>Nagkahiwalay kami

105 11 0
                                    

It’s official! Kami na ni Vi!!!

Excited tuloy akong pumasok the next day dahil syempre kami na ni Vi!!!

Ulit ulit lang…

So ayun na nga… Kami na ni Vi.

Hahaha.

Ano ba yan. Na excite lang.

Nakahiga na ako sa kama ko nang handa ng matulog nang pumasok si Mama sa kwarto ko at..

“Anak. Eto na ang baon mo para bukas.”

Wow! Si mama nag aadvance ng baon hah! Asteeg!

Kinuha ko na ang baon ko mula sa kanya.

“Pasensya ka na anak. Yan nalang ang naitabi ko. Wala na tayong pera. Baon na tayo sa utang. Si tatay mo nag susugal pa atsaka pinambili nya ng alak at sigarilyo! Nambababae pa! Pasensya na anak.”

“Ano?”

“Syempre joke lang yun anak. Tinry ko lang kung pwede akong pang artista. Na delay lang ang sweldo nang papa mo kaya yan muna ang maibibigay ko. O sya babush!”

At lumabas na si Mama nang hindi ako hinayaang mag react.

Kinabukasan…

Pumasok ako ng eskwela ng walang baong pagkain. Dahil walang pagkain sa bahay at kulang ang baon na pera ang binigay sa akin. Nakalahati ng normal kong baon.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa eskwelahan ay sinalubong ako ni Vi. Oo nga pala kami na.

“Hi Vi.”

“Bie! Pengeng foods gutom na gutom nako.”

“Wala akong foods ngayon Bi kase—“

“Wala?! Wala kang foods? Kung kelan sinagot kita dun ka mawawalan ng foods!

BREAK NA TAYO!”

Input background music:

Hindi mo alam dahil sayo ako’y di makakain.

Di rin makatulog mula ng inubos mo ang aking pagkain.

Kung akong muling iibig sana di maging katulad mo.

Tulad mo na Patay Gutom.

­-THE END-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nang Dahil sa Foods (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon