Hello sa 51 readers ko. Thank you sa pagsubaybay sa Prologue and Chapter 1 ng The Road to my Destiny. Ito na po ang Chapter 2. Enjoy!
Thank you po kay Wimpyunicorn sa pagpuna ng mga wrong grammar and some suggestion sa story ko specially sa chapter na ito. Thank you po, dedicate ko na lang po sa iyo itong chapter na ito para makapag thank you ng sobra.
※※※※※
CHAPTER 2:
GIAN
Habang naglalakad ako sa hallway ng school building may babae akong nabangga. Paano ba naman kasi natakbo siya tapos hindi man lang tumabi ang siga-siga. May exam pa naman ako kaya dinampot ko agad yung mga gamit ko na nahulog.
I don't dare to help her kasi kasalanan niya naman. Kaya hinayaan ko na lang siya at dumeretso na ako sa classroom ko. Pag dating sa room wala pang Professor kaya pumunta ako sa pwesto ng tropa kong si Kevin.
Sa hindi ko inaasahang pagkakataon biglang pumasok si siga sa room namin. Ano 'to, kaklase ko siya? Pero never mind. Inilabas ko ang notebook ko sa bag at hinanap ko yung binigay na necklace ni Mommy sa akin since lucky charm ko yun. Pero bigla akong nataranta nung hindi ko na mahagilap yung necklace sa loob ng notebook ko.
Alam ko nasa secret pocket ng notebook ko yun eh pero hindi ko na talaga makita. Mayaman kasi ako kaya yung notebook ko may secret pocket! Sa sobrang taranta ko kay Kevin ko sinabi tutal alam niya ang story nung necklace na yun eh.
"Pare, nawawala yung kwintas na naibigay sakin ni Mommy. WTF! Napakahalaga sa akin nun, yun lang yung alaala ni Mommy sa akin bago siya nawala. Ano na gagawin ko?" Hindi mapakaling sambit ko.
"Pre, baka kung saan mo lang iyon nailapag. Alalahanin mo maigi Pare, alam ko namang burara ka sa gamit eh. HAHAHA! Isipin mo maigi Pare." Pabirong sagot ng best friend ko.
Oo, burara ako sa gamit pero hindi kailanman sa necklace ni Mommy.
Bigla ako napahinto sa pagsagot kay Kevin at nag iisip ng sobrang lalim. Mas malalim pa kaysa sa balon. Shit! Yung banggaan sa hallway kanina. Baka dun ko nga naiwan. Oo tama!
"Yung babaeng bumangga sa akin kanina sa hallway, baka nga nahulog kasabay ng pagkalaglag ng gamit ko. Siguro pinag interesan niya, mukha pa naman isang kayod isang tuka yun. Oo, baka nga nasa kanya. Hahanapin ko siya, hindi pwede mawala yung binigay ni Mommy." Walang pahinto hintong paliwanag ko kay Kevin dahil sure ako na yun yung rason.
"Sige pre, hanapin mo. Wag ka lang mapaparanoid ah, wag kang O.A. sa mga salita mo tao pa rin yun. Ge good luck!" Pagsuporta ni Kevin sa akin.
Pag tingin ko sa side ni siga nakatingin din siya sa akin.
Papunta ako sa pwesto niya at sinamaan ko siya ng tingin, sobrang samang tingin at sinigawan ko pa siya.
"You! Where's my necklace? I know you stole it." Pangbibintang ko sa kanya.
Pero biglang pumasok sa room ang Professor namin kaya hindi ko na naituloy ang pakikipag usap sa kanya. Hindi ko na rin nakuha yung kwintas ko. Sana lang nasa kanya pa yun mamaya, kasi kung hindi aawayin ko talaga siya.
Inayos na ng Professor namin ang aming mga uupuan at nagsimula na ang tatlong oras na exam.
Hindi ako makapagfocus sa pagsagot sa mga tanong kasi iniisip ko yung kwintas ko.
Mas maigi siguro na mamaya ko na lang problemahin ang kwintas ko, sigurado naman ako na walang kawala sa akin yung babaeng yun eh. Kaya nagsagot na lang muna ako.
Dapat kasi maipasa ko ang mga exam ko dahil magagalit sakin si Daddy kapag nagkabagsak ako. Natapos na akong mag exam, pinapasa na rin ng Profesor namin ang mga test papers at pinalabas na kami. Nung nagmasid ako sa paligid, wala na roon si siga. Shit! Kaya dali-dali akong lumabas ng room para hanapin siya. May babae namang epal na nagtanong sa akin.
"Ah excuse me? Bakit hindi ka mapakali? May hinahanap ka ba?" Tanong nung babae sa akin.
"Oo, hinahanap ko yung babae eh." Walang pake na sagot ko sa kanya.
"Ah, I think yung babaeng sinigawan mo kanina? Yung sinigawan mo before dumating yung Professor natin?"
Mukhang may maitutulong siya sa akin ah. Sige makausap na nga siya.
"Oo, siya nga. Kilala mo ba siya?" Tanong ko sa kanya.
Kapag ito nakikichismis lang swear tatalikuran ko siya.
"Ah! Oo, kilala ko siya. She's my best friend actually. Ano kailangan mo sa kanya? Madalas yun nakatambay sa library. Doon siya lagi tumatambay tuwing lunch break at vacant hours. Sige una na ako inaantay niya na ako eh." Mabilis niyang pagsagot sa akin.
Aba kumpletong kumpleto sa detalye ah. Humanda ka sa'kin siga.
"Ge, salamat!" Dahil sa tinulungan niya ako nagpasalamat ako.
Pinakinabangan ko naman siya eh.
Makalipas ang ilang oras pinuntahan ko siya sa library at nung nakita ko siya hawak hawak na niya yung kwintas ko kaya feeling ko pinag iinteresan niya na. Bigla ko sinambot yung kwintas sa mga kamay niya at nakapag salita ako ng hindi maganda.
Nagsimula na rin kaming magbangayan na dalawa hanggang sa nagsalita siya ng pagkahaba haba at parang naoffend na siya sa mga nasabi ko.
Oo, medyo masakit ako magsalita sa kanya pero hindi ko sinasadya yun, nakalimutan ko na rin yung mga pinagsasabi ko ang dami kasi eh. Pero pakiramdam ko talaga nasaktan ko siya sa mga binitawan kong linya sa kanya.
Nang matapos niyang sabihin ang napakahabang last words niya bigla na lang siya tumalikod pero nahagip ng paningin ko na naiyak na siya.
Shit! Nakapagpaiyak ako ng babae. Ano ba naman yan Gian! Haist. Hindi pwede 'to. Kaya bilang lalaki nagpakagentleman ako, nilunok ko pride ko at hinabol ko siya kasi nagwalk out siya. Pero hindi niya ko pinansin nung tinawag ko siya.
Ano ba namang kalokohan ang ginawa ko! Haist Gian gumawa ka ng paraan para mapahinto siya sa pag iyak. Hindi ka pinalaki ng Mommy mo nang ganyan kaya kailangan mong magsorry, ayoko tumulad sa Daddy ko na wala nang ibang ginawa kung hindi paiyakin at saktan ang Mommy ko. Hahabulin ko si siga at magsosorry ako.
※※※※※
A/N:
Hello readers. Sorry if naulit yung convo nila Karen at Gian ah reminders lang yun sa mga naganap nung previous chapter. Paano ba yan may pusong mamon din pala si Gian. Well wag ninyo siyang mamahalin ah. Thank you for reading. Vote and comment na!
-DyosaKakaibabe
BINABASA MO ANG
The Road to my Destiny
Teen FictionI found myself walking alone on the Boulevard of Broken Hearts. A place where every broken hearts go. Bakit nga ba laging kaakibat ni love ang sadness at ang happiness? Pwede bang hindi silang dalawa, sana puro happiness na lang. Sana walang taong n...