3 - Si Coco Martin

48 7 2
                                    

Sinipa niya ng malakas si Coco ngunit nakailag naman ito.

Grabe, teleserye talaga ang nangyayari! Kanina Starting Over Again ang peg. Ngayon ano naman kaya?! I hope this is going to be a good one. Crush na crush ko pa naman siya! Hah! I am starting to get the hang of this at naeexcite na ako!

"Ano ba kasi! Bigla bigla mo na lang ako hihilahin, ano gusto mo gawin ko makipag-akapan pa sa'yo?! Ano bang kailangan mo?!" matapang at galit na sabi nito habang inaayos ayos ang damit at buhok.

Napangiti si Coco Martin sa kanya na ikinalambot kaagad ng puso nito.

"Pasensya ka na. Quits lang naman tayo. Muntik mo din naman ako maibalibag eh! Eh yung CD ba nasa iyo? Yung pinatago ko?"

Bumuntong hiniga si Catherine at inabot ang CD kay Coco. Kinuha naman ito ng binata.

So para kaming sobrang tagal nang magkakila...

"Salamat Catherine ha. Wala lang ako talagang ibang mapagkatiwalaan na maliban sa'yo. Huwag ka mag-alala. Hindi na kita gagambalain ulit. Ayaw na din kita ma-involve dito. Ingatan mo palagi ang sarili mo." Sabay mabilis na naglakad ang binata paalis.

Hindi pa man nakakalayo, dalawang baril ang sumalubong sa kaliwa at kanan ni Coco, dahilan upang mapahinto ito.

"Ibigay mo na ang CD. Hindi ako talaga nagkamali na ikaw ang nagmamanman sa amin." sigaw ng isang lalaki sa kaliwa ni Coco.

Nacurious si Catherine at lumapit ng bahagya sa kanila hanggang mamataan ang lalaking nagsalita. Nanlaki ang mga mata nito at hindi malaman kung tatawa ba siya, kikiligin, matatakot o tatakbo palayo dahil si Arjo Atayde ang lalaking nakita niya.

Naku, kailangan ko pa lang matakot dahil ANG PROBINSYANO pala ang eksena na 'to! Pero teka, diba artista 'to? Edi dapat pala acting lang? Pero parang totoo eh... Wala akong makitang camera or lights kahit saan!

Sinipa ni Arjo si Coco ng malakas. Sinalo ito ng isa niyang kasama pero mabilis ding nahila ni Arjo si Catherine hanggang sa maipulupot nito ang mga braso sa leeg niya, kasabay ang pagtutok ng baril sa ulo nito.

Tatawa tawang nagsalita si Arjo "Wow, look who we have here. Talaga nga naman Coco. Ganun ka kadesperado para idamay mo pa si Inspector Catherine na matagal ng nag-retire?! Seryoso ka ba?"

Huh? So ano? Dating pulis naman ako ngayon? Ilang taon na kaya ako sa eksena na 'to para sabihin niya na matagal na akong nag-retire?!

Isang ngiting aso ang binitawan ni Coco kay Arjo "So anong gagawin mo ngayon? Babarilin mo kami? Baka magulat ka sa'yo na nakatutok bigla 'yang baril na hawak mo."

Tumalas ang tingin ni Arjo kay Coco.

"Kunin mo ang CD sa kanya!" utos nito sa isang tauhang kasama niya na nakauniporme din ng pam-pulis.

Lumabas si Coco at hinagis ang CD sa isang bubong bago ito mahawakan ng lalaking armado na sumalo sa kanya. Nagpalitan ng suntok ang dalawa hanggang sa mahawakan ni Coco ang dalawang braso nito at pinilipit sa likod.

May kung anong sumapi naman kay Catherine at mabilis niyang nakalas ang mga parte ng baril mula sa mga kamay ni Arjo. Ilang suntok ang binitawan niya sa binata na hindi nasalag.

"Ah ganun ah. Huwag mo sabihing babae ka. Sige halika, magpatayan tayo." Hamon ni Arjo.

Dalawang beses pa lang na humahakbang, sumalubong na ang mga malalakas na sipa ni Catherine sa mukha nito. Nang namimilipit na sa sakit ang mukha, binigyan niya ng malalakas ding side kicks sa tiyan si Arjo.

The 10th First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon