Nginitian siya ni Sam Milby habang papalapit siya dito. Wala man siyang alam pa kung bakit kailangang andoon siya pero isa lang ang sigurado niya. Nasa loob pa din siya ng magic ni Hana. Ang magic that seemed so real.
Lumabas ang isang babaeng mukhang may authority na inassume ni Catherine na director.
"Ay iha salamat dumating ka na din! You are 5 minutes late!" banggit nito sa kanya.
Siyempre hindi naman niya masabi na nasa isang magic siya kaya sumagot na lang ito ng "Pasensya na po talaga kayo. Ano po baa ng maitutulong ko?"
Nagtinginan sa kanya ang mga taong nakapaligid sa kanya, kasama si Sam Milby, at parang hindi makapaniwala sa tanong na narinig mula sa kanya.
"Anong ano ang maitutulong mo? Iha, ikaw ang kapartner ni Sam ngayon hindi ba? Isang linggo na ang nakakaraan nung pinadala namin sa boss mo ang script pati na din ang setting. Ilang minuto lang naman ito. 'Wag mo sabihin sa akin na hindi mo alam?"
Napanganga si Catherine dahil hindi niya naman talaga alam kung ano ang isasagot niya.
"Um, pwede ho bang makahiram nung script? Pasensya na po talaga kayo direk. Pero huwag po kayong mag-alala, madali naman po akong matuto at makakabisado ko din po ito in no time."
Iritang irita akong sininghalan ng director "Ano ka ba namang bata ka? Asan ba yung boss mo? Wala bang pwedeng pumalit sa'yo? This is so unprofessional! Napakaswerte mo nga at sa mga pictures ng staff dito ikaw ang pinili ni Sam! Alam mo ba kung gaano ka-jampacked ang schedule niya? Kahit isang minuto ang hirap habulin kung male-late siya! Kairita ka!"
Naiiyak na ako ha. Ayoko ng sinisigawan ng ganito. Hindi ko naman talaga alam ang nangyayari kasi. Takteng babaita 'to. Inggit lang ata siya kasi hindi siya piniling makapartner ni Sam!
Nakatingin lang si Sam kay Catherine na hindi alam ang gagawin ngunit nasa mata niya ang pag-aalala sa echuserang froglet.
"Uh... direk, come on now. In 4 hours pa ang susunod kong project. Galing din siya kasi sa shift so let's give her a little consideration. Hindi natin kailangan masyado magmadali. Ako na ang bahala sa kanya. 15 minutes lang direk, I promise. Kakausapin ko lang siya." Pakiusap ni Sam sa masungit na direktor.
Napabuntong hininga na lang ang direktor at umiirap na sinabing "Sige. Tignan natin kung madaan mo sa magic 'yan."
Nilapitan ni Sam si Catherine na natulala sa bunganga ng masungit na babaitang direktor.
"Your name is Catherine right?"
Natulala nanaman ang gaga sa ganda ng ngiti ni koya "Y-Yes."
Inabot ni Sam ang kamay niya for a handshake "Hi, pleasure to meet you. I'm Sam."
Inglisero siyang talaga! Kakagigil naman. Ang lambot ng kamay. Ang pula ng labi. Sheeeett! So ano naman kaya ang papel ko dito ngayon?
"P-pleasure to meet you too."
Umupo sila ni Sam sa dalawang upuang available at kinausap siya doon.
"Hey, I am really sorry for how direk acted. She really is not like that, I tell you. We are just pretty behind the schedule for this commercial and honestly, I am about to freak out too! This is actually for international viewing and I was chosen to be the new face for your hotel. I am extending my apologies to you as well because I believe you still came from a 12 hour shift?" concerned na concerned na pagtatanong nito.
Mabilis na parang watawat na iwinagayway ni Catherine ang mga kamay nito at sumagot "H-hindi! Na-naku! Kumpara naman sa akin mas grabe ang schedule mo! Hindi ka na nga ata nakakatulog ng maayos tapos... tapos... lagi kang nasa taping o pagod. A-ako d-d-d-dapat ang mag-s-s-s-sorry! Pasensya na talaga! Pasensya na talaga! I will do my best pahiram lang ng script!"
BINABASA MO ANG
The 10th First Love
Fantasy(Completed) Si Catherine ay isang 29 years old na hopeless romantic pero hindi niya inaamin sa sarili niya. Dalawang beses na siyang nasaktan ng sobra kaya hindi na niya binalak pa sumubok na magmahal ulit. Kahit ang thought pa lang ng pagiging inl...