Chapter 1

721 70 13
                                    

CHAPTER 1

From: Rachel.Jacinto@gmail.com

To: BhoesxzHunnybhie_Kho26@yahoo.com

CC:

February 14, 20XX

Hi, bhe! Since ayaw mo namang sagutin ang mga text at tawag ko, at b-in-lock mo pa ako sa fb, might as well try sending to your e-mail. Ang weird e-mail address mo. Hindi pa nakaka-graduate sa jeje days! Ha-ha!

Kidding aside… Sana ay mag-move on na tayo sa pinagtatampururot mo tungkol sa HR job diyan sa Saudi. Hindi ko naman talaga ginustong magpaiwan dito sa bansa. Intindihin mo naman na mga tanderz na ang mga magulang ko kaya kailangan nila ng atensyon. But that doesn’t mean na mas pinili ko sila over you. Matinag ka sa effort ko na makipagbati sa’yo. Tinanggap ko ‘yung referred job kahit ayoko.

Anyway… back to what I’m going to tell you… so this is it. Nandito na ako sa aking first job as a nurse aide. I’ll be spending time with insane people. No, really. Insane.  ‘Yung totoo, mahal mo ba talaga ako kaya mo ako nirefer dito? Saka bakit parang acquainted kayo masyado ng head dito? Puring-puri ka niya mula split-ends hanggang ingrown. Ikaw na!

Speaking of the devil, binigyan niya ako ng task. All I need to do is observe and do charting. Wala naman akong problema sa mga pasyente ng institution. May mga sarili silang mundo, literally and figuratively. Kapag may nagberserk, pwede naman akong mag-missing-in-action. Marami pa namang ibang trainee liban sa’kin, eh.

Nakakaawa ‘yung mga pasyente kung tutuusin, hindi ko magawang maawa. Ang ganda kaya ng mga facilities dito! Hindi naman kasi sila ‘yung tipong itinakwil ng society o forever alone. May mga pamilya sila na nagpadala sa kanila rito. Binabayaran ang pag-stay nila rito. Magkano? A skyrocket to hell.

On the other hand, may mga patient na nakaka-fascinate. We have this patient na sa tuwing mag-coconduct ng outdoor exercises, (goodluck kung mapapa-outdoor exercise nga namin sila) ay palagi siyang nagbubunot ng damo. There’s also this girl na may invisible friend! I know. Given na wala akong clinical background, alam ko ang mga bagay na ‘to, pero it’s... quite amazing to see these occurences in person. Anyway, I think the most fascinating patient here is the young patient who came in this institution on the same date that I started my job: si Patient B-145.

I saw him then. Wala siyang imik pero kita sa ekspresyon sa mukha niya ang takot at pangamba. Ang initial diagnosis sa kanya ay brief psychosis. He’s probably seing something scary and at the same time, fascinating. I was wondering what’s going on in his head. He never answered our questions during tests administrations, let alone speak to us. Para bang di niya maintindihan yung mga pinagsasasabi naming mga aides and the doctors kahit pa naririnig namin siyang makipag-usap in consistent Taglish with the other patients. (Disclaimer: huwag kang magselos. He’s not even attractive)

Isa siya sa mga pinakamasunuring pasyente. Maiisip mo ngang wala siyang sakit sa pag-iisip, eh.

Back to the outdoor exercises, nilapitan niya ‘yung older patient na nagbubunot ng damo. Parang nagkausap sila dahil sa buka ng mga labi nila. Tapos, pagkalipas ng ilang saglit, aba’y nagbunot na rin ng dami ‘yung younger patient!

Tapos nun, nagkagulo. Nagwala kasi si patient B-127. Siya yung big, scary guy na palaging praning. Gaya ng plano, nilayasan ko sila at laking gulat ko nung nilagpasan ako nung pasyenteng binanggit ko! Nagdalawang-isip ako whether susundan ko ba o hindi. But since may mga sumunod na sa kanya, hinayaan ko na lang. Dumiretso ako rito sa aking cubicle and now composing an e-mail to you. Sayang ang free wi-fi.

Ah, sige… Tinatawag ako ng kasamahan ko.Di na daw nila makita si Patient B-145. I’ll check my mail later for your reply. Love you.

Sent, 1:35 PM

Folie à deuxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon