>Nakilala ko Siya

208 14 0
                                    

First year College na ako nun at unang araw ng klase. Hotel Restaurant Management (HRM) ang kinuha kong kurso, kasi mahilig akong kumain at magluto. Pumasok na ako sa classroom namin. Nakita ko na ang mga bago kong kaklase ngunit hindi nila ako pinansin. Syempre unang araw pa lamang ng klase at nagkakahiyaan pa.

Dumeretso akong umupo sa bandang likuran kung saan bakante pa halos ang mga upuan. Walang tumabi sa akin. Halos lahat sila nasa bandang harapan. Siguro may 50 ang bilang ng mga upuan sa silid na ito ngunit nasa 20-30 lang ata ang estudyante sa klase namin.

Wala pa ang teacher na hinihintay namin nang bigla akong nakaramdam ng gutom. Inilabas ko ang binaon kong mamon na binili ng nanay ko sa palengke kaninang umaga bago pa man ako makaalis ng bahay. Binuksan ko galing sa pagkakabalat ang mamon. Kakagat na sana ako sa mamon nang biglang naramdaman kong may umupo sa tabi ko at biglang nagpakilala... "Hello... uhm. I'm Vianna Marie Hernandez." Inabot nya ang kanang kamay nya sa akin.

Natigilan ako. Nagulat. Ibinaba ko muna ang mamon sa arm chair. Dala na rin siguro ng gulat ay tinitigan ko sya siguro mga limang segundo lamang. Ang ganda nya. Para syang Anghel na hulog ng langit na nasalo ng foam kaya hindi nasira ang mukha. Inabot ko din ang kamay ko at nagpakilala. "Robie nga pala.. Robie Jay Castro. You can call me Rob, Jay or kung gusto mo 'Bie'" Sabay kindat. Syempre dapat pa sweet. Tumawa naman sya. Mala Anghel din sya kung makangiti...

"Ako naman just call me Via, Anna, Marie or kung gusto mo din Vi..." Sabay nya sabay kindat din. Tumawa kaming dalawa. Hanggang sa pinutol nya ang pagtatawanan nang biglang nagsalita sya...

"Kakainin mo pa ba yung mamon mo? Akin nalang ha! Thank You! Balik nako sa upuan ko."

Kinuha nya ang mamon ko at umalis.

Nang Dahil sa Foods (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon