Kabanata 3: Pag-amin

16 4 0
                                    

Eksaktong 10 am na nang magising ako. Sabado ngayon, walang pasok at nagpapahinga lang ako Kinuha ko agad ang cellphone ko. At nagulat ako may texts. 'Tss! Sino naman kaya to?!' At nagulat ako sa nakita ko. Haha. What a nice morning!

~5 texts received~

From: Ethan¥©

"Hi Ate Lara! :)"

"Hi Ate Lara, goodmorning! :)"

"Hi Ate Lara! Gising na!"

"Ate Lara!"

"Ate Lara, gising kana ba?"

Compose Message:

To: ©~Ethan~ ©

Hello! Slr. Kagigising ko lang kasi e. Goodmorning din!

BRIZZKK!!! BRIZZKK!!!

From: ©~Ethan~ ©

Hello, nagising ba kita?

Compose Message:

To: ©~Ethan~ ©

Hindi naman. Haha. Kagigising ko lang talaga.

Kumakain ako habang kausap ko siya, tumatawa ako magisa kaharap ang cellphone ko. Napagalitan pako ni Mama kakatawa ko. Ingay ko daw e.

"HAHAHAHAHAHA!" –malakas na tawa ko

"HOY?! ANO BA?! ANG INGAY MO! SINO BA YANG KAUSAP MO?!" –galit na sigaw na ni Mama.

"Ah wala ma, nagbabasa lang ako." –pilit na sabi ko ke Mama.

"Para kang baliw diyan!" –sigaw naman ni Mama

Hindi ko na si Mama pinansin at nagtuloy na ako sa kakatext namin. Buong araw kaming nagusap sa text. 8pm na ng gabi tapos na akong kumain at maligo tapos nadina ng term ko sa pagbabantay ng tindahan namin. Umakyat na ako sa kwarto ko para naman ay makapag-patuloy na kaming magusap. Tumawag siya at dumating sa point na nagtanungan kami ng mga crush namin.

"Ate Lara, sinong crush mo?" –ani niya

'Hala?! Sasabihin koba?! Wag nalang nga!'

"H-ha? A-ako? W-wala akong c-crush..."

"Weh? Di nga?"

'Si Lance nalang nga sasabihin ko!'

"Hala, oo nga. Tyaka diba si Lance ang crush ko?"

"Ay, oo nga pala. Hahaha. Sorry!"-ani niya

"E ikaw? Sinong crush mo?"-tanong ko

"A-ah... Si Ate Grace." –nauutal na sabi niya.

Para akong nadurog sa narinig ko, ang sakit pala marinig yun mula sa taong gusto mo na ang gusto niya ay ang bestfriend mo. Aaminin ko, oo masakit. Pero ano ba naman ang magagawa ko kung ang bestfriend ko ang gusto niya? Maganda si Grace, matalino at mabait. Lahat ng hinahanap ng lalaki ay nasa kanya na, ano naman bang laban ko dun? Wala naman diba? Matalino lang ako pero hindi ako maganda.

"A-ate Lara... Anjan kapa ba?" –tanong niya at saka ako bumalik sa riyalidad na kausap ko pala siya

"H-ha?... A-ah... O-oo..."

'Tsk! Bakit baaa?! Itulog mo nalang ngaaa!'

"Bakit natahimik ka Ate Lara?" –tanong niya

Say You Won't Let Go [On-Going]Where stories live. Discover now