Dahan dahang naglakad si John Lloyd Cruz papalapit sa kanya, may bulaklak na nasa isang kamay. Lumingon lingon pa siya sa paligid niya ngunit isang saradong pintuan lang ang nakita niya.
So hindi pa rin pala ito tapoooossss! Pero John Lloyd Cruz ito! Ready ako sa heavy drama! Sobrang ready! Ibibigay ko ang lahat ng lakas ko sa pagiyak at kung anuman ang special powers ko dito! Lahat ata crush si John Lloyd aarte pa ba ako?! Salamat Hana! Sorry kung umaangal na ako kanina! Pero natakot talaga ako sa pandidilat at sa sobrang laki ng ngiti ni Sam!
"I've been waiting for you. Thank you for coming to my life tonight." Sabay abot ni John Lloyd ng bulaklak sa kanya.
"A-akin ba talaga ito?" tanong niya nang nakaturo ang isang daliri sa sarili.
Punyemas na ngumiti ang John Lloyd at lumabas ang dimples nito. Konti na lang pwede nag awing gulaman ang mga tuhod ni Catherine. Iba talaga ang effect ni JLC sa kanya!
"Ikaw lang naman ang binibigyan ko ng bulaklak eh. So, tara. Dinner na tayo." Sabay abot ng kamay nito kay Catherine.
Sheeeettt kinikilig ako talaga! JLC holding my hand! Ano kaya ang eksena naman namin ngayon? Handa talaga ako sa heavy drama! Ipaglalaban ko siya ng bonggang bongga! Makikipagsabayan ako sa kanya! Ano kaya ang meron naman sa amin? Pero one thing is for sure, yayamanin ang role nya dito!
Sabay silang naglakad papuntang lamesa nila. Hindi maitago ni Catherine ang tuwa sa mga ilaw at napakagagandan decorations at setting ng pent. Dalawa lang silang kakain pero meron din musician na nagpe-play ng violin habang kumakain sila.
Literal na candlelit dinner for two at ang most romantic date na nakuha niya! Mas romantic pa kesa dun sa setting nung kay Piolo Pascual!
Lumapit na sa kanila ang server at nagpakilala "Good evening, my name is Rick and I will be your server tonight. Are you ready to order?"
Nagsalita si John Lloyd "I will have the tenderloin steak, medium rare together with Potato Bomb with sour cream. And for the lady... ikaw anong gusto mo kainin?"
"Uh, I will have Fillet Mignon, medium rare with buttered corn and mashed potato as side dishes."
"Got it. Would you like something from the bar?" taong muli ng server.
Nakangiti pa din na sumagot si John Lloyd "Let us have a bottle of your best champagne."
"Very good sir. Would there be anything else?"
"Wala na po muna sa ngayon. Thank you!" sagot ni Catherine.
Nagpaalam at umalis na ang server at nabaling na muli ang tingin ni John Lloyd kay Catherine. Humaling na humaling sila sa pagtingin sa mga mata nila. Their faces are being illuminated by the candle between them and the perfect setting of the warm light across the space between them.
Dahan dahang hinawakan ni John Lloyd ang kamay ni Catherine na nasa lamesa at unti unting nawala ang ngiti nito sa mukha na napalitan ng sayang hindi maipapaliwanag ng kahit na anong salita.
"Catherine alam mo, tuwang tuwa ako ng pumayag kang makipag-date sa akin ngayon..." pasimula ni JLC "...kasi dati hindi tayo makalabas dahil sa isang dahilan na kinaiinisan ko. Masaya akong kasama ka at hinding hindi ko ipagpapalit ang pagkakataong ito sa kahit na ano pa man sa mundo. Masaya din ako dahil sinuportahan ako ni papa. Tinulungan niya akong makita ka."
I am actually not kinda getting it yet, but I think I am going to be in a situation na cliché? Hindi ko sure ah? Basta enjoy na lang muna ako kay JLC!
"A-ako din. Masaya ako at nagkita tayo. Lalo pa ito kasama kita kumain. Date ang tawag dito diba?" pabirong sabi ni Catherine.
Natawa naman si John Lloyd "Ang cute mo talaga. Gustung gusto ko yung innocence mo. Kung pwede nga lang sana na lagi tayong magkasama gagawin ko. Kaya I am sorry kasi for now this is the best that I can do..." muli niyang hinawakan ang mga kamay ni Catherine ng mahigpit "...pero 'wag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan para lagi tayong magkita. Hindi ko rin matagalan pa ang ganito Catherine."
BINABASA MO ANG
The 10th First Love
Fantasy(Completed) Si Catherine ay isang 29 years old na hopeless romantic pero hindi niya inaamin sa sarili niya. Dalawang beses na siyang nasaktan ng sobra kaya hindi na niya binalak pa sumubok na magmahal ulit. Kahit ang thought pa lang ng pagiging inl...