Second sem na at lalo pang lumalim ang pagsasamahan namin ni Vi. Ganun pa rin ang routine kapag school days. Kapag naman may project, lagi kami yung magkapartner at palagi naming ginagawa ang mga project sa bahay namin. Kasi daw maraming foods. Nakakatuwa talaga sya.
Actually katabi ko na sya klase. lumipat na sya sa tabi ko. Oh di ba? alam nyo ba kung bakit?
Hindi na kasi ako nag aalis ng pagkain sa mesa ko. Kaya ayun. Hanggang nung isang araw. kakatapos lang ng isang klase namin.
“Bie, may gusto sana akong sabihin.” ang sabi ni Vi. Eton a yun! Aamin na sya na may gusto sya sa akin. Sabi ko na nga ba e.HAHA!
“Sige Vi ano yun?” At binigyan ko sya ng isang malaking ngiti.
“Ah… Bie.. I want you…---“ Hindi nya pa natatapos yung sinasabi nya ay bigla akong tumayo at sabay sabing…
“I want you too! I want you too! Sabi ko na nga ba’t may lihim na pagtingin ka saken e! Haha! di mo rin napigilan nu? Belat. Syempre I want you too.” Ngunit napansin kong biglang nagkasalubong ang mga kilay nya.
“Aahh.. eh. uhm. Ehem. Eh Bie di pa ako tapos magsalita e. Pweding patapusin mo muna ako.” Sambit nya. ah! Baka mag I love you pa sya. Oo nga naman. Masyadong maikli ang I want you. Haha..
“Syempre Vi , I love you too!” Ahihi. Kinikilig nako. Yayakapin ko na sana sya kaso.
“makulet lang Bie?! Patapusin mo muna kasi ako! Wag kang magsasalita.. Wot! Wag.. kang..” Tapos pinakita ko na zinip ko yung bibig ko. “Okay. Eto na. I want you to be my Bestfriend. Ayos ba?”
Nang narinig ko yung mga sinabi nya para akong naging bato. Bigla kong narinig ang kantang “Pusong Bato” Ngunit bakit parang iba ang lyrics.
Hindi mo alam dahil sayo ako’y di makakain.
Di rin makatulog mula ng inubos mo ang aking pagkain.
Kung akong muling iibig sana di maging katulad mo.
Tulad mo na Patay Gutom.
Wait! Stop the background music. Kahit papaano tanggap ko naman yun ah. Tsk!
“Ah.. ehh.. Vi . Oo naman! Kaw pa!” at tinapik ko sya sa balikat. “Ah. about dun sa sinabi ko kanina. Joke lang yun! hahaha.. hahaha haay…” Aww. Sana di nya maalintana mga sinabi ko kanina ay lahat totoo.
So ayun. Bestfriends na kami.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Foods (Short Story)
HumorAng mga pangyayari sa eksenang ito ay may kinalaman sa pagkain. Kaya kung may mga eksena kayong nabasa na nainis, nagalit o natuwa man kayo... Sisihin nyo sa Foods!