Thank you sa 75 readers ng Prologue. Thank you sa support my dear readers. Eto na po ang Chapter 1. Enjoy!
Thank you po kay Wimpyunicorn sa pagpuna ng mga wrong grammar and some suggestion sa story ko specially sa chapter na ito. Thank you po, dedicate ko na lang po sa iyo itong chapter na ito para makapag thank you ng sobra.
※※※※※
CHAPTER 1:
IRISH
Shit! Malelate na naman ako nito. My ghad Irish exam mo pa naman ngayon. Ang kupad-kupad mo talaga kumilos, para kang pagong. Nakakainis ka na! Naku! Kailangan ko na magmadali, kapag nalate ako at hindi ako nakapag exam mawawala scholarship ko. No way! Katapusan na ng pangarap ko yun, katapusan na rin ng mga pangarap namin nila Mama. Wag naman sana, uwaa! Bilisan mo kasi loka-loka!
Tumatakbo na ako sa hallway ng school building ng College of Engineering, nagmamadali na kasi ako papuntang classroom baka malate kasi ako pero nabangga ko ang isang gwapong lalaki na medyo antipatiko ang dating at may pagkamayabang.
Dahil sa inaaakala ng lalaking ito na pagmamay ari niya ang hallway, naglalakad siya ng sobrang kupad at tila sakop niya ang malaking hallway ng school building. Akala niya siguro pati ako kaya niyang paandaran ng pagiging presko niya kaya patuloy siya sa paglalakad at halos lahat ng mga nakakasalubong niya ay nagsisitabi pero ako hindi. I don't give a shit on him so ayun na nga nagkabangga kami. Sa pag akala kong siya ang iiwas sa akin ay siyang kabaligtaran ng pangyayari. Lalo akong naperwisyo sa kalokohan ko. Damn!
"Ay sorry! Hindi ko sinasadya kuya." Yan ang paumanhin na sabi ko sa kanya. Ang antipatiko talaga. He grabs his things first rather than helping me on picking my things on the floor.
"Bulag ka ba? Tumingin ka nga sa dinaraanan mo! Tanga tanga naman kasi!" Mayabang na sagot ng lalaking ito.
"Ang sungit mo naman. Nagsorry naman na ako eh. Hindi ko naman sinasadya nagmamadali na kasi ako. Malelate na kasi ako." Pakikiusap ko sa kanya para matapos na ang argumentong ito.
"Wala akong pakialam sayo. Kung nagmamadali ka, wag kang tanga, tumingin ka sa dinadaanan mo. Bwisit ka! Panira ka ng araw! BWISIT!"
Sobrang walang modo yung lalaking yun ah, binangga niya pa ako sa may balikat tapos naglakad paalis. Bastos WTF! Yung mga gamit na pinulot ko, pupulutin ko na naman. Malelate talaga ako nito. Naku! Pag ako nalate at hindi nakapag exam isusumpa ko yung lalaki na yun. Promise! Sa sobrang inis ko sinagot ko pa siya kahit naglalakad na siya papalayo sa akin.
"Nagsorry naman na ako sayo Kuya. Antipatiko! Bastos! Walang modo!" Pasigaw na sabi ko sa kanya habang nagdadampot ng mga gamit ko.
"Get lost bitch!" What? He called me bitch? Damn it! Nabwibwiset na ako sa kanya 100% madness. Argh! Binato ko siya ng notebook na hawak ko at dahil asintado ako, ayun tumama sa ulo niya kaya napalingon siya sa akin.
"Oi lalaking gwapong gwapo sa sarili! Excuse me! Anong sabi mo, bitch? I'm not a bitch, hindi ako katulad ng mga babaeng naging ex mo. Get lost in your face!"
Mangiyak-ngiyak na ako habang dinadampot ang mga gamit ko dahil sa sakit ng pagkabangga sakin nung lalaking antipatiko na 'yon tapos yung unexpected na banggaan namin kanina. And WTH! Kahit sinong babae ayaw matawag ng bitch. I'm not a dog. Damn. Ang sakit niya magsalita. Bwiset talaga.
And the worst thing napahiya ako sa other students na andito sa hallway. Lupa kainin mo na ako. Tss. Pero kahit nasaktan ako feeling ko nakabawi naman na ako kasi nakita ko yung paghimas niya sa ulo niya, alam ko nasaktan din siya. So ayun quits lang.
BINABASA MO ANG
The Road to my Destiny
Teen FictionI found myself walking alone on the Boulevard of Broken Hearts. A place where every broken hearts go. Bakit nga ba laging kaakibat ni love ang sadness at ang happiness? Pwede bang hindi silang dalawa, sana puro happiness na lang. Sana walang taong n...