Kung may sasabihin ka, sabihin mo na"
"May partner ka na para sa party,babe?"tanong niya. Di pa rin nawawala yung ngiti niya.
"Wala"sagot ko para di na masyadong humaba ang pag uusap namin.
"Ahh ganun ba babe? Ako rin wala pa"
"Oh tapos ba——?" What the eff???! Muntik na yun."—stop calling me babe,idiot.I'm not a pig" inirapan ko siya.
"Pwede ba kitang maging partner?"
Nagulat ako sa tanong niya.Hindi ko kasi inaasahan."Meron na kong partner"
"Ano?!Babe naman! Kasasabi mo pa lang na wala kang partner tapos ngayon tinanong kita kung pwede kang maging partner, sasabihin mong meron na?Gulo ah!Bakit sino ba yung partner mo? Anong pangalan? Kakausa—"pinutol kona ang sasabihin niya.
"Teka nga! Dahan dahan lang hindi na kita maintindihan eh"sunod sunod kasi ang mga tanong. Sakit sa tenga eh.
"Oh sige, sorry. Tinatanong ko lang kung sinong partner mo"malumanay niyang sabi.
"Kung sasabihin ko sayo, ano namang gagawin mo? "Tanong ko habang nakataas ang kilay.
"Simple. Kakausapin ko kung sino mang partner mo. Sasabihin ko sa kanya na maghanap siya ng ibang partner para ikaw na yung magiging partner ko.....babe!"Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.Ang totoo ay wala pa talaga akong partner. Tinatamad akong maghanap eh. Magsasalita na sana ako pero di natuloy dahil nasa harap na pala namin sila Jas. Bago bumalik sa likod si Cedric ay nagsalita siya at alam kong narinig yun nila Jas.
"Iintayin ko ang sagot mo babe! "
Nakatingin sa akin yung tatlo na parang humihingi ng paliwanag dahil sa narinig nila.Naupo na sila at nagsimulang magtanong.