~•~
The Beginning
~•~"MAABUTAN ka rin namin Bartolome," rinig kong sigaw ni Jio mula sa kalayuan. Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo. Kasalanan ito ng kagwapuhan ko. Nalaman kasi niyang may nangyari sa amin ng kanyang gf. That bitch seduce me, gwapo lang ako, nadadala rin sa tukso. Kaya ito, hinahabol ako ni Jio and friends, lima silang lahat.
Pumasok ako sa kagubatang nasa likod ng campus namin. May mga naglalakihang puno rito. Matataba ang ugat at ang sikat ni haring araw ang mistulang naging ilaw ko. This forest is a perfect place to play hide and seek.
Walang nagpupunta rito. Ayon kasi sa kanila, may nakatira ditong engkanto. Mga nilalang na bantay raw ng kalikasan. Yung iba naman sinasabing di na raw nakabalik 'yong mga mahal nila sa buhay. Syempre, di naman ako tanga para maniwala sa paniniwala ng mga nakakatanda.
Dahil kanina pa ako takbo ng takbo ay nakaramdam ako ng pagod kaya ako ay huminto. Napayuko ako at napahawak sa aking tuhod tsaka hinabol ang aking paghinga. Ramdam ko rin ang pawis na tumutlo sa aking gwapong mukha. Nakakapagod talagang maging gwapo. Dahil sa sobrang gwapo ko, pati lalaki hinahabol ako.
"Bartolome," sumigaw na naman si Jio. Tila naging hudyat ito para muli akong tumakbo. Napakatulin ng aking takbo. Feel na feel ko na ako ay si Flash. Si Flash yung parang ex mo. Ang bilis dumating sa buhay mo ganun din kabilis na iniwan ka niya. Kung may rango ang tanga, heneral ka.
Narating ko ang sobrang mapunong lugar. Grabe, napaka laki ng mga puno rito. Yung mga ugat ay sobrang taba rin. May kakaiba rin akong nararamdaman. Parang may nakatingin sa akin mula roon. Yung feeling na parang may stalker sa di kalayuan. Sabagay, sa gwapo kong 'to malamang napakarami ko ng stalker.
Kahit na medyo nagdadalawang isip ay tinakbo ko parin ang daan paloob. Patalon-talon ako sa mga naglalakihang ugat. Wala na akong naririnig na sigaw ni Jio. Baka napagod na siya kahahabol sa taong kailan man ay di mapapasakanya. Dala na rin ng pagod ay napasandal ako sa isa sa mga puno. Ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng aking puso. Yung feeling na parang nagkatitigan kayo ng taong mahal na mahal mo. Napakalakas ng kabog parang nais nitong makawala mula sa dibdib ko.
Tinanggal ko ang maputik at basa kong puting uniporme. Ang tanging natitira na lang ay ang puti kong sleeveless na damit. Napaupo ako at nanatiling nakasandal ang likod sa matabang puno. Sobrang pagod ang nararamdaman ko. Parang may mali, alam kung ang layo ng tinakbo ko pero ang pagod na nararamdaman ko ngayon, parang domoble.
Biglang bumigat ang katawan ko. Alam ko namang may abs ako pero di naman iyon mabigat. Unti-unting pumikit ang aking magagandang mata na nakakapag hipotismo ng kababaihan. And... Everything went black. Nakatulog akong pogi.
~•~
Nagising ako dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa aking gwapong mukha. Pagdilat ko sa aking mata ay dahan-dahang akong tumayo. Ng tuluyan na akong makatayo ay agad kong nilibot ang aking paningin. Nasa... Nasa ibang lugar ako. At isa pa ang nakakamangha, ang ganda dito. Bagay na bagay sa tulad kong gwapo.
Mga huni ng ibon ang aking naririnig. Para silang nag-aauditon sa the voice kid. May mga butterfly din na lumilipad sa itaas ng magagandang bulaklak. Mga bulaklak na ngayon ko pa lang nakita. Habang si haring araw naman ay nakasilip sa kulay asul na ulap. Ang hilig talagang mambuso nitong araw na 'to. Kaya siguro sa madidilim na lugar tayo umiihi kung umaga para di makita ng araw.
BINABASA MO ANG
Lost in the Enchanted World
FantasySamahan si Trick sa kanyang adventure sa ibang mundo. Mundong mukhang paraiso pero sa likod nito may nakatagong kababalaghan. Humandang maluha at sumakit ang tiyan dahil sa katatawa. Dahil ang pinakagwapong bida na ang eeksena. Plagiarism is a crime...