I have to get out of here.
Limang araw na ang nakararaan mula nang dukutin siya ng mga alien na nakasuot ng puti. Nagulo ang tahimik niyang buhay. Dinala siya ng mga ito sa isang napakalaking spaceship and they blasted to God-knows-where. First Filipino on space? Tatawanan lang niya ‘yung nanalo sa Axe promo.
Pero sa loob ng spaceship, balisa at hindi mapakali si Jason. Palagi niyang iniisip kung paano tatakas kahit alam niyang imposible.
‘Di naman ganun kasama ang karanasan niya sa kamay ng mga puting alien – pinapakain siya ng mga ito, hinahayaang matulog nang mahaba, sinasamahang maligo, at binibigyan ng mga gamit na mapag-lilibangan. Gayunpaman, kahit pa pinapayagan silang mga bilanggo na lumabas ng kani-kanilang mga selda ng isang oras kada araw, ‘di pa rin naaalis sa isip ni Jason ang katotohanan na lahat sila ay walang kalayaan.
Kakatapos niya pa lang kumain ng kakaibang sopas na mas malasa lang ng kaunti sa tubig-gripo nang bumukas ang pinto ng kanyang silid at pumasok ang isa sa mga alien na may dalang isang baso ng tubig at isang clipboard. Sinubukan ng alien na makipag-usap sa kanya ngunit nabigo ito dahil tila ba ‘di maintindihan ni Jason ang sinasabi nito sa kanya. Naglabas ang alien ng ilang piraso ng butones na iba-iba ang laki at kulay na nakalagay sa plastic. Inilabas nito ang isa at itinapat sa bibig ni Jason upang kanyang isubo. Alam ni Jason na ‘di rin naman siya maka-tatanggi dahil kung ‘di siya pumayag na lunukin ang mga maliliit na bagay na dala niyon ay papasukin siya ng iba pang mga alien para saksakan ng kung ano mang intergalactic substance na nakakapag-paantok. Samadaling salita, nilunok niya ang bawat piraso ng mga iyon hanggang sa iwan na siya nito nang tuluyan.
Fucking aliens, sabi ng isip ni Jason. Malinaw sa kanya na siya, sampu ng iba pa ay dinukot upang magsilbing mga guinea pigs na mapapag-eksperimentuhan ng mga kumag na puting alien. Bahagi ng mga eksperimento nila ang pagpapa-lunok ng mga butones sa kanila araw-araw. ‘Di niya talaga alam kung anong nangyayari sa iba pang mga eksperimento, ngunit naririnig niya ang ilan sa mga bilanggo na sumisigaw sa tuwing ginagawa ito sa kanila. Noong isang beses nga ay bigla na lang nawala ‘yung isa sa mga bilanggo na palagi niyang nakikitang naglalakad-lakad sa mga pasilyo ng spaceship tuwing oras ng paglabas. Wala ni isa sa kanila ang nakaka-alam kung anong nagyari sa taong iyon.
“Damn those aliens,” bulong niya sa sarili habang umiiling. Hanggang ngayon ay sinusubukan niyang alalahanin ang mga nangyari sa kanya ilang araw bago siya mapunta sa lugar na iyon, subalit wala siyang maalala kahit isa. Palagay niya’y na-brainwash siya ng mga letseng puting alien.
Bigla na lang napakunot ng noo si Jason sa pag-iisip kung ano sa Tagalog ang ‘alien’.
Elyen?
Banyagang nilalang?
Taga-ibang lupa?
Taga-ibang planeta?
Pero inisip niya rin na kung kasama ka nila sa isang planeta, eh ‘di na sila pwedeng tawaging ‘taga-ibang planeta’.
Ekstra-lupang organismo?
‘Di makamundong mga dayo?
Sa isip niya, bakit ba naman kasi walang maayos na alien sub-genre sa Pilipinong media bukod dun sa kinabibilangan nung bansot na brown na alien na mukhang kinamot na bayag? Ilang saglit lang ay bumukas ulit ang pinto ng kanyang silid, pagbabadya na marahil ay nakapag-landing na sa lupa ang sinasakyan nilang spaceship kaya maaari na silang lumabas at panandaliang masilayan ang araw.
BINABASA MO ANG
Folie à deux
عاطفية©Team WarLords Written by: - Coach Direk_Whamba - superjelly - JimLodge - Paralumannn