Dumaan ang mga araw at syempre pati na rin ang mga gabi (malamang) at naging close kami. Hindi ko ito inaasahang mangyare. Kaso ay nangyari na ang nangyari. Yari ka! Ehem.
Lagi akong naeexcite sa araw-araw na pagpasok ko sa eskwelahan at ang pinaka aantay kong parte ng bawat araw ko ay ang break time (o ang kilala sa tawag na recess) Lagi akong bumibili ng maraming pagkain. Hindi dahil para matugunan ko ang pangangailangan ng aking tyan kundi para lumapit at umupo na sa tabi ko si Vi.
Nilabas ko na ang lahat ng baon ko. Ayie! Sana maamoy na nya. Buksan ko na kaya yung Oreo baka sakaling maamoy nya. (At binuksan nya nga ang Oreo). Grabe wala pang milliseconds! Poof! Now she's sitting beside me.
"Anu yan?" Tanong nya sa akin. (Malamang Oreo, bulag ka ba?) "Obvious ba na hindi Oreo? Hehe. Joke lang. Gusto mo?" Ang sabi ko. Grabe lalo talaga syang kumu-cute kapag nakakakita ng pagkain. "Ikaw naman! Binibiro lang kita." Sabi nya at sabay hablot sa isang balot kong dalang Oreo.
"Ar-am mou. Mash matsayyyap yung Kim-o." May sinasabi sya ngunit di ko maintindihan. "Anong sabi mo? Don't talk when your mouth is full kasi e."
Hindi sya sumagot at nakita kong mabilis nyang nginuya at nilunok ang tatlong pirasong Oreo na sabay sabay nyang isinubo. Hanggang . . .
"Ang sabi ko mas masarap yung Cream-O" Pagkatapos nyang sinabi yun ay natawa ako. "Oh bakit ka tumatawa?" Dagdag nya.
"Hahahaha! Kasi... may natira pang Oreo sa ngipin mo. Ayan oh. Nagkalat. hehe."
Biglang nanlaki ang mata nya. Aray. Baka magalit sya. Bigla nya akong pinalo at sabay kuha ng egg sandwich ko sa taas ng arm chair at sabay buksan nito ni Vi at isinubo, nginuya at malamang kinain.
"Yan, meron pa ba?" -Vi
Hanggang sa narealize ko na kinain nya ang sandwich para maalis ang dumi sa mga ngipin nya. (Matalinong bata."
"Wala na Vi." at nginitian ko sya.
At nagkatitigan kami. Este ako lang pala ang tumititig sakanya habang kinakain ang mga pagkain ko.
"Bakit kaya bahay yung design sa Cream-O?" Tanong nya sakin habang tuloy parin sa pagkain si Vi. Lahat na yata ng pagkaing dala ko ay kinain na nya. Sabagay sanay na rin ako. Halos may tatlong buwan na din kasi kaming magkaklase at ayus lang atleast nakakatabi ko sya.
"Hindi ko alam e. Di naman ako yung gumawa sa Cream-O. Hehe." Pagkatapos kong sabihin yon ay binigyan ako ni Vi ng Poker Face at pagkatapos ng 2 seconds ay lumalamon nanaman sya. Abay di ko naman talaga alam ang sagot. Bakit ikaw? Alam mo?
Hindi ako nagsasawang magdala ng maraming pagkain para lagi syang nagtatagal dito sa tabi ko.
Yan ang daily routine sa eskwela namin tuwing break time. Nang dahil dun naging close kami.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Foods (Short Story)
HumorAng mga pangyayari sa eksenang ito ay may kinalaman sa pagkain. Kaya kung may mga eksena kayong nabasa na nainis, nagalit o natuwa man kayo... Sisihin nyo sa Foods!