Angela's P.O.V
Lumipas ang ilang buwan, naging malungkot at mejo lumalamig kami sa isa't-isa. Nasira kasi ang cellphone niya, at bawal siyang makapagpuyat. Strikto ang mama niya, kaya hindi niya magawa ang mga bagay na madalas gawin namin. Halos di kami nagkakatamaan ng paguusap. Nakakalungkot, pero parang yun yung struggle namin, time talaga. Dumating yun araw na, nabasa ko yung chat nila ni Grace. Nakakalungkot, nasaktan ako dun. SOBRA. Hindi ko alam kung papaniwalaan kopa siya. Litong lito ako. Iyak ako ng iyak. Wala akong ibang ginawa, kundi umiyak lang.
*Verbatim*
[Ethan...] –Grace
[Bakit?] –Ethan
[Seryoso kaba talaga kay Angela?] –Grace
[Opo, bakit?] –Ethan
[Nanliligaw kana sakanya?] –Grace
[Hindi po, bakit?] –Ethan
[Ah, wala nililinaw ko lang... Mahal moba siya?] –Grace
[Opo] –Ethan
[Paano mo nasabing mahal mo siya?] –Grace
[Diko alam e, pero sa tingin ko ayun yun.] –Ethan
[Pano mo naman nasabi na mahal mo siya kung dimo alam?] –Grace
[Sa tingin ko kasi love.] –Ethan
[Paano?] –Grace
[Diko alam e.] –Ethan
[Niloloko moba siya?] –Grace
[Hindi, ikaw kasi ang...] –Ethan
[Oh bat ako nadamay?] –Grace
[Hindi ikaw kasi ang love ko e. Di kita makalimutan.] –Grace
[Huh?] –Grace
[Ikaw parin kasi ang gusto ko eh.] –Ethan
[Pero sabi mo, mahal mo si Angela?] –Grace
[Oo nga pero ikaw parin kasi eh.] –Ethan
[Ano ka ba?! Hindi pampalipas oras yung espren ko!! Makuntento ka sa isa! Maging loyal ka naman! Kawawa yung tao ehh! Sabihin na naten na nahulog na siya! Saka niya malalaman na hindi ka seryoso sakanya! BRAD!! DI KA SERYOSO SAKANYA!! DI MO SIYA MAHAL! NILOLOKO MO SIYA!! AT LALONG SINAKSAKTAN MO SIYA! Alam mo bang masakit sa feeling ng babae ang pinagsasabay! Matuto kang makuntento... inamin mo na na mahal mo siya seryoso ka sakanya... pero sinabi mo rin na mahal mo ako na di mo ako makalimutan... edi niloloko mo lang talaga siya... nagsayang lang kayo ng oras... sana di ka nalang umamin kay espren... sana di ka nalang niya nakausap... alam ko laging masaya yan si Angela... bihira ko lang makita umiyak yan... pero ayaw na ayaw kong nakikita siyang malungkot... pero sa tingin mo ano nararamdaman niya ngayon?! MEN!! isipin mo rin nman yung mararamdaman ng tao... wag mang loko... isa lang... alam kong 4 chambers ang heart pero dapat isa lang yung pupuno niyan!! Kung di ka sigurado sa nararamdaman mo wag kang go ng go... di pwedeng dalawa ang mahal mo!!! Dapat isa lang... aminin mo sino ba talaga??!! Yung totoo!!!! Para walang masaktan!] –Grace
[Siya na nga talaga.] –Ethan
Marami pa silang pinagusapan pero hindi kona kayang basahin pa, masakit na e, masyado ng masakit yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung papaniwalaan kopa siya sa mga sinasabi niya sakin ngayon, ang hirap! Ang hirap pala kapag nalaman mong ikaw lang yung nagmamahal tapos ginawa ka lang palang rebound. Ang sakit sakit na!
YOU ARE READING
Say You Won't Let Go [On-Going]
Teen FictionAng pagmamahal ay isang napaka-laking test paper na dapat natin sagutan. At dito sa pagsusulit na ito, hindi pwede ang trial and error, kung saan pag mali ang sagot mo ay pwede mo lang siyang burahin at maghanap ng ibang sagot. Hindi mo na maibabago...