Angela's P.O.V
Matapos ang nangyari nung nakaraan sa subject ni Miss Agaser ay, recognition day na namin. At alam naman na kung sino ang mga 'Cream of the Crop'. Sa batch namin, panlima si Skie Mendoza, pang-apat ako, pangatlo si Naih Martinez, pangalawa naman si Faith at first naman si Grace. Kaming apat na babae ay merong 'Conduct' unexpected diba? Imposibleng makakuha kasi maiingay kami, pero masunurin naman kahit papano.
At si Ethan? Ayun, siya ang first sa batch nila, pangalawa si Lance, pangapat naman si Altair, panganim si Rigel at pangpito naman ang pinsan kong si Randall.
Matapos ang recognition ay, gumala kami ni Grace. Wala si Faith kasi, umuwi si Tito Marco ang papa niya galing Canada. So nagbonding muna sila at hinayaan muna namin siya.
Nasa fast food kami kumakain at hawak ko ang cellphone ko. Kausap ko si Ethan habang kumakain. May mga pinaguusapan kami at ngayon siguro ang tamang oras para sabihin kong lalayo ako sakanya dahil lumalalim na ang nararamdaman ko.
"Uhm. Dina pala ako makakapag-reply sayo. Mamaya." –ani ko
"Hala! Wala na akong kausap." –bakas sa tono ng boses niya ang kalungkutan.
"Hirap na hirap nako! Hirap na hirap nakong magtago ng nararamdaman ko para sayo! –mangiyak ngiyak kong sabi, pero kahit papaano ay pinipigilan kong lumuha. "Tyaka, huwag kang magalala babalik naman ako e, babalik ako pag kaya kona. Pag kaya na kitang harapin." –dagdag kopa
"Anong feelings?! Ano?! Waaaag! Wag mong gawin yun, please?!" –nagmamakaawang sabi niya
"K-kasi... sa araw-araw na kausap kita... Hindi ko mapigilan ang n-nararamdaman k-ko p-para s-sayo... sa araw-araw nayun, unti-unti din akong n-nahuhulog s-sayo n-ng h-hindi ko n-namamalayan... *huk* p-pero n-nararamdaman ko..." –pilit ko mang pigilan ang mga luha ko, pero hindi ko kaya at tuluyan na itong bumagsak
"Pero ano bang mangyayari kapag nahulog ka sakin?" –tanong niya
[Baliw ka! Syempre nahulog, tuleg ka! Di moko sasaluhin kasi mahal mo espren ko!] –sabi ko sa isip ko
"Edi nahulog!"-ani ko "Iniisip moba na kapag na-fall ka sakin, masasaktan ka lang?" –tanong niya
"Oo."-agad kong sagot "B-bakit ka masasaktan? D-dahil ba may iba ako?" –tanong niya
"O-oo..."-ani ko "H-hindi naman kita sasaktan e."-ani niya
"M-madaling sabihin yan... pero dimo maiiwasan e." –ani ko "Alam kong nasaktan na kita noon, pero hindi na ngayon... hinding hindi na." –bakas sa tono ng pananalita niya ang sinseridad
"But, I had to do it." –ani ko "Kailangan ba talaga?"-tanong niya "Oo kailangan."-sagot ko naman
"H-hindi ko kaya." –malungkot niyang sabi "B-bat dimo kaya?"-tanong ko
"G-gusto ko kasi lagi kitang kausap, ikaw lang ang nakakaintindi sakin at laging anjan para sakin." –malungkot niyang sabi
At oo, ako lang palagi ang nakakaintindi sakanya at diko siya iniiwan kahit anong mangyare.
"I-ikaw lang ang tumutulong sa a-akin kapag may problema ako, i-ikaw lang... i-ikaw lang din ang ganito sakin, kahit sila Altair at Lance hindi nila ako natutulungan, pero... ikaw... ikaw lang talaga... kung matutuloy to, I will miss you and I will never forget you." –malungkot niyang sabi
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi agad ako nakapagsalita, at bahagyang napa-isip kung itutuloy koba? Kasi kahit ako hindi ko kaya. Hindi ko kaya.
YOU ARE READING
Say You Won't Let Go [On-Going]
Teen FictionAng pagmamahal ay isang napaka-laking test paper na dapat natin sagutan. At dito sa pagsusulit na ito, hindi pwede ang trial and error, kung saan pag mali ang sagot mo ay pwede mo lang siyang burahin at maghanap ng ibang sagot. Hindi mo na maibabago...