The Road to my Destiny [7]

23 3 0
                                    

CHAPTER 7:

GIAN

Nakauwi rin ako sa bahay ng maayos. Napagod ako ah pero worth it naman kasi nakapagpasaya ako ng babae. Yung bilin sa'kin ni Mommy na wag daw ako mananakit at magpapaiyak ng babae, if ever man daw na masaktan ko siya ng hindi ko sinasadya, magsorry agad ako at gumawa ng way para makabawi kaya ayun ginawa ko kanina kay Ms. P. HAHAHA! Mas gusto ko siyang tawaging Ms. P ang pikon niya kasi eh. Wait! Ano ulit name niya? Irish Kriselle? I like to call her Kriselle ang ganda pakinggan parang siya sobrang ganda. 

Bago ko ikwento sa inyo yung mga nangyari kanina, magpapakilala muna ako. 

My name is Gian Carlos Stark. My friends call me Gian. Im 18, 5'11, macho with 6 pack abs and handsome of course. I'm 3rd year Civil Engineering Student at Chuvachuchu University. I live alone in my house because my Mom died when I was 17 and galit ako sa Daddy ko that's why dumistansya ako sa kanya. Taglish ako magsalita kasi conyo pero joke lang yan.

I'm gentleman because I hate seeing girls crying because of boys. I don't have a girlfriend kasi gusto ko yung Ms. Right na. I really like watching action movies, star gazing and planning my future with my future wife in my brain. Ayoko na magkwento pa tungkol sa buhay ko kasi wala naman ako dapat ikwento sa inyo.

Pag-usapan na lang natin si Kriselle at yung mga pangyayari kanina. Nag enjoy din naman akong kasama siya kanina kasi inosenteng inosente siya. Parang napakaspecial niyang babae lalo na yung nasa park kami kanina, yung time na nakatingin lang kami sa mga stars sa sky. Ang dami niyang alam sa stars, sa constellation and even sa color ng mga stars may meaning pala.

"Tignan mo yung 3 stars na yun na medyo nakaslant pero magkakatabi." Sabi ni Kriselle. 

"Yun ba? Yung tatlong yun? Ang alam ko lang kapag pinoint yung 3 fingers sa kanya ay sasakto eh." Tinuro ko yung 3 stars na nakaslant baka kasi hindi kami nagkakaintindihan eh. 

"Oo, yun nga. Ang tawag diyan Aries." Paliwanag niya sa akin.

"Horoscope yung Aries di ba?" Seryosong tanong ko sa kanya. 

"Pilosopo 'to. Ang horoscope nakadepende sa location ng stars ng isang tao, parang yun yung nagiging lucky star nila, yung guide ganun." Nakakaantok na sagot niya. 

"Ah! Ang galing naman, pwede ka na maging Science teacher. HAHAHA!" Pang aasar ko sa kanya. 

Totoo naman kasi ang dami niyang alam. 

"Abnormal! BTW, tignan mo naman yung 2 stars na medyo magkalapit medyo naka slant din. Yan yung Gemini at yan yung constellation ng horoscope ko." Seryosong sagot niya sa pang aasar ko. 

"Wow! Paautograph naman idol! HAHAHA!" Mas ginalingan ko pa ang aasar ko, wala na ako masabi sa kanya eh.

See! Ang dami niyang alam. Ang tali-talino niya siguro? Sa bagay, nung hinatid ko siya sa bahay nila kanina halata naman na matalino siya eh. 

Makapal kasi mukha ko, kaya nung sinabi ng Mama niya na pumasok ako, pumasok agad ako. HAHAHA! Simple lang yung bahay nila pero sa may sala, punong puno ng mga medals nilang magkakapatid. 

Nakilala ko rin ang Mama ni Kriselle, si Tita Liezel tsaka yung 3 niyang kapatid na sina Luke, Ivy at Lawrence. At higit sa lahat mas lalo ko nakilala yung tunay na Kriselle sa harap ng pamilya niya. 

Nung pinakilala ako ni Kriselle sa Mama niya na kaibigan niya lang ako ay nagreact silang lahat.

"Anak, wala namang masama kung sasabihin mo sa akin ang totoo, nanay mo ko eh. Susuportahan kita basta alam kong ikakasaya mo." Seryosong sagot ni Tita Liezel kay Kriselle nung pinakilala niya ako. 

The Road to my DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon