Angela's P.O.V
Maaga akong nagising dahil sa ingay na narinig ko sa labas ng kwarto ko at sa malakas na katok mula sa pinto, bubuksan kona sana pero naunang buksan ito ni Grace. At sunod sunod ang tanong niya sakin!
"ANGELA! GUMISING KANA! MALE-LATE NA TAYO! ANO BANG GINAWA MO KAGABI?! BAT BA PUYAT KA?! AT NGAYON KA LANG NAGISING?! HINDI MOBA ALAM?! MAY QUIZ TAYO SA SCIENCE NGAYON!? AT NAKIPAG-PALIT SIYA SA NAUNANG SUBJECT TEACHER?! DALIAN MO AT IBABAGSAK TAYO NON!"
"GISING NAKO! MALILIGO PALANG AKO! MAUNA KANA! HAYAAN MO NAKO! AKO NA BAHALA DUN! HAHAHAHA!" sabi ko kay Grace at saka kinuha ang twalya ko at pumasok sa banyo.
"HINDI! HIHINTAYIN KITA! DALIAN MO AT MAY PAGUUSAPAN TAYO NILA FAITH!" sigaw niya nanaman.
"HINDI KABA MAKAPAGSALITA NG DI SUMISIGAW?!" sigaw ko din hahaha!
"Makakapagsalita naman, eto na nga oh." tatawa tawang sabi niya
"Yun naman pala e, lumayas kana at wag kang mag-alala sakin ako nang bahala don. Sisiw lang yun." sabi ko at inismiran niya naman ako.
"Oo na, ikaw na magaling sa Science. Haha! Panlaban ka e! Hahaha! Sige na, aalis nako. Ingat ka diyan baka malunod ka." sabi niya at saka pabagsak na isinara ang pinto!
'Aba't siraulo talaga tong bespren kong to ah?! Mana sakin! HAHAHA' -natawa nalang ako sa sarili kong naisip.
Kahit ganyan yang bespren kong yan, mahal na mahal ko yan. Pati si Faith, sobrang mahal ko yang dalawang yan. Mahal ko din naman si Angelo. Pero tama na. Masakit na e. </3
"Aish! Bat koba iniisip yun?! Di naman ako iniisip nun at dina ako mahal nun ay ewan koba! Nababaliw nako! Nababaliw nako sakanya!"
Natapos nakong maligo, at kumain narin ako. Bilis ko noh? Minsan lang yan, 7:15 na kasi at yari nanaman ako sa teacher namin sa Science. Hahaha! Bahala na. Naglalakad lang ako papasok kasi malapit lang naman ang school sa bahay e. Isang tawid lang ng kalsada andun kana.
Sa 5 minutes kong pagtakbo ay nakarating ako ng 7:20 sa school. Kasabay kong pumasok si Angelo. At may kung anong nagtatambol nanaman ang nangyayari sa puso ko. Traydor talaga to e, sabi ko kapag wala saka na magtambol e. Sabay kaming nakarating sa pwesto ng Log book. Nagkatinginan kami at tila naguusap pero siya na ang naunang sumulat ng pangalan niya sa linya ng late.
"Uh... eto oh. Sulat kana rin. Late ka rin pala e." nakangiti niyang sabi, tae! Naka-ngiti minsan lang siya ngumiti! Alam niyo ba yun! Malamang hindi! Ang lakas parin ng epekto niya sakin nakakabaliw na.
"Uh-o-oh sige... salamat. Ikaw din naman late e." sabi ko at nagsulat, nakatingin lang siya sakin at iniintay ako matapos.
"Sige, pasok nako ah. Yari kasi ako kay Miss Agaser e. Late nako sa quiz namin, see you around." Paalam ko at kumaway sakanya. Hindi kona siya nilingon pa at nagmadali nakong tumakbo paakyat sa room namin.
*ROOOOOOOOM*
"Goodmorning, Miss. Sorry i'm late." bati ko kay Miss Agaser.
"Anong oras ba pasok mo?" tanong niya at nakatingin sakin ng BLANKO! Okay, pag ganito ang tingin netong terror na babaeng to. Matatakot nako.
"7 po miss." sabi ko habang nakayuko. LUPA KAININ AKO NGAYON NAAAA!
"Alas siete pala e anong oras na?" tanong niya, nak ng tokwa galit na'to!
"7:20 po miss." sabi ko, pabara ko parin siyang sinagot hahaha!
"Dalhin mo yung handbook mo at pumunta kang office. NOW!" utos niya at saka ako dali-daling pumunta ng locker at hinanap yung handbook habang nagpapa-pirma ako sa adviser ko para makapasok ako sa klase namin.
YOU ARE READING
Say You Won't Let Go [On-Going]
Teen FictionAng pagmamahal ay isang napaka-laking test paper na dapat natin sagutan. At dito sa pagsusulit na ito, hindi pwede ang trial and error, kung saan pag mali ang sagot mo ay pwede mo lang siyang burahin at maghanap ng ibang sagot. Hindi mo na maibabago...