~•~
The Sword
~•~
PAGTATAKA, 'yan ang naramdaman ko ng ako ay magising. Nasa isang di pamilyar na kwarto ako. Makaluma ang disenyo nito. Malaki naman 'tong hinihigaan ko at medyo malamig na rin dahil sa paghampas ng hangin. Ang labis na ipinagtataka ko ay ang wala akong nararamdaman na kahit anong uri ng sakit. Eh binugbog naman ako ng walang hiyang lalaki este babaeng mukhang lakaki na si Elle."Gising kana pala," napalingon ako sa gilid at nakita ko ang nakangiting mukha ni Exo. Parang gumaan ang pakiramdam ko ah.
"Hahahaha! Oo nga e, nga pala ba't parang wala akong nararamdamang sakit?"
Itinaas ko 'yong kumot na nakatabon sa "hot body" ko. Hmm.. My wound, nawala rin ito.
"Pati 'yong sugat ko!?"
Napatawa naman siya. Mukhang natuwa siya sa reaksiyon ko. Baka kasi mas lalo akong pumogi. Hehehehe!
"Haha!Mahika ang may gawa niyan. Mahika sa pagpapagaling na tanging kaming mga engkanto lang ang may kakayahang gawin ito." Nagulat ako. Magic?? Does it really exist??
"Mahika as in magic?? Meron bang ganun." Napatawa naman siya ng mahina sa sinabi ko.
"Haha! Inaasahan ko ng 'yan ang magiging reaksiyon mo Trick. Oo, meroong mahika. Sa mundo namin, walang imposible."
Napatango na lang ako. Kaso may bigla akong naalala. Yung.. yung mukha ko. Baka puro pasa na 'to??
"SALAMIN!" Biglaang sigaw ko. Baka kung ano ng mangyari sa pogi kong mukha. Panigurado, maraming mabobroken hearted pag pumanget ako.
Inabot sa akin ni Exo ang isang pabilog na salamin. Tiningnan ko yung mala-artista kong mukha. Mabuti naman na walang damage yung mukha ko. Wala o nawala. Siguro ginamitan nila ng mahika ang mukha ko para manatilig gwapo. Para naman akong nabunutan ng tinik dahil sa nakita ko.
"May forever talaga. Forever pogi ako."
"Hahaha! Nakakatawa ka talaga Trick." Itong si Exo kanina pa tumatawa ah.
"Haha ka ng Haha, pag ako talaga na inis, HAHAlikan talaga kita." Bigla niyang itinikom ang kanyang bibig at namula. Ang pogi ko talaga.
"Ahm! Sige Trick, pupunta na ako sa baba. Sumunod kana lang sa akin." Nakayuko parin siya habang bumaba. Itinatago ang hiya sa mukha.
Nakangiti akong sumunod sa kanya pababa. Di talaga maitatanggi na umabot dito ang karisma ko. Pagkababa ko ay isang mataas na hagdan agad ang bumungad sa akin. Tapos, nakita kong naglalakad pababa rito si Exo kaya mabilis akong tumakbo at tumabi sa kanya.
"Ikaw pala Trick," mukhang nagulat ko siya ah. Baka naman kasi iniisip niya ako kanina tapos nagulat na lang siya ng nasa tabi na niya ang pinakapoging nilalang sa balat ng Earth, si Tristan Clark Bartolome.
"Siguro iniisip mo ako no?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Namula naman siya at agad umiwas ng tingin. Di niya ako sinagot. Tumahimik na rin lang ako tsaka siya sinunod.
"Nandito na kami Mahal na Reyna," sabi ni Exo ng marating namin ang aming destinasyon. Grabe, napakaraming pagkain ang naririto. Nagsimula na namang kumulo ang tiyan ko. Ilang araw na rin pala akong walang kain.
"Maupo kayo at saluhan niyo 'ko." Agad akong umupo. Sige na, ako na ang makapal ang mukha. Makapal na, pogi na rin. "Marami tayong pag-u–"
"Maari po bang kumain muna ako bago tayo mag-usap? Kanina pa kasi ako nagugutom." Napangiti naman ang Reyna nila tsaka tumango. Agad kong nilantakan ang mga pagkain nila. Para lang itong normal na pagkain, pagkain nating mga tao. Kaso, iba ang sarap na dating ng mga 'to. Kain ako ng kain parang wala ng bukas. Eh gutom na ako eh, paki niyo ba?
BINABASA MO ANG
Lost in the Enchanted World
FantasySamahan si Trick sa kanyang adventure sa ibang mundo. Mundong mukhang paraiso pero sa likod nito may nakatagong kababalaghan. Humandang maluha at sumakit ang tiyan dahil sa katatawa. Dahil ang pinakagwapong bida na ang eeksena. Plagiarism is a crime...