>Naging Kami

114 12 0
                                    

February 14.

Valentines day! Weeee. Chance ko na to para ipagtapat ang mga nararamdaman ko para kay Vi. Nasaan kaya siya. Malamang nasa classroom siguro eh magkaklase kaya kami.

Naglalakad ako papuntang classroom habang nagdadala ng isang malaking paperbag ng Blue Magic. Ano? Feeling mo Teddy bear to? Na ibibigay ko kay Vi? Hahahahaha! Nagpapatawa ka ba? Bakit naman ako magbibigay ng Teddy bear kay Vi. Edi sinapak ako nun at parang nagsayang lang ako ng pera.

Wala akong balak magbigay ng Teddy bear o Flower na roses kay Vi. Kasi paniguradong hindi iyon ang gusto nya. Oh diba diba? Ang dami ko nang alam tungkol sakanya. Hindi ba nga mag bestfriends kami. Nakalimutan mo yun noh? Tagal kasing mag update ng manunulat kaya nakalimutan muna. Osya I will proceed na.

Nakarating na ako sa classroom at nakita ko si Vi na nakaupo sa upuan nya. Nakita ko yung isa naming kaklase na si Joseph na nagbibigay ng rose kay Vi. Hah! Tignan natin kung tanggapin nya.

“Vi para sayo.” Ang panimula ni Joseph habang binibigay kay Vi ang isang red rose.

“Nagsayang ka lang ng pera. Ayoko nyan di ko tatanggapin yan.” Ang sagot nama ni Vi. At mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari hah. Kasi pinagpipilitan pa rin ni Joseph ang rose nya na ibigay kay Vi. Kaya kinuha ito ni Vi at alam kong ihahampas  na sana ni Vi ang rose kay Joseph nang pinigilan ko sya. Tumakbo ako at kinuha ko ang rose sakanya.

“Hep! Bad yan. Eto na bro. Ibigay mo nalang sa iba yan kung ayaw mong masira ang rose nay an. Alam mo na.” at kinindatan ko sya.

“Bading ka ba Robbie!” Tsk! Hindi naman yun ang ibig kong sabihin e.

“sira! Hindi ako! Kung bading ako bakit ko liligawan si Vi?!” awts. Nadulas ang dila ko. Sino kayang nagtapon ng balat ng saging sa bunganga ko. Ha-ha. Patawa lang. Di effective.

“Liligawan moko?” tanong ni Vi. Wala na chance ko na to. Nabuking na.

“Tsupi kana Joseph baka masuntok pa kita.”

“Labo mo Robbie” ang sabi ni Joseph sabay talikod.

“Vi for you.” At iniabot ko kay Vi ang isang malaking paperbag Na bluemagic ang tatak.

“Anu toe?” Kung maka toe naman.

“Bomba yan. At ten seconds nalang sasabog na. Hindi joke lang buksan mo kaya.” Ang sabi ko.

“Teddy bear ba ito? Wag mong sasabihing…”

“Buksan mo nalang kaya Vi.”

At binuksan ni Vi. Ang laman ng kahon ay sandamakmak na pagkain. Kabilang ang mga paborito nya.

“I LOVE YOU BIE!!!!!!”

“I LOVE YOU TOO VI!!!!”

Boom Panes! KAMI NA!

Nang Dahil sa Foods (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon