Chapter 2

118 12 29
                                    


~•~
Duel
~•~

NAPAKAGANDA, 'yan ang description ko sa kastilyo ng mga engkanto o Acropolis at sa babaeng katabi ko ngayon,si Pantas. Yep, kaming dalawa ang nasa pangalawang karwahe habang ang nasa una ay ang Reyna nila. I don't considered her as my Queen, di naman kasi ako engkanto.

By the way, if we,humans ay may Male at Female di rin sila pahuhuli. Encantado is for men engkanto and encantada is for women, 'yan ang sinabi sa akin ni Pantas.

"Maari bang Exo na lang ang itawag mo sa akin, Trick?" Agad na tanong ni Pantas. Pagtataka agad ang rumihestro sa aking mukha.

"Exo?"

"'Yan ang aking tunay na pangalan at 'yan rin ang nais kong itawag mo sa akin pag tayong dalawa lang." She said with her  angelic voice. Napakainosente talaga niya.

"Sige kung 'yan ang nais mo aking Pa- Exo." Kapangalan pa niya 'yong sikat na Korean boy Group. Baka may engkanto ding kpoper? Di na ako magugulat kung may Bts o Blackpink akong makilala rito. Expect the unexpected kumbaga.

"Mabuti naman!" Nakangiting wika nito. Damn! Kung di lang siya "engkanto" baka niligawan ko na 'to.

"I want to touch your big boobs," nakangiti kong wika. Para naman di mahalata na kakaiba yung sinabi ko.

"Wag bastos," nakabusangot na wika nito. Agad akong nagulat, damn she fuvking understand me!?

"C-can y-you speak and understand English?" Awkward kong tanong.

"Yes, I'm not a Pantas for nothing." Agad akong napalunok ng laway. Nakakahiya 'to mga dre, namantsahan na ang kagwapuhan ko.

"Sorry sa sinabi ko kanina. Gusto ko lang su–"

"NANDITO NA TAYO MAGITING NA PANTAS!" Agad akong naputol ng sumigaw ang driver ng karwaheng ito.

"Tara, bumaba na tayo Trick. Wag mo na ring isipin ang nangyari kanina lang."  Nakangiti nitong wika at naunang bumaba sa akin. Lesson learned: Wag basta-bastang pagsalitaan ng di maganda ang mga engkanto gamit ang English language.

Sumunod ako sa kanya. Pagkababa ko pa lamang ay samo't saring mga engkanto na ang nakita ko. Kakaiba ang kanilang kasoutan, parang araw-araw silang nagsosout ng gown na may iba't-ibang disenyo. Parang tao lang din 'yong iba nagkalat-kalat sa paligid habang nangangalap at nagpapalaganap ng tsismis. Mga salitang minsa'y kulang, minsan nama'y sobra pero kadalasan ay walang katotohanan.

"Tao ang isang 'yan."

"Kakaiba ang kanyang amoy at pananamit."

"Sino ba ang isang 'yan?"

"Mukhang di siya isang kriminal sapagkat nakasakay siya sa karwahe."

Iilan lang 'yan sa mga bulungan nila ng makababa ako. Ako agad ang naging head news sa lugar nila. May ibang kababaihan naman ang panay tingin sa akin. Nasanay na ako sa ganitong atensyon. Ganun talaga pag pogi.

Lost in the Enchanted WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon