Developed

0 0 0
                                    

Seth's POV

"Bibili muna ko ng makakakain natin. Dyan muna kayo. Feel at home." Sabi ko. Tae naman kase. Bat ba ko pumayag? Pabigla bigla ako magisip. Buti wala si mama. Nasa seminar sa Baguio. Walang maiistorbo.

"Uhm, can i go with you? Ako na bahala sa kakainin natin. Sagot ko gastos." Sabi niya.

"Wag na. Ako na bahala. Nakakahiya na masyado. Dyan na muna kayo. Mabilis lang ako." Sabi ko. Yung ipang dodota ko ipangbibili ko pa ng pagkain. Huhuhu

Habang naglalakad ako papunta sa grocery na malapit samin, nakasalubong ko si Mark. Papunta na ata siya sa paglalaruan namin.

"Oy pre? San ka pupunta? Kala ko ba maglalaro ka?" Sabi niya sakin.

"Ahh. Ehh may bisita kasi ako. Sila Tiffa." Sabi ko.

"Ha? Sino kasama ni Tiffa?" Sabi niya.

"Edi si Lydia. Hahaha tara sama ka samin? Samahan mo din pala muna ko mamili." Sagot ko.

"Sige. Tara." Mabilis niyang sagot. Gago din to e. Pagnarinig pangalan ni Lydia wala ng tanung tanong pa. G lang ng g.

Pagdating namin sa grocery, bumili kami ng pancake tsaka mga chichirya, softdrinks, tsaka marshmallows. Hahahaha favorite ko yun e.

Pagdating namin sa bahay. Dahan dahan naming binuksan yung pinto. Narinig namin si Tiffa...

"Bes, nakakahiya naman tong ginagawa ko. Babae ako tapos ako pa yung unang lumalapit sa kanya." Sabi ni Tiffa.

"Ano kaba girl. Okay lang yan. Wala naman yan sa gender. Basta i always got your back.." Sabi naman ni Lydia.

"Thank you bes." Sagot naman ti Tiffa.

"Uhm. Ehem, ehem." Sabi ko. Sabay lagay ng mga binili namin sa center table.

"Oh? Bat kasama mo yang kumag na yan?" Tanong ni Lydia sakin. Hahahaha yari ka Mark.

"Ahh, nakasalubong ko kasi siya. Sabi ko nasa bahay kayo. E mapilit e. Gusto ka daw niya makita." Sabi ko na e. Magagalit tong si Lyd.

"Uhhh... Hi?????" Sabi ni Mark kay Lydia habang nagpapacute.

"Hi mo mukha mo." Sagot ni Lydia.

"Bes naman. Nangangamusta lang naman yung tao e." Sabi ni Tiffa.

"Hahaha magluluto na nga muna ko. Nuod muna kayo dyan ng movie. Horror nalang para di boring. Hanap ka dyan Mark." Sabi ko habang kinukuha yung pang gawa ng pancake.

"Sige sige pre. Wait... Uhhhhm... Okay ba tong Rec 1?" Tanong niya.

"Oo okay yan, yan nalang." Sabi ko.

Habang niluluto ko yung pancake inumpisahan na nila panuorin yung palabas. Pinapatay ko yung ilaw kay Mark para mas nakakakatakot.

Nang matapos ko yung pancake, nilagay ko ito sa center table kasama ng baso at coke tsaka mga chichirya. Yung marshmallow syempre sakin. Wahahahahaha.

Umupo ako sa dulo ng sofa. Katabi ko si Tiffa, tas katabi naman niya si Lydia tas si Mark.

Nakatingin lang ako pasimple kay Tiff. Alam ko kasi malapit na yung part na nakakagulat. Gugulatin ko din kase siya.Hahaha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Between (Where am I?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon