Angela's P.O.V
Matapos ang ilang araw na prepasrasyon para sa nalalapit naming Acquaintance Party ay agad kaming nagtungo nila Faith at Grace sa Supreme Council Office para tignan kung ano ang tema ng party mamaya at kung saan ang venue at anong oras ito gaganapin.
ANNOUNCEMENT:
WHAT: High School Night
WHERE: Andersen Academy Covered Court
WHEN: FEBRUARY 12, 20**
THEME: BLUE AND BLACK BALL
"Uy, hala! Blue and Black daw! Yehey!" –tuwang tuwang sabi ni Faith at tumatalon pa.
"Hala? Oo nga? Kaso, wala akong blue and black sa dress sa bahay e. Paano yan?" –nalulungkot na sabi ni Grace.
"Naku! Wag kayong ma-mroblema sa susuotin niyo, sabay sabay tayong pupunta sa Boutique ng Tita ko mamaya, marami tayong mapagpipilian na gown and dresses dun. May iba-ibang kulay din. Ano tara?" –pang-aaya ko sakanila
"Sige! Gusto ko yan! Ano kaya ang bagay sakin? Black o Blue? Cocktail o Long Gown? Haha. Nae-excite naman ako!" –galak na galak na sabi ni Faith
"Haha. Para kang baliw Faith! Mamaya magsukat tayo doon sa boutique ni Tita." –natatawang sabi ko kay Faith.
"Ikaw Grace? Parang dika naman excited? May problema ba?" –malungkot na tanong ko.
Ang masayang mukha at excited na mukha namin ni Faith ay tila napalitan ng pagaalangan sa mukha ni Grace.
"A-ah, w-wala akong problema... o-okay lang a-ako..." –nauutal na sabi niya habang nakatungo siya sa amin.
"Hindi, may problema ka eh. Magsabi ka naman samin, di naman kami magagalit eh." –ani ni Faith na may paga-alala sa kanyang mukha.
"A-ah... k-kase, wala akong pambili ng dress eh, b-baka mahal yun." –malungkot na sabi ni Grace.
Malungkot na malungkot kami tatlo dahil sa sinabi niya, marami kasi silang magka-kapatid e. Pangalawa siya sa limang magkakapatid. Kung tutuusin ay kayang tustusan ng magulang niya ang dress para sa Acquaintance Party pero, dahil may baby pa sila ay ipinagapabuti niya na huwag nalang sumama. Pero dahil kaibigan naming siya, sasama siya.
Grace's P.O.V
First time! Malapit na ang Acquaintance Party namin pero wala pa akong maisu-suot dahil hindi ako kayang bilhan nila Mama kasi may mga kapatid pa akong mas maliit pa sakin. Gusto kong sumama, pero ano namang susuotin ko? Blue and Black pa naman ang theme, favorite color ko pa. Nagulat ako nung sinabi ni Angela na sa Tita niya na lang kami kumuha ng susuotin.
"A-ah... k-kase, wala akong pambili ng dress eh, b-baka mahal yun."
"Anong mahal?! Hindi noh. Walang bayad yun, sa Tita ko naman yun. Ako nang bahala sainyo." –sinabi habang kumi-kindat kindat pa. Loko talaga. Haha.
"Oo nga naman, ako narin bahala sa make-up nating tatlo, kailangan maganda tayo. May mga Tita din akong pwedeng mag-ayos satin mamaya. Ano game?" –ani ni Faith
"O-osige na nga, mapipilit kayo eh. Matatanggihan ko ba naman kayo? Haha." –medyo natatawang sabiko.
"Yehey!" –si Faith
"Yesss!" –si Angela
Oo, diko sila matanggihan. Mahal ko silang dalawa kahit na baliw, abnormal at bipolar yang dalawa. Mahal na mahal ko yan! Ang malungkot kong mukha ay napalitan ng masasaya at matatamis na ngiti. Masaya ako kasi makakasama narin ako at kasama ko pa ang mga bestfriend ko.

YOU ARE READING
Say You Won't Let Go [On-Going]
Novela JuvenilAng pagmamahal ay isang napaka-laking test paper na dapat natin sagutan. At dito sa pagsusulit na ito, hindi pwede ang trial and error, kung saan pag mali ang sagot mo ay pwede mo lang siyang burahin at maghanap ng ibang sagot. Hindi mo na maibabago...