Pagbalik ni Catherine sa front desk, everything seemed normal. Yung dalawang kasama niya na front desk officers na bata sa kanya ay ginagawa nanaman ang usual na kinagagalit nito sa kanila. Hindi na tapos sa pagme-make up ang isa, dutdut ng dutdot naman ng cellphone ang isa na may kasama pang pa-selfie selfie.
Luminga linga ito sa paligid but not unlike nung mga una niyang encounter, wala na ang batang kumakain ng ice cream, wala na ang balloon na hawak ng isang batang dumadaan sa lobby, at out na siya in three minutes.
Ang kakaiba lang, dumaan si Hana sa front desk na ikinagulat ni Catherine. Iba na ang suot na damit ni Hana. Simple at maganda pa rin pero talagang ready for take off na siya.
"Good evening! Thank you sa pagtingin sa camera ko ha? Pasensya na kung dito ko pa iniwan." Malambing sa pagsabi ni Hana
Naririnig niya ang mga sinasabi ng mga kasama niya sa front desk kaya sure si Catherine na nasa realidad na siya. ilang ulit nilang binanggit na para daw anghel si Hana sa sobrang ganda, iba daw ang ang kinis ng balat at kung anu ano pa.
Sure ako totoo na 'to. Ramdam ko na talaga ang pagod sana matapos na ito.
Catherine handed the camera over "Sure, wala pong problema."
Kinuha na ni Hana ang camera sa kanya. Ngumiti at kinindatan siya nito bago tuluyan nang tumalikod at umalis.
Bahagyang nakaramdam ng lungkot si Catherine dahil isa si Hana sa mga naging ka-close niya in a very very short span of time. Naalala niya kasi na si Hana lang kasi ang ngumiti sa kanya ng ganun, yung kinausap siya ng hindi pasigaw at para siyang nilalambing.
But still, nagpasalamat na lang siya sa isang magandang experience today.
Maya maya, isang pamilyar na mukha ang papalapit sa front desk na may dalang maleta at jacket na nakasukbit sa braso.
Napukaw niya ang mata ni Catherine dahil this is guy is someone she knows from her past. Hindi niya ito naging boyfriend o manliligaw but they sure had something special between them back in the day.
Na-freeze ito sa kinatatayuan habang ang dalawang mga kasama nito ay tahimik na tumitili sa papalapit na lalaki. May katangkaran ito, balingkinitan at moreno ---malayo sa itsura nito ilang taon na ang nakakaraan. In fact, napanganga si Catherine.
Iniisip pa din niya na baka kamukha lang, o kung siya man nga iyon, baka hindi na din siya natatandaan.
Narating na ng lalaki ang front desk at sa itsura nito, parang namumukhaan niya si Catherine pero iniisip din nito na baka kamukha lang kaya sinubukan niya muna magtanong dito para marinig muna ang boses ng ating atey.
"Uh, good evening..." at tumingin ito sa name plate niya na nagpalakas sa kutob niyang siya nga ang Catherine na kilala nito noon. "...Catherine. Naka-check in kasi ako ngayon dito and I am wondering kung may alam kayo na malapit na bookstore sa area?"
Bumilis ang tibok ng puso nilang dalawa dahil nang marinig ni Catherine ang boses nito, 20% na lang ang natitirang pagdududa sa kanya na ito nga ang taong mula sa nakaraan niya.
"W-well, actually there is. Dun po sa mall beside this hotel may National Bookstore po doon." Kabado nitong sagot.
"Okay. Mag-check in na muna ako and I would go there after I drop my things."
Nagpapawis na sila pareho sa kaba at sa tahimik na pagsusuri sa isa't isa pero ito na at malalaman na ni Catherine kung siya nga ba talaga ang lalaking iyon.
"L-let me get you your key sir. May I have your name please?"
Kung ang laman loob ay nakakatalon lang mula sa loob ng katawan, kanina pa nagpagulong gulong ang puso ni Catherine sa sahig.
BINABASA MO ANG
The 10th First Love
Fantasy(Completed) Si Catherine ay isang 29 years old na hopeless romantic pero hindi niya inaamin sa sarili niya. Dalawang beses na siyang nasaktan ng sobra kaya hindi na niya binalak pa sumubok na magmahal ulit. Kahit ang thought pa lang ng pagiging inl...