Chapter 3

445 60 11
                                    

CHAPTER 3

                Now I can remember.

                Ginusto ni Jason na maalala ang mga pangyayari sa buhay niya bago pa siya makulong sa alien spaceship; at ngayong naaalala na niya, hiniling niya na sana’y ‘di na lang niya tinangkang alalahanin pa.

                Naaalala na niya kung sino talaga siya: siya si Jason Rivera. ANG Jason Rivera na tanyag sa Estados Unidos dahil sa angking kahusayan sa pagtugtog ng piano.

                Naaalala niya ang kanyang pangalan na nakalimbag sa isang local tabloid ng New York – ‘Pianist rapes singer’, ika nito: isang kasinungalingan na bunsod ng inggit ng isang kakumpetensiya sa industriya; isang kasinungalingan na pinagbayaran niya ng kanyang musika at pangalan.

                Naaalala niya ang pagbabalik ng Pilipinas upang ituloy ang pagkuha ng Multimedia Arts. Naaalala niya ang babaeng nakilala niya sa eskwela, isang babaeng naging kaibigan niya, isang babaeng may nakaka-antig na tinig, isang babaeng naging inspirasyon niya – naging sentro ng buhay niya, naging kaligayahan niya. Naaalala niya si Katherine Mañago: ang taong nagbalik sa mundo niya sa dati nitong ikot.

               

                Araw ng ika-apat na anibersaryo nila noon ni Katherine bilang mag-‘sugarbaby’, kaya’t lumiban si Jason sa pinagtatrabahuhan niyang advertising company para sorpresahin ang nobya. Sa katunayan nga’y nagsabi pa siya rito na papasok talaga siya ng trabaho dahil may tinatapos silang project na malapit na ang deadline. At dahil babae, sinabi lang ni Katherine na ‘Okay’, kahit sa utak niya ay gusto na niyang lipulin ang lahat ng mga kalalakihan sa buong mundo dahil pare-pareho lang silang mga walang pakialam sa kani-kanilang mga kapareha at ‘di marunong mag-alaga ng babae at blah blah blah blah blah. Kaya laking gulat ni Katherine –  matapos papuntahin ng kaibigang bakla sa isang ‘party’ kuno sa isang mamahaling hotel – nang makita niya ang kanyang nobyo sa gitna ng malawak na hotel lobby na tumutugtog ng paborito niyang kanta at napapalibutan ng mga talulot ng pulang rosas. Nakangiting lumingon ito sa kanyang direksyon. Lumakad siya sa ibabaw ng pulang carpet papalapit sa cheesy niyang nobyo. ‘Di pa man nakaka-limang hakbang nang maglabasan ang lahat ng kakilala ni Katherine – mga magulang niya, ang mga nagpalaki kay Jason, mga kaibigan nila, ilang katrabaho, dating classmates, mangilan-ngilan na mga ‘ex’, at isang nakikisaling usyosero – at lahat sila’y nagbigay ng pulang rosas sa kanya. Nang matapos ang tugtog ni Jason, lumapit ito kay Katherine na may dalang Pamburol-sized na bungkos ng pulang rosas at iniabot ito sa babae. Naluluha si Katherine nang takpan niya ang kanyang bibig dahil sa kagalakan at dahil nakalimutan niyang mag-mouthwash. At nang lumuhod sa harapan niya ang binata, alam niyang dumating na ang araw na pinakahihintay niya.

                “Will you make sandwiches for me?” tanong ni Jason, sabay bukas ng hawak na pulang kahon na may lulang singsing. 

                “What the f*ck?” tanong ni Katherine.

                “Will you spend the rest of your life with me? Washing and ironing my clothes for me, cooking my food for me, and cleaning the house for me?” nakangising dagdag ng lalaki. Ang lahat ng tao sa paligid ay nagpipigil ng tawa.

                Hindi nakasagot si Katherine na sa sobrang pagkalito ay mas mataas pa sa lipad ng eroplano ang kilay.

                “Just say ‘no’ to that, Kath. I don’t care if you wouldn’t do all those things for me, because the only thing I will ever ask from you is to love me. Will you be my sugarbaby for life?” sabi ni Jason. “Will you marry me?”

Folie à deuxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon