PANIBAGONG MUNDO

17 0 0
                                    

Sa bawat bagong mundo na papasukin natin

Hindi maiiwasan na may maiiwan ka

Hindi maiiwasan na may masaktan

At dahil may nagbago sa mundong iniikutan mo

Maiiwan ang mga dati mong nakasama

Hindi mo napapansin na unti unti

Unti unti mong kinakalimutan ang mga ala ala

Mga ala ala na binuo kasama siya

Mga alaalang sinabing pansamantalang iiwan at babalikan matapos ng lahat, Matupad lang ang minimithing panibagong mundo

At dumating na nga ang araw

Na napasok mo na ang kakaibang mundo

Ang mundo kung saan wala ang mga taong nakasanayan mo

Gusto mong magpatuloy ngunit alintana ang pangungulila sa mga dating kasama

Mga kasama mong puno ng tuwa at galak tuwing kasama ka

Ngayo'y magdadalawang isip ka kung tutuloy ka pa ba sa mundong gusto mong tahakin

Ngunit naisip mong kailangan mong magpakatatag

Pero sa pagpapakatatag mo hindi mo napapansin

Kinakalimutan mo na pala ang mga alaala ninyo

Masyado kang natuwa sa bagong mundo

Na kinalimutan mo na pati ang mga alaalang sinabi mong hindi mo malilimutan kasama siya, kasama sila

Hindi mo napansin na nabago na pala ng mundong ito ang pagkatao mo

Ang paguugali pati na rin ang damdamin mo

Hindi mo na magawang makabalik sa mga kaibigan mo

Hindi ka na makabalik pa sa kanya

Hindi mo na alam kung paano

Kung paano pa ibabalik ang sayang nararamdaman mo tuwing kasama sila

Hinihiling sa panahong ito na sana hindi ko na lang tinahak ang mundong to

Nang hindi kita naiwan at kinalimutan

Masyado akong kinain ng bagong mundong ito

Masyadong nagpalamon sa bagong sistemang pinasok ko

Ngunit wala na, wala na akong ibanh magagawa

Kundi ang ipagpatuloy ang buhay ko sa panibagong mundong to

Kaya pasensya, pasensya kung kakalimutan na kita

Pasensya kung kakalimutan ko na lahat ng mga alaala ko sayo

Mga alaala na bumubuo sa dating pagkatao ko

Ngunit pasensya ka na

Hanggang dito na lang

Paalam pagkat tatahakin ko na ng tuluyan ang panibagong mundo na ito

Isa

Dalawa

Tatlo

Paalam....

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon