"Ano ba 'yan. Matapos ko makita si Jessie sa araw na dapat ikakasal kami pati si Paolo nakita ko din. Ano bang meron sa araw na ito at para akong pinaparusahan?" nakayukong bulong ni Catherine sa sarili habang naglalakad na palabas ng hotel.
Isang magandang sasakyan ang pumarada sa gilid ng daan at lumabas si Piolo dito. Napahinto sa paglalakad si Catherine at titig na titig lang habang papalapit ito sa kanya.
"Catherine please. Sandali lang talaga. Pagkatapos nito, I promise I won't bother you anymore."
"Hi-hinintay mo talaga ako?"
"Kilala mo ako. Magaling ako maghintay."
Ha?! Ano ba pinagsasabi niya? Kilala ko ba siya talaga na nakalimutan ko lang sa lakas ng pagkakauntog ko sa coral reef nung nag-tour kami? Hindi ko ma-gets. Hindi ko maintindihan. Actually wala akong maintindihan!
"P-pero ano ba ang nangyari? Pwede paki-explain muna?"
Kinuha ni Piolo ang kamay ni Catherine "Sumama ka sa akin at ipaaalala ko ang lahat."
Marahan siyang nili-lead ni Piolo papasok ng sasakyan ng hawak ang kamay nito.
"P-papasok ako ng sasakyan? Saan ba tayo pupunta? Hindi ako komportable ng ganito. Andami kong hindi naiintindihan."
"Wala akong gagawing masama sa'yo. Sandali lang ito. Ipapaalala ko sa'yo ang lahat sumama ka lang sandali."
Wala nang nagawa si Catherine kung hindi ang sumama. Inisip na lang niya na kung may gagawin siyang hindi maganda, matatakot ito dahil isa siyang celebrity na maeeskandalo ang pangalan big time.
Tahimik sila sa biyahe ngunit pasulyap sulyap sa kanya ang binatang kitang kita mo sa mga mata na miss na miss siya, na parang matagal silang magkakilala na hindi nagkita ng ilang taon.
Huminto ang sasakyan sa isang bahay na malaki, maganda at well lighted.
"Please come in. Kabisado mo naman dito eh." Yaya ng binata na meron ng ngiti sa labi
Hindi pa sigurado si Catherine sa iisipin kaya hinayaan na lang niya munang mangyari at masabi ang mga dapat masabi.
May mga magagandang picture frame siyang nadaanan na nagsasabing hindi artista si Piolo ngunit isang chef.
Ch-Chef?! Seryoso ba ito?! Patay na patay sa kanya ang sangkababaihan pati na rin ang sangkabaklaan dahil nga andami niyang movies then... Chef?! Wala ata akong maalala na chef siya?
Marahang hinawakan ni Piolo ang braso nito "Tara na."
Sabay silang naglakad hanggang sa marating nila ang isang lugar sa bahay na iyon na may lamesang naka-set na dinner for two. Malamig sa mata ang mga lightning at may mahinang romantic music.
Inalalayan ni Piolo si Catherine sa pagkakaupo at umupo naman ito sa kabilang side ng lamesa pagkatapos alalayan ang froglet na si babae.
"Kain ka muna. Ako ang nagluto niyan." Nakangiting sabi ni Piolo
Ngumiti lamang si Catherine habang pabebeng sumubo ng isang napakalaking tipak ng karne ng matiyempuhan niyang hindi nakatingin ang binata. Nanlaki ang mga nito ng matikman ang napakalambot na karne –ngunit napangiti si Piolo.
"Ganyan ka pa rin pala kumain."
---
Matapos nilang kumain at matapos niyang tunawin sa tingin si Piolo, naglakad sila sa magandang pool side ng bahay nito hanggang marating ang isa ding naka-set up na audio visual system.
BINABASA MO ANG
The 10th First Love
Fantasy(Completed) Si Catherine ay isang 29 years old na hopeless romantic pero hindi niya inaamin sa sarili niya. Dalawang beses na siyang nasaktan ng sobra kaya hindi na niya binalak pa sumubok na magmahal ulit. Kahit ang thought pa lang ng pagiging inl...