Day Dreaming

1 0 0
                                    

[Makalipas ang tatlong araw]

Maayos na ang lagay ni Mrs. Sylva. Nakakalakad na din siya ng dahan dahan.


Habang si Seth naman...







Hindi maalis sa isip ang itsura ni Tiffa.
Tinamaan ata ang binata sa taglay na kabaitan at kagandahan ng dalaga.

"Haynako,. Pagkaminamalas ka nga naman, sineswerte ako. Hahahahaha" Sabi ni Seth sa sarili niya habang nakaharap sa salamin.

"San kaya nag aaral si Tiffa? Kailan ko kaya ulit yun makikita?" Tanong niya sa sarili niya.

"Hoy aber. Nananaginip ka ata. Masyadong malayo agwat nung babae na yun sayo." Biglang eksena ng mama ko.

"Ma naman. Hahaha. Pogi naman po ako e. Mabait, gwapo, handsome. Matalino pa. Hahaha. May pag asa naman siguro ako dun." Wika ni Seth habang pumupustura sa harapan ng salamin.

"Kailangan talaga kumpleto yung pogi,gwapo tsaka handsome? E parang pareparehas lang yun e." Sagot naman ni Mrs. Sylva habang natatawa sa ginagawa ng anak niya.

"Hayaan mo na ko ma. Ganun talaga. Hahaha" sabi ni Seth.

"Osha osha, bilisan mo na't malelate kana sa klase mo. Ako na bahala dito sa bahay. Kaya ko na naman gumalaw." Sagot naman ng mama niya.

"Osige ma. Sure ka kaya mo na ha? Magingat ka po. Alis na ko." Sabi naman ni Seth habang palabas na ng pintuan.

Pagdating ni Seth sa room nila. Napansin niya na wala pa ang prof nila. Agad siyang umupo sa upuan niya pagkatapos ay nilagay niya ang earphone niya sa kaliwa't kanan ng tenga niya tsaka niya kinuha ang libro sa bag niya about Trigo.

Sabay pindot ng kantang "Di na mababawi" na paboritong paborito ni Seth.

Ngayo'y aking inuunawang pilit.

Mga pagkukulang iyong ginigiit.

Sanay malaman mo na tanging ikaw lamang ang aking,

iniintidi.

Nakatabi pa saking alaala.

Pangako mong mananatili ka.

Kaya paglisan mo'y naiwan ang puso ito na ngayo'y,

bitin na bitin.

Nang biglang dumating ang isang prof sa ibang section. Absent daw ang unang prof namin kaya wag daw kami masyadong magiingay.

"Class? Sir. Ocampo has an emergency, that's why he's not comin today. By the way,..." Pagputol ni Ma'am Reyes sa sinasabi niya.


Tinawag ni Ma'am Reyes ang dalawang babae sa labas.

"By the way class, they're your new classmates. They are both transferees
from FEU." Wika ni Ma'am Reyes.

Nagsisipulan ang mga kaklase kong lalaki. Yung iba naman ate ng ate kala mo kapatid. Kala mo ngayon lang nakakita ng babae.

Hindi ito pinapansin ni Seth. Bagkus ay lalo niya pang nilakasan ang volume ng tugtog na pinapakinggan niya habang siya ay nagbabasa.


"Okay. Introduce yourselves to your classmates." Sabi ni Ma'am. Reyes.

"Uhm. Hi classmates. My name is Lydia Perez and i'm 18 years old." Sabi ng isang babae.

"Hi classmates. I'm Tiffa Cruz. I'm 18 years old." Sabi din ng isa pang babae.

Hindi narinig ni Seth ang pagpapakilala ng dalawa.

Pagkatapos nilang magpakilala, hinanapan na ni Ma'am. Reyes ng mauupuan ang dalawa.

Dalawa nalang din ang bakanteng upuan sa silid nila. Yung isa ay sa gilid, sa bandang kanan. At yung isa ay yung nasa likod nun. Na mismong katabi ng upuan ni Seth.

"Okay girls. Uhm kayo na bahala kung san niyo gusto umupo. Dalawa nalang kasi ang vacant." Sabi ni Ma'am Reyes.

Agad na naglakad sila Lydia at Tiffa papunta sa uupuan nila.

Si Lydia ay agad na naupo sa nasa gilid na upuan sa bandang kanan dahil mas malapit ito at mas maririnig niya ng malinaw ang sasabihin ng kung sino man ang nagsasalita sa harap. Si Tiffa naman ay uupo sa upuan na nasa likod ni Lydia.

Kaso may lalaking nakaharang ang paa. Nakadekwatro pa siya.

"Uhm. Excuse me." Sabi ni Tiffa.

Hindi ito narinig ni Seth, at patuloy pa din siya sa pagbabasa ng libro habang nakayuko.

"Kuya? Excuse me." Medyo napalakas ang pagkakasabi ni Tiffa.

Narinig ito ni Seth kaya napatingin siya sa dalaga.

...

...

...

Di mo na mababawi'ng iniwang sakit sa mga salitang binitiwan mo.

Hindi ba't ikaw narin ang nagpasya, nagtakda at siyang unang umiwas.

...

...

...

...

...

"Ikaw? A...no gina...gawa mo dito?" Nauutal na sabi ni Seth habang tinatanggal niya ang earphone niya ng dahan dahan.

"Oh! Seth. What a coincidence. Dito ka pala nagaaral?" Sabi naman ng dalaga.

"Oo dito. Sorry di kita napansin." Sabi naman ng binata.

Agad na pinadaan ni Seth si Tiffa.
Pagkaupo ni Tiffa, hindi nag imikan ang dalawa na tila ba nahihiya sa isa't isa.

"Kamus..." ...

"How's..." ...

"Natigilan ang dalawa sa sasabihin nila. Dahil sabay silang nagsalita."

"Sige ikaw na muna." Sabi ni Seth.

"Uh, i'm sorry. How's your mom?" Sagot naman ni Tiff.

"Okay na naman siya." Matipid na sagot ni Seth.

"That's great." Sabi ni Tiffa habang nakangiti.


Muling nagbalik ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Walang nagsasalita sa kanila.

_ _ _ _ _

In Between (Where am I?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon