Chapter 4
Damn. I'm f*cking in love.
Kasalukuyang nakatitig si Jason sa reyna habang patago silang nagnanakaw sa 7-eleven. Alam nilang may mga halimaw na nakakulay green sa loob at may kakayahan silang makita ang bawat pangyayari sa loob ng tindahan. Pero sa dalawang linggo nilang pagnanakaw ay naka-acquire sila ng kaunting survival skill. Si Vics, dahil sa mabibilis ang kamay at napaka-observant sa paligid, ay siyang bahala na kumuha ng mga kaylangan nila para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Si Jason naman, ang gawain ay nakawin ang atensyon ng mga halimaw nang sa gayon ay hindi mahuli si Vics sa akto. Hindi niya pa rin maiwasang titigan ang babae, lalo na't napakaseksi nito sa maiksi niyang dress. Napangiti siya habang pinapanood si Victoria na lumilinga-linga para tingnan kung may nakakakita sa kanya, pagkatapos ay pasimpleng ilalagay sa bag niya ang mga nakupit na pagkain.
Dalawang linggo. Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong ginamitan siya ni Victoria ng kanyang powers para maibalik ang oras at malimutan ang lahat. Maiksi man kung ituring ang dalawang linggo, para kay Jason, katumbas iyon ng isang habambuhay. Sa dalawang linggo na iyon na nagkakausap sila ni Victoria tungkol sa mga bagay-bagay, sa dalawang linggo kung saan nakaka-jackpot siya kapag nasa mood si Victoria, at sa dalawang linggo na iyon na hindi siya nagsasawang titigan ang magandang babaeng iyon na para bang isang ‘angel from heaven’, ika nga niya, ay parang talagang narating niya ang langit. Sa loob ng dalawang linggo, nagtago sila sa palasyo na may time machine sa basement, kung saan sila nag-plano kung paano nila aangkinin ang buong lupain ng Maynila mula sa kamay ng mga tao sa paligid nila – mga taong na-brainwash ng mga puting aliens.
Pero naguguluhan pa rin si Jason sa tunay na relationship status nila ni Queen Victoria.
Ano nga ba sila?
Magsyota? Pero wala namang pormal na ligawan o sagutan na naganap.
M.U.? Ngunit hindi naman sila nagkakaintindihan.
F*ck buddies? O ‘di baka naman ‘f*cked-up buddies’? Marahil iyon ang babagay na term na magdedescribe sa kanilang relasyon. Napaisip tuloy si Jason na ayaw niya ng ganoon – na gusto niyang ligawan nang maayos si Victoria para pormal na silang mag-jowa.
Nang ibaling ulit ni Jason ang kanyang paningin sa kinaroroonan ni Victoria, napansin niyang nawala ito. Umikot ang kanyang mga mata sa paligid at nakita si Victoria sa may counter ng tindahan, tinititigan ng mabuti ang isang batang nakasuot ng uniporme na kulay dilaw. Kung hindi nagkakamali si Jason, sigurado siyang galing sa Xeslana ang batang iyon. Tiningnan niya si Vics at napansin niyang malungkot ang mukha nito. 'Yon ang unang beses na nakita ni Jason si Victoria na ganoon. Habang pinagmamasdan sina Victoria at ang bata, napansin niyang may papalapit na buntis kay Victoria at mukhang magkakabanggaan pa sila dahil sa hindi nakatingin ang buntis sa kanyang dinadaanan.
"Vics!" Ngunit huli na ang lahat. Nagkabungguan na sina Vics at ang buntis. Mistulang nag-slow mo ang buong pangyayari nang dahan-dahang natumba ang reyna at napaupo sa bagong-lampasong sahig na may ‘SLIPPERY WHEN WET SIGN’ sa gilid. Parang mga asong naka-amoy ng pagkain ang mga taong nagsilingunan agad sa direksyon ni Victoria.
“Shoplifter!" Aba’t talagang English pa ang isinigaw ng mga tao.
Ang sabi ng instinct ng reyna ay i-deny ang bintang ngunit nakakalat na ang mga ebidensya sa puting tiles kung saan siya natumba. Nakanganga ang kanyang punit na bag at makikita pa ang ilang canned goods at mga biscuit, ngunit karamihan ng pagkain ay nakalatag na sa sahig.
BINABASA MO ANG
Folie à deux
Romance©Team WarLords Written by: - Coach Direk_Whamba - superjelly - JimLodge - Paralumannn