Illusion

0 0 0
                                    

Seth's POV

Habang naglalakad ako sa isang madilim na lugar. Dahan dahan lumiliwanag ang paligid.

Para akong nasa isang Masquerade Ball. May chandelier na malaki at may mga taong naka mask.



Sumasayaw sila kasabay ng tunog na napakasarap pakinggan sa tenga.





Nang biglang nahati sa dalawang grupo ang mga sumasayaw.

Dahilan para magkaroon ng daan sa gitna.



Ilang saglit pa'y...








Lumabas ang isang dalaga. Nakasuot ng red na gown. May kaiksian ang buhok. Maputi at balingkinitan ang katawan. Kahit naka maskara ito, halatang napakaganda niya.


Naglakad ako dahan dahan palapit sa dalaga.


Lumapit din siya sakin, Nagtagpo ang aming palad sa gitna ng mga tao.


Sinayaw ko siya na para bang yun na ang pinaka huli kong sayaw sa buhay ko.

Nakatingin lang lahat ng tao saamin.

...

...

...

Ilang saglit lang, biglang tumigil ang tunog. Dahilan upang ihinto namin ang pagsasayaw. Bigla siyang naglakad ng mabilis palayo sa akin.

Pinilit ko siyang habulin. Hahawakan ko sana siya sa balikat kaso hinawi niya ito.

Dahil dun nalaglag ang maskara niya.

Yumuko ako at pinulot ko ito.
Pagtingala ko wala na siya.

Dahan dahan namang dumilim ang paligid.

Pagkatapos ay may narinig akong maingay na tunog.









"Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!" Maingay na tunog na nanggagaling sa alarm clock ko.

Bigla akong nagising.

*Sigh* "Panaginip lang pala." Sabi ko sa sarili ko pagkatapos ay agad kong pinatay ang alarm.

"Magaalas sais na pala. Kailangan ko na maligo. Baka malate ako." Sabi ko.

Agad akong naligo, nagayos at umalis para hindi ako mahuli sa klase ko. Hindi na ko nagalmusal.


Pagdating ko sa classroom hindi parin maalis sa isip ko yung panaginip ko. Habang naglalakad ako papunta sa upuan ko binati ako ng isang boses.

"Good morning Seth." Salubong sakin ni Tiffa habang nakangiti.

"Good morning din. Ang aga mo naman ata." Sabi ko.

"Ha? Hindi naman. I just arrived a minute ago." Sabi naman niya.

"Ahh..." Matipid kong sagot.

Pagkalagay ko ng bag ko sa sandalan ng upuan ko agad ding pumasok ang prof namin sa room.


Habang nagtuturo ang prof namin. Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Tiffa. Siguro mga 5 seconds ko siyang tinitigan.

Napansin kong kamukha niya yung babae sa panaginip ko. As in kamukhang kamukha niya talaga.

"Shit!" Pasigaw kong sabi.

Hindi ko namalayan na napalakas pala ang sabi ko narinig halos lahat ng kaklase ko yung sinabi ko. Especially si Tiffa. Hahahaha. Bwisit naman nakakahiya. Gusto ko na kainin ng tiles.

"Mr. Tylo? Is there a problem?" Parang galit na tanong ng prof namin.

"Nothing Sir, sorry po." Matipid kong sagot.

"Are you alright Seth?" Pabulong na tanong ni Tiffa.

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pakikinig sa prof namin.

Natapos ang klase namin ng mabilis. Ewan ko kung bakit parang ang bilis ng oras.

"Una na ko pre. Maglalaro pa ko e." Sabi ko kay Mark sabay lakad palabas.

"Asige pre, invite invite nalang." Pahabol niya.


Habang naglalakad ako palabas naisip ko yung panaginip ko.

"Kamukha talaga niya yung babae sa panaginip ko. Gara." Sabi ko sa sarili ko.

"Sinong kamukha?" Sabi ng isang boses sa gilid ko.

Si Tiffa?! Hala tae. Ano sasabihin ko.

"Ha??? Eee... Uhhh... Wala yun. Wala lang yun." Nauutal kong sagot.

"Uhm... Bat mo nga pala ko sinusundan?" Tanong ko para maiba yung usapan.

"Ahh. I'm not following you, actually pauwi na rin kasi ako kaso nakita kita. You looked problematic. Is there a problem?" Tanong niya sakin.

Tae naman to. Balik ng balik dun sa usapan.

"Ahh wala nga. Sige una na ko." Mabilis kong sabi. Sabay takbo palayo.

Tiffa's POV

What's wrong with him?
Iniiwasan niya ba ko?

Nevermind. Makauwi na nga lang.
Gusto ko pa naman siya makasabay maglakad.

"Ay, alam ko na!" Sabi ko sa sarili ko.

Hinabol ko si Seth.

"Seth? Uhm, can i asked a favor?" Tae nakakahiya naman tong gagawin ko.

"Bakit? Ano yun?" Sagot niya.

"Pwede ba kami pumunta sainyo ni Lydia? Please? I don't wanna go home pa e. Sagot ko meryenda?" Tae nakakahiya talaga. Please pumayag kana.

"Ha??? Uhhh... Ehhh... Sige, kaso maliit lang bahay namin ha. Baka masikipan kayo dun." Sagot niya.

Yes! Buti pumayag.
"No, it's fine. Di naman ako maarte sa ganun. Wait a sec. i'll just call Lydia." Sabi ko. Hahaha buti napapayag ko.

*Dialing Lydia*
*Call answered*
*Hello? Lyd? Tara punta ka sa gate. May pupuntahan tayo!" Sabi ko.

*Look behind you!* Sabi niya.

"Booooo!" Panggugulat ni Lydia.

"Shocks! Nandyan ka lang pala. Tara sama ka sakin." Sabay hila sa kamay ni Lyd.

"Teka san tayo pupunta?" Sabi niya.

"Wag kana magulo." Sabi ko.

"Seth sabay sabay na tayo sa car. Nandyan na naman si Mang Nestor e." Sabi ko kay Seth.

"Uhm... Osige." Matipid niyang sagot.


Pagsakay namin sa sasakyan. Agad naming tinungo ang bahay nila Seth.

_ _ _ _ _

In Between (Where am I?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon