Zaniyah's POV
RING... RING... RING... (ALARM CLOCK YAN)
*YAWN*First day of school ngayon. At first day namin sa Phelingstone University. Kumuha na ako ng tuwalya at pumasok sa banyo.
Inaayos ko na itong ribbon ko.Pagkatapos ay binlower ko yung buhok ko at hinayaang nakalugay. Bumaba na ako at nagdiretso sa dining room. Naabutan ko silang kumakain.
"Good morning po Mom, Dad"pagbati ko sa kanila sabay beso.
"Good morning din iha. Maupo ka na at kumain"sabi ni Dad tapos ay naupo na ako.
Naglagay na ako ng kanin sa pinggan at kumuha ng sausage at ham.
Pagkatapos kumain ay nag paalam na ako sa kanila. "Una na po ako"
"Sige mag ingat ka"sabi ni Mom.
Nandito ako sa parking lot. Hinahanap ko yung mga sasakyan nila.
Nang makita ko ay bumaba na ako sa kotse.
"Manong Benj tatawagan ko na lang po kayo mamaya pag magpapasundo na ako" sabi ko sa driver namin.
"Sige po mam "
Lumapit na ako kila Jas. "Kanina pa kayo? "Tanong ko sa kanila
"Hindi naman kadadating lang din namin.Halos sabay lang din kami dumating"sabi ni Jasmine.
"So pano? Tara na papasok! "Sabi ni Eunica at halata sa kanya na excited talaga siya.
Pinakita namin kay Manong Guard yung I. D namin kaya pinapasok kami agad.
Habang naglalakad ay pinagtitinginan kami.
"Bagong transferees? Ano kayang pangalan nila?"
"Ang ganda nila"
"Sana maging friend natin sila ""Tch. Mga pabida"
"Tama ka attention seeker""Witwew. Pare ang hot nila, ano kayang pangalan nila?"
"Ano kayang year nila? Sana kaklase natin sila! "Puro ganyan ang naririnig namin mula sa kanila.Hindi na lang namin pinansin at dumiretso na sa bulletin.
X-A -Diamond
"Baklas magkakaklase tayo! Nyehehehe"sabi ni Eunica.
"Tara na"aya ni Camry.
"Phew. Buti na lang at nahanap natin agad itong room"sabi ko."Yah. Tara na sa loob"sabi ni Camry.
Pumasok na kami sa loob at umupo sa likod.
Di pa nalapat ang pwetan ko sa upuan ng biglang may magsalita.
"Hep! Sino may sabi sa inyong umupo diyan?FYI, kami ang nakaupo diyan kaya shoo shoo Alis! "Pagtataboy niya sa amin.
Nagkatinginan kaming apat tapos ay tumayo. Inaasahan na namin ito kaya napagusapan naming wag MUNA gantihan lalo pa at kakatransfer palang namin. Yes! MUNA! Kasi gaganti kami sa kanila makita nila.