Kabanata 1: Crush or Not?

61 5 10
                                    

Angela's P.O.V

Sabado ng alas-sais nang umaga, isang espesyal at nakaka-kabang araw para sakin. Espesyal dahil, ikalawang taon ko nang sasali sa Quiz Bee sa paaralan namin at dahil kahit pangalawang taon ko na ay kinakabahan parin ako, hindi na nawala sakin. Sa ikalawang taon na ito ay Science ang lalabanan ko. Noong nakaraang taon kasi ay, Bible Spelling ang sinalihan ko, ngayon naman ay Science. Grupo din iyon, at hanggang ngayon. Habang naglalakad papuntang paaralan ay, ka-chat ko si Angelo, isa sa mga ka-grupo ko, Grade 7 siya sa paaralan naming at ako naman ay Grade 8. Kami yung representatives ng bawat grade level sa paaralan sa nasabing patimpalak.

*chat head active*

"Hi Ate Lara! Goodmorning~" -bati niya.

"Hello Ethan! Goodmorning din, kamusta?"

"Okay lang naman, medyo kinakabahan kasi unang beses kong sasali sa ganitong patimpalak eh. Ikaw kamusta ka?" -ani niya.

"Okay lang din ako. Ah, ganun ba? Wag kang kabahan, baka kasi di tayo makasagot. Haha. Joke lang! "-biro ko.

"Sige, susubukan kong hindi kabahan. Pero kasi kinakabahan talaga ako eh." –ani niya.

"Hindi yan, nandito naman kami eh. Tyaka ako, akong bahala sayo. J"

"Sige, salamat ah." –ani niya.

Nasa paaralan na ako ng ma-replyan ko siya sa text niya sa akin. Kinakabahan daw siya kasi unang beses niyang sasali sa mga Quiz Bee, ako din naman dati ganyan din ako katulad niya, kinakabahan pero hindi ko pinairal ang kaba, bagkus, inisip ko kung ano ang mga mangyayari at nagreview nalang ako para matandaan kopa yung mga words.

"Walang anuman, nasa school na ako."

"Sige, papunta na ako." –ani niya.

"Sige, Ingat!"

"Sige, ikaw din. Bye." –ani niya

Natapos ang paguusap naming dalawa, at natanaw ko naman ang iba pang mga estudyante na kasali din sa patimpalak. Nakita kona din dun ang bestfriend kong sina Grace at Fatih. Si Grace ay lalaban sa Bible Quiz, at si Faith naman ay lalaban sa Singing Competition. Habang papalapit ako sakanila, natanaw ko naman ang isang lalaking nakatalikod, medyo matangkad, at maputi, may mga kausap siya... nang matanaw ko kung sino yung mga kausap niya. Sabi ko sa isip ko "Ah... sila Altair at Rigel pala." Si Altair ay panlaban sa Bible Quiz, kagrupo niya si Grace. Si Rigel naman ay panlaban ng Math. Nang madaanan ko sila nakita kona siya... si Ethan, siya pala yung kausap nila Altair at Rigel. Binati naman ako ni Altair...

"Hi Ate Lara!" –ani ni Altair.

"Hello!" –bati ko.

Nilagpasan kona sila at nagpatuloy ako sa paglalakad patungo kina Faith at Grace. Matapos ang ilang minute ay nakarating na ako.

"Hi Angela!" –bati ni Faith at Grace

"Yo! Haha." –bati ko din sakanilang dalawaSila lang ang bukod tanging gumagamit ng second name ko sa pagtawag sakin. Kahit ayoko ay hinayaan ko nalang, dahil bestfriend ko sila. Haha.

"Goodluck satin ah! Yieee!" –ani ni Grace

"Haha. Oo nga eh, goodluck talaga!" –ani ni Faith

Hindi ko sila napapansin kasi sa iba ako nakatingin, hindi ko alam kung bakit ko tinitignan ang lalaking iyon. Ano bang meron sakanya? Hindi ko na napansin ang sarili ko at nakatulala na pala ako.

"Oh, ikaw? Angela? Sinong tinitignan mo? Bakit ka tulala?! Ikaw ah!" –pang-aasar ni Faith.

"H-ha? A-ah.. e-eh.. wala wala ah..." –depensa ko.

Say You Won't Let Go [On-Going]Where stories live. Discover now