Chapter 2

599 76 9
                                    

CHAPTER 2

From: Rachel.Jacinto@gmail.com

To: BhoesxzHunnybhie_Kho26@yahoo.com

CC:

February 18, 20XX

Hi bhe. Nagsisimula na akong magtampo sa’yo. :(  Di mo pa din ako nirereplyan. Okay lang naman. Baka busy ka talaga. Gusto ko lang i-chismax ‘yung isa naming patient, si Patient B-097. Kasama siya dun sa mga potentially dangerous na patients sa special rooms. Siya yung nasa room #4. Kelan ko lang kasi nalaman na everyone in here addresses her as ‘mahal na reyna,’ ‘kamahalan’, ‘queen’, whatever. Sabi nila dapat ganun din ang gawin ko. Sabi pa nila, dapat palagi siyang pampered para ‘di magkaroon ng violent episodes. Akalain mo, binibilhan siya palagi ng make up at mga damit! Tapos furnished din yung supposedly bare niyang kwarto. May sarili siyang buzzer sa room niya na pwede niyang abusuhin pag may demands siya. Hay. Nung Feb 14, ‘yun ‘yung unang beses na nakita ko siya. Akala ko nagbibiro ‘yung mga kasamahan kong aides, pero, WOW. She’s very pretty. Nakakainggit dein ‘yung figure niya. At naka-black dress pa siya nun ah. Pumunta ako sa room niya and then I acted like a royal servant or something. Inutusan niya kasi akong kumuha ng orange juice. Anyway, GTG. May commotion na naman somewhere. This place never ceases to amaze me. 

Lovelots. 

Sent, 7:38 PM.

We can definitely get out of here.

                Tinitigan lang ni Jason si Vics habang nagsusuklay ito ng mahaba niyang buhok. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya sa kagandahan ng Reyna kahit na minsan naiinis siya sa ugali nito. Maganda naman talaga si Vics. Itim na itim at tuwid ang buhok nito na hanggang baywang na mapapatanong ka ng nag-Rejoice ka ba girl? Thirty six-twenty four-thirty six ang sukat ng napakasexy nitong katawan. May katangkaran din ito... kung tutuusin nga, reynang-reyna talaga ang hitsura niya. Pang-Beauty queen e.

                “Gorabells na tayo?” Biglang sabi neto kay Jason. Napatayo si Jason mula sa kinauupuan at ginamit ang access card para makalabas sa kwartong iyon. Napansin niyang may dala-dalang maleta si Vics pagkalabas nila ng kwarto.

                “Are you really gonna carry all that stuff?” Tanong ni Jason na napatingin sa maleta niya.

                “Aba, dapat lang. Sayang din ‘tong mga Avon products nila, saka magsisilbing souvenir na rin ‘to para sa akin ‘no.”

                Nagbikit-balikat na lang si Jason. “Okay. Your call.” Lumakad silang dalawa sa pasilyo at wala pa naman silang nakikitang mga nakaputing aliens. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa nakarinig sila ng mga boses sa ‘di-kalayuan. Mabilis na hinila ni Jason si Vics papasok sa isang kwartong ginamitan niya ng access card para bumukas at nagtago lamang sila sa loob hanggang sa nakita nilang dumaan na ang mga nakaputing aliens. Nang makasiguradong wala na nga sila, napabuntong-hininga si Jason. Lumabas na sila muli pero nagulat siya nang batukan siya ni Vics.

                Napahawak si Jason sa batok niya. “Aray ko naman, ba’t mo ko binatukan?”

                “Walang hiya ka, bigla mo na lang akong hihilahin ng ganun? Nakakalimutan mo atang ako ang Reyna at isa ka lang sa aking mga alipin. Wala kang karapatang tratuhin ako ng ganoon.”

                “I thought we’re friends?”

                “Friends? Anong friends?”

                “You know, tulad ng sabi ng teacher kong kulay Violet na Dinosaur noong pre-school, I love you, you love me, we are friends like friends should be. With a  great big hug and a kiss-” Saktong nakanguso na si Jason at handang magnakaw ng smack kay Vics ng batukan sya muli nito. “OUCH! Nakaka-double kill ka na a!”

Folie à deuxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon