Jasmine's POV"Baklang Jas, nasan na ba si baklang Zani?" tanong ni Camry.
"Kaya nga, kanina pa tayo naghihintay dito oh". sabi ni Eunica.
"Ahh teka tatawagan ko lang". sabi ko sabay kuha ng phone ko sa bag.
Kringgggg!!!! Kringgggg!!!! Kringgggg!!!!
"Oh naito na pala tumatawag na siya.... Hello Zani?"
[Uhm. Hello Jas?Hindi na ako makakapunta. Sorry. Dumating kasi yung anak ng business partner ni Dad kaya as usual ipapakilala na naman ako. Pero next time babawi ako promise!] Sabi niya.
"Ohh ganun ba? Sayang naman. Pero kanina pa kami nag aantay sayo dito ah! Pero sige ayos lang babawi ka naman eh hahahah!" sabi ko.
[Sayang nga di ako makakasama wala akong mahu-hunt].
"Hahaha wawa naman you. Hayaan mo malay mo fafa pala yung bisita niya edi happy ka'diba? Pft.Oh siya sige na baka magsiuwian ang mga fafa.Bye!" sabi ko .
[Sige bye] pagkatapos ay binaba niya na ang tawag.
Hinarap ko naman yung mga kasama ko.
"Oy mga bakla. Hindi na makakapunta si Baklang Zani. May dumating na naman daw na anak ng business partner ng daddy niya kaya... Alam niyo na!" sabi ko sa dalawa.
"Ohh ganon ba? Sayang naman. So ano? Tara na! Magsimula na tayong maghanap!". Sabi ni Eunica.
"Kyaah tara na! ". Sabi naming dalawa ni Camry.
Lagi na kaming nagbo-boy hunt tuwing bakasyon. Alam niyo na pampalipas oras .Nakakaburyo kasi sa bahay walang ginagawa kaya naisipan naming gawin 'to.
-------
Nandito kami sa isang fastfood chain dito sa mall. Nagutom kami kahahanap.
"Jusko nakakaloka.Ilang oras na tayong palakad lakad kaso wala pa tayong mahanap?!"sabi ni Camry.
"Yah. Napagod nalang tayo't lahat wala man lang tayong nahanap" sabi ni Eunica habang nakapout.
Tch. Kanina pa nga kami naghahanap kaso wala talaga kaming mahanap. Sabagay baka nasa bahay lang sila. Nagkukulong para di mabawasan. Kasi... Endangered species na ang mga katulad nila... Kakaunti na lang. Pero sana kahit tatlo man lang sa kanila ay lumabas para sa aming tatlo kasi sayang effort namin noh!
"Pero mga bakla maging alert kayo ah! Baka mamaya may biglang dumaan diyan! "Sabi ko sa kanila. Agad naman silang tumingin sa labas.Uminom lang ako ng tubig pagkatapos ay tumingin sa labas.
Wait.
5
4
3
2
1
"POGI ALERT! AYUN SA MAY ESCALATOR! TARA NA! "Sabi ko.
"Whhoaa tara bilis" sabi nilang dalawa tapos ay umalis na kami.
"Nasan na sila? " tanong ni Camry.
"Waaah nasan na yon?! Hanapin niyo tatlong lalaki tapos naka tshirt ng gray, black, at white!" sabi ko.
Tingin dito... Tingin doon... Tingin kahit saan.
"Ayun ayun sa foodcourt! Tara!! " Sabi ni Eunica.
Nandito kami sa food court. Yung table namin ay nasa likod ng table nung tatlong fafa na nakita namin.
"Humagadd bakla ang wawafu nila kyaaah" sabi ni Eunica.
Kyaah. Hahahaha thank you lord. Binigay niyo na agad ang hinihiling ko.
"Hahaha yah.So ano ng gagawin natin?"si Camry.
"Ganito......... Pengeng ball pen. Tapos may tissue kayo? "Sabi ko.
"Oh naito tissue" sabi ni Camry.
"Oh ball pen" inabot ko naman sa kanilang dalawa.Binigyan ko sila nga tig iisang tissue.
"Isulat niyo diyan yung mga name niyo tapos emails niyo at kung gusto niyo pati na rin yung number niyo!" sinulat ko muna yung pangalan ko at emails ko sa tissue. Hindi ko nilagay yung number ko kasi di naman ako nagloload hahaha.
Pagkatapos ko ay binigay ko na sa kanila yung pen.
Nakapwesto kami ngayon kung saan di kami makikita nung tatlong fafa na nasa foodcourt. Umalis kami pagkatapos naming ilagay yung mga tissue sa tray nung tatlo. Kasi pagkadating namin kanina sa food court nag order sila ng kakainin nila. Buti nga di kami nahuli ni ateng nagbabantay.
"Oy bakla! Ibibigay na yung order nila! " Sabi ni Eunica.
Tiningnan ko na sila. Nailapag na nga ni ateng yung order nila.
"Hawak na nila yung tissue!! " Sabi ni Camry.
Tiningnan ko yung magiging reaksyon nilang tatlo. Nakita kong nagsalita si kuyang naka-black. Tapos biglang nagkibit balikat si kuyang naka gray.
"Oh nakapag hunt na tayo! Pwede na tayong umuwi! "Sabi ni Camry.
"Okay tara na "sabi ko tapos ay naglakad na kami palabas.
Yeah. Ganun lang yung ginagawa namin tuwing nagbo-boy hunt kami. Nahihiya kasi kaming tanungin yung pangalan nila. Kasi baka maturn off! Pero feeling ko mas nakakaturn off yung ginawa namin! Pero hayain na ah gusto lang naman namin ay nakakakita ng gwapo!
TO BE CONTINUED..
***
A/N:Lame ba yung chapter na to? Sorry naman. Pero nakamana kayo ng gagawin pag mag bo -boy hunt kayo! Try niyo rin hahaha malay mo forever mo pala yung mahanap mo! Kbye. HahahaPlease comment ng reaction niyo sa chapter na ito. Kamsa.