The Road to my Destiny [9]

34 2 0
                                    

CHAPTER 9:

GIAN

Bakit ganun? Parang nawalan ata ng gana si Kriselle sa akin bigla? Nanunuod daw ng K drama? Ganun ba talaga epekto ng K drama sa mga babae? Anyways, andito na ako sa club. Andito ako dahil sa pabor na hiningi ko kay Kevin. Oo, tama kayo. Yung favor na hiningi ko kay Kevin na number ay yung number ni Kriselle. Ewan ko ba, parang gusto ko lagi siyang kausap. Pero kanina sinusungitan niya ako. Feeling ko hindi ako importante. Shit! Ano ba itong pinagsasabi ko. Masyado akong nasanay kanina na magkasama kami. Naging komportable ako masyado habang kasama siya. Ganun ba talaga kapag yung isang babae kaugali ng Mommy mo magiging komportable ka. Sana nga hanggang dun lang kasi baka hindi ko makayanan kapag mas lumala pa.

May lumapit na babae sa akin dito sa bar. "Hi! Nag iisa ka ba? Pwede ba kitang samahan?" Pagsisimula niya ng usapan. "Sure! Upo ka." Since ako lang mag isa dito pinaupo ko siya. "Wala kang drinks? What do you want? Treat ko na, para naman hindi tayo mabored while nag uusap." Sabi nung babae. Wow ah galante. "No thanks! Ako na lang mag oorder. Ako naman yung lalaki eh. What do you want ba?" Sabi ko sa kanya. "Amp! Sure. You're such a gentleman." Crush ata ako nito eh.

WTF! Nananahimik akong mag isa dito tapos may babaeng lumapit. Yung mga tropa ko? As usual ayun lumalandi na sa mga babae dyan. Arte naman nitong babaeng ito. Tsaka nainom? Okay TURN OFF! Maganda pa naman siya. Si Kriselle kaya nainom? Sana hindi.

So, eto na nga ako na yung umorder ng drinks namin para naman masatisfy itong babae na ito. And here is the scenario.

"Thank you sa drink. Cheers!" Sabi nung babae. "You're welcome. Cheers!" Walang ganang sagot ko. "Can I ask something?" Tanong niya sa'kin at nag oo naman ako. Susungitan ko ito kapag tinanong niya about sa love life ko. "Do you have a girlfriend?" Tss! So as usual masungit mode on. "Why?" Sagot ko sa kanya. "I wanna know lang naman. Baka kasi may magalit while we having a chat. So meron ba?" Ang hirap maging pogi. Haist. "I don't have a girlfriend. Kasi kung meron man eh di sana wala ka dyan sa inuupuan mo!" Pikon na sagot ko. "Can I?" Sabi nung babae at sinagot ko naman siya "What?" with matching  sobrang naiinis na boses. "Sabi ko if pwede ba ako na lang girlfriend mo?" Aba kapal ng mukha nitong babae na 'to ah. "Nope! May nililigawan akong babae eh." Sagot ko sa kanya. Ligawan ko kaya si Kriselle? Letche Gian wala kang pag-asa dun.

"Aw! Really! I'm sorry. Siguro you really like her that much kaya napapansin ko medyo naiirita ka sakin, tama ba?" Sabi niya. "Yes, I love my soon to be girlfriend that much that's why I promised her I won't cheat on her even I'm still courting her and I will wait her." Sagot ko sa kanya ang tagal naman umalis nito. "Oh I see! Gotta go. Thanks sa drink. Nice to meet you." Finally umalis na rin. Turn off kadiri.

Shit! Haist! Ano ba yung mga nasabi ko. Sino kaya yung babae na pagaalayan ko ng loyalty ko? Si Kriselle kaya? Tinamaan ata ako sa kanya ah. Anyways, gusto ko na umuwi asan na ba yung mga tropa ko. May pasok pa bukas at gusto ko sana sunduin si Kriselle para hindi siya malate bukas. Hanapin ko na nga sila. Ayun si Kevin! Mayaya na nga umuwi.

"Kevin. Pre!" Tawag ko sa kanya. "Hi! What's your name cutie?" Biglang singit nung isang babae na kasama nila. "Baby girl, he is Gian. A friend of mine." Sagot ni Kevin dun sa babae. "Nice to meet you." Sabi nung babae sa akin with matching kindat pa, akala niya naman kinaganda niya yun. Tss!

"Pre, uwi na tayo. Inaantok na ako. May pasok pa bukas." Pagyaya ko kay Kevin na umuwi. "Sungit mo naman. Sayang pogi ka pa naman." Singit ulit nung babae. "The hell I care." Inis na inis na sagot ko dun sa babaeng papansin. Nahalata naman ata ni Kevin na naiinis na ako. "Tama na yan. Babae yan pre, wag patulan. Una na kami baby girl ah." Pag landi ni Kevin dun sa babae. "Nice to meet you both baby boy." Sagot ni babaeng malandi. May paflying flying kiss pang alam.

Bago kami tuluyang umalis ay kinuha ni Kevin yung number nung babae at walang arti arti ay binigay naman agad nung babae kay Kevin yung number niya then sinabi pang itext siya agad. Like WTF yung babae talaga may gusto na lumandi eh yung nilalandi niya naman taken na. Haist malalandi nga naman.

"Tss! Kaya kayo nagaaway ng girlfriend mo eh. Uso maging loyal pre." Sabi ko kay Kevin habang hinahanap yung ibang tropa. "Dude! Uso labanan ang katorpihan para naman magkagirlfriend ka. HAHAHA!" Pang aasar niya sa akin. "Wala pa kong nakikita!' Sabi ko sa kanya." "Choosy ka kasi. HAHAHA!" Sabi nung gago. Hindi ko na lang pinansin at patuloy na naglakad.

Habang papunta kami sa parking lot kasama ang buong barkada, ako naman ang naging usapan nila. Sa buong byahe pauwi.

"Hindi ako choosy. I only want the best for me." Pagtatanggol ko sa sarili ko. "The best mo to. HAHAHA!" Pang aasar ni Kean na dinagdagan pa ni Darren. "Baka nabusted ka lang Gian, ayaw mo lang ipaalam. HAHAHA!" Sinang ayunan naman ni Luke ang sinabi ng dalawa, "Okay lang yan pre. Madami pa diyan. Hanap ka ulit. HAHAHA!" Sapakin ko kaya itong mga 'to? "Mga loko! Gusto ko kasi siya na ang una't huli kong mamahalin." Sagot ko sa mga pang aasar nila.

"Corny mo dude! HAHAHA! Pero seryosong usapan, meron na ba talaga?" Seryosong banat ni Kevin sa aming usapan. "Meron! Pero sisiguraduhin ko munang siya nga yung nilalaman ng puso ko. Ayoko maging playboy na katulad ninyo." Nakangising sagot ko kay Kevin. "HAHAHA! Nagsalita si master. Master pagdating sa paghahabol sa mga babae." Pagsabay - sabay nilang mga sagot. "Ibahin niyo ko mga pre. Antayin ninyo." Ang huling hirit ko sa kanila.

Nakarating na kami sa bahay ko. Dito naman lagi last stop ng barkada eh.

"Movie marathon tayo." Yaya ni Kevin sa amin nang makapasok sila sa bahay ko. "Tara! Love story para maiba." Suggest ni Darren na papanuorin namin. "Mag isa ka! Palibhasa in love. Masasaktan ka lang. HAHAHA!" Pang asar ni Kevin kay Darren na totoo namang in love sa ngayon. "Love story? Corny mo tol! HAHAHA!" Dagdag na pang aasar ni Kean. Ang hirap magkaroon ng barkadang mga playboy big deal lagi kapag seryoso ka. Teka masyado nang gabi ah inaantok na rin ako pauwiin ko na nga ang mga ito. "Mga tol, hindi sa pinapauwi ko na kayo ah. Pero magsilayas na kayo." Sabi ko sa kanilang lahat. "Wag! Dito muna kami." Sabay sabay na reaksyon nilang lahat sa akin na nakapout at tila nagmamakaawa. "Umuwi na kayo gusto ko na matulog. May susunduin pa ko bukas." Pamimilit ko sa kanila. "Sino?" Malisyosong tanong ni Kean sa akin. "Umaasenso. HAHAHA!" Pangbwibwisit ni Darren. At ang pinakamalupit sa lahat ang walang kamatayang linya ni Kevin na "Wag kami pre. HAHAHA!"

"Seryoso! Sige na. Weekends na lang kayo manuod dito. Wala na rin ako stocks ng food. Sa weekends pa dating tsaka may pasok pa bukas." Pamimimilit ko ng sobra sa mga unggoy na ito. "Wow! Nilalagnat ka ba pre?" Gulat na tanong ni Kevin sabay hawak sa noo ko. "Papatawas ka namin baka kung ano na yan." Abnormal na banat ni Darren, oh di ba parang mga gago lang? Ay mali gago talaga sila. "O.A. niyo. Baka inlove lang tropa natin? Sige dude una na kami, pero sa weekends sagot mo lahat ah." Out of the blue biglang tumigil sa pagbibiro ang best friend ko na si Kevin at siya na mismo ang nagkusa na paalisin ang barkada sa bahay ko sa isang kondisyon na ako ang sasagot ng lahat ng gastos sa weekend. Syempre pumayag na lang ako kaysa usisain nila yung buhay ko.

Finally, nagsiuwian na rin sila. Tuwang tuwa ako nung umalis sila at dumiretso agad ako sa room ko para makapag pahinga. Text ko muna si Kriselle baka gising pa yun. "Kriselle, gising ka pa?" Unang text ko sa kanya pero makalipas ang five minutes she didn't respond. Busy kaya siya manuod nung K drama? Itetext ko na lang ulit. "Oi pikon! Gising ka pa?" Yan medyo may halong pang aasar na para magreply siya sa akin. Makalipas ulit ang five minutes. Tae! Bakit hindi nagrereply? Tawagan ko kaya? Baka tulog na? Pero try ko pa rin kaya. Wag na lang! Paano kapag tulog na? Maiistorbo ko pa. Haist! Last text na lang Gian. "Kriselle, ammpf! Good night! :) Sunduin kita bukas ah para di ka malate. Pambawi pa rin ito. :)"

Matutulog na rin ako. Magising sana ako ng maaga. Mag aalarm ako. Readers, gisingin ninyo ako ng maaga bukas ah para masundo ko si Kriselle ko. Malay ninyo bukas kami na HAHAHA! Letche! Nafafall na ata ako sa kanya. Yung totoo? Naenjoy ko masyado company niya. Tinamaan na nga ata ako. Good night ulit.

※※※※※

A/N:
Wala masyadong ganap sa chapter na ito pero thank you pa rin sa patuloy na nagbabasa. Gisingin natin si Gian mga readers ah! And lastly, since may pasok na rin po sa school. Thrice a week na po ako magaupdate ng story.

-DyosaKakaibabe

The Road to my DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon