Genesis III

1 0 0
                                    

Sylva's POV

"Nasan nanaman kaya tong si Seth?! Anong oras na. Hindi manlang naisip mananghalian. " Sabi ko sa sarili ko dahil alas tres na ng hapon.

Ako nga pala ang nanay ni Seth, Maalagain ako at mahal na mahal ko yung nagiisang anak kong yun kahit na bulakbol.

Mabalik tayo sa ginagagawa ko.

"Kailangan ko nga pala mamili ng stock sa fridge." Sabi ko sa sarili ko.

Nagayos ako at kinuha ko ang mga gamit na kailangan ko. Dadaan din kasi ako sa bayad center kasi kailangan ng magbayad ng kuryente.

Nang paalis na ko biglang...

"Maaaa. Dito na ko. Ano pong ulam?" Sabi ng anak kong magaling.

"Ginataang kalabasa nak. Kumain kana. Aalis lang ako. Baka mga 8 na ko ng gabi makauwi. Magingat ka dyan nak." Sabi ko sakanya kahit parang gusto ko na bungangaan.

"Sige po ma, ingat." Sagot niya sakin.

Inuna ko puntahan ang Bayad Center Dahil hapon na. Baka magsara.

Pagdating ko sa Bayad Center.

"Miss? Magbabayad po ng kuryente. Ito po yung bill." Sabi ko sa nasa cashier.

"Osge po Ma'am, maupo po muna kayo dun. Tatawagin ko nalang yung number na hawak niyo." Sabi sakin ng nasa cashier.

Habang nakaupo ako, iniisip ko kung anu ano ang mga bibilin ko mamaya sa supermarket.

"Ililista ko nga muna lahat." Sabi ko sa sarili ko.

(Listahan ng mga bibilin)
Bigas 2 kg
Chicken 2 kg
Pork 2 kg
Mantika 1 bote
Kangkong 1 tali
Patatas 1/2 kg
Toyo 1 bote
Suka 1 bote
Fresh Milk
Milo 1 Big Pouch
Coffee mate 1 Big Pouch

"Number 3! Sino number 3 diyan?" Sigaw ng nasa cashier.

"Ay, ako po. Number 3 ako." Sabi ko.

"Okay po, 2,341 pesos po." Sabi ng nasa cashier.

Sa kakalista ko ng bibilin nakalimutan ko na nasa bayad center pala ko.

"Heto po." Sabi ko habang nagaabot ng 2,500 pesos.

"Sukli niyo po at resibo, salamat po." Sabi ng nasa cashier.

Paglabas ko ng Bayad Center. Agad akong dumeretso sa Sm Manila para mamili sa Supermarket.

/5:10/ PM
Pagkatapos ko mamili, sumakay ako ng taxi pauwi.

/5:15/ PM
Mga dalawang kanto nalang sana ay bababa na ko ng makakita ako ng bilihan ng Shawarma.

"Para po! Tabi nalang po.." Sabi ko sa driver.
"Magkano po?" Tanong ko.

"83 pesos lang po Ma'am." Sabi ng driver.
"Heto po." Sabi ko sa driver.

Pagtapos ko magbayad, tatawid na sana ko para bumili ng Shawarma para sa anak ko ng biglang...
...

May padaan na sasakyan.

...

Hindi na ko nakagalaw.

...

Lumiko yung sasakyan pero natamaan parin ako nito sa kaliwang hita. Napatumba ako.

...

Narinig kong huminto ang sasakyang nakahagip sakin.

Di na ko makagalaw.
Di ko alam gagawin ko.
Hindi ko maramdaman hita ko.

Nang biglang may lumapit saking babae.

"Ma'am?! O...okay ka lang po ba?"
"Ma'am?! "Ma'am?!" Wika ng isang magandang babae na nakatayo sa gilid ko.

Nahihilo ako. Kaya hindi ko matitigan ng matagal yung babae.

"Ma'am? Just hold still. Wag ka pong gagalaw. I'll call an ambulance." Sabi niya sakin habang may tinatawagan siya sa phone niya.

Di ko na masyadong naririnig yung mga sunod na sinabi niya. May kausap ata siya. 911 ata tinawagan niya. Ewan ko. Wala kong maramdaman. Wala kong marinig ng malinaw.

...

...

Makakatulog na sana ko ng biglang may nagsalita.

"Uhm... Ma'am? Is there anyone i can call for you? Anyone you know who can help? Kamaganak? Or what?" Sabi niya habang nakaupo sa tabi ko.

"Meron, Kunin mo sa bag ko neng. Yung phone... ko nandiyan, pakitawagan yung... anak ko. Seth pangalan... Salamat." Sabi ko ng paputol putol dahil nahihirapan ako magsalita.

"Okay Ma'am. Wag ka magpasalamat. I'm the one who accidentally did this to you. I'm so sorry. I didn't mean it." sabi niya habang hinahanap yung phone ko sa bag ko.

Is this the phone po?" Sabi niya.
"Oo neng." Sagot ko.

...
Habang tinatawagan ng babaeng tumutulong sakin ang anak ko.

Naalala ko na hindi pa pala kumakain yung anak ko. Kawawa naman. Kaya pinilit kong tatagan ang sarili ko.

Baka hinihintay ako nun kanina pa. Anong oras naba? Baka hindi pa kumakain yun.

Lalong dumami iniisip ko ng biglang dumating ang isang maingay na tunog.

"Ang ambulansya, nandito na.." Sabi ko sa sarili ko.

May bumaba sa ambulansya, agad itong lumapit papunta sakin. Nilagyan niya ako ng supporta sa leeg.

Habang tinatanong ako ng isang tumutulong sakin.
Kinausap naman ng babaeng tumulong sakin yung isa sa mga taong bumaba sa ambulansya.

"Kuya, Help her please?! Do whatever it takes." Sabi niya sa isa sa mga tumutulong.

"Opo Ma'am, kami na pong bahala. Kamag anak po ba kayo?" Tanong sa kanya.
"Hindi po. I'm the one who accidentally hit her. Can i come with her?" Sabi niya naman.

Nilagay nila ako sa strecher, pagkatapos ay ipinasok na ko sa loob ng ambulansya.
Sumama yung babaeng tumulong sakin sa loob.

Kausap pa rin niya ang anak ko sa phone sa loob ng ambulansya.
Hindi ko na halos marinig yung pinaguusapan nila.
Pagkatapos nun nawalan na ko ng malay.

_ _ _ _ _

In Between (Where am I?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon