Sorry sa late update ng story readers medyo busy lang sa pasukan. Anyways, babawi ako this time. Thank you!
※※※※※
CHAPTER 10:
IRISH
Good morning to the beautiful readers of this story, sa mga gwapong readers natin diyan magandang umaga at syempre sa sarili ko na natural na lang ang pagiging maganda tuwing gigising sa umaga. Yung tipong artista lang sa mga movies na gigising ng maganda HAHAHA ganyan ako. Syempre thank you rin kay Papa God for another day of my life.
Katulad ninyo pag gising ko sa umaga una kong ginagawa ay kunin ang phone ko at magcheck sa aking social media sites. Pero isang kagimbal gimbal na pangyayari ang bumungad sa akin na ikinalaki ng singkit kong mata. Si Gian daw kasi susunduin ako and he texted me thrice in the middle of the night. Wow umeenglish ako kaloka. Bakit kaya? Anyways, hahayaan ko na lang tutal makikinabang din naman ako pero hinid ako user na friend mga readers ah. Sadyang bless lang ako for a having a friend like him kaya wag na kayo mainggit. Mahal ko kayo.
Matapos kong icheck ang mga social media accounts ko, I decided na mag ayos na kasi baka malate ako at baka bigla dumating si Gian at mataranta ako ng bongga. Nagtext na kasi siya na this morning eh kaya ayun. Kumain na ako at naligo na and syempre nagayos sa sarili pati na rin ang mga gamit ko para pagdating niya okay na ako. Hindi nga ako nagkakamali after 15 minutes he's here.
"Oi Kriselle tara na!" Sigaw niya sa akin sa loob ng bahay ko. Oo, sa minsang pagpunta niya dito sa bahay nafeel at home agad siya at nakasundo niya sila Mama agad. Sila Mama natawa lang.
"Sandali lang. Makasigaw ka ah, bahay mo?" Sagot ko sa bwisit na 'to. Ang ganda naman kasi ng gising ko eh tapos ganyan siya sisirain niya.
"Kaya nga nalelate eh isa kang pagong kumilos." Pang aasar ni Gian sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin dahil ayoko masira yung araw ko dahil sa kanya.
Nang makababa ako sa sala agad akong nagpaalam sa Mama ko at umalis na kami ni Gian pero hindi ko pa rin siya kinikibo. Habang nasa sasakyan niya kami he noticed na tahiik lang ako and then the conversation start.
"Oi Kriselle bakit tahimik ka? May sakit ka ba?" Tanong niya sa akin. Sabay lagay ng kamay niya sa noo ko.
"Wala!" Tapos tinabig ko yung kamay niya. "Ayoko lang masira yung araw ko dahil sa pangbwibwisit mo." Dagdag ko.
"Mukhang maganda nga gising mo ah. Kwento ka naman diyan." Sagot niya sa akin at pasalamat kay Lord kasi nagets ni Gian na ayoko masira araw ko at wala akong panahon makipagkulitan sa kanya.
"Si Ian kasi yung crush ko nung high school na naging kaMU ko nagparamdam kagabi. Tumawag siya then kinamusta niya ako. Sabi niya kapag daw may free time kami magmemeet daw kami ang itutuloy niya na yung panliligaw niya sa akin." Medyo mahabang paliwanag ko kay Gian.
"Ah ganun ba? Sige hindi kita kukulitin para hindi ko masira yung araw mo." Walang ganang sagot ni Gian sa akin at biglang tumahimik ang atmosphere sa loob ng kotse niya.
Nang makarating kami sa school bigla namang may tatlong lalaki na lumapit sa amin na kasama ni Kevin. At isa isa nilang pinakilala ang mga sarili nila sa akin.
"Hi Ms. Irish, my name is Kevin Marcus Lannister. I know you known me already. Classmate tayo eh, I'm Gian's best friend." Sabi ni Kevin while he's offering a hand shake and I do the same.
"Hi Ms. Irish, my name is Kean Vince Baratheon. Friend of Gian. Nice meeting you." I give Kean a nod.
"Hi Ms. Irish I'm Lucas Brandon Greyjoy. Gian's friend also. Welcome to the club." The he smiled at me.
"And lastly I'm Darren Kyle Tyrel. Also a friend of Gian. Bagay kayo to be honest." Then I give him a smile full of curiosity.
At sabay sabay nilang binigkas ang "Welcome to Gian's heart!" and Gian give them a bad look and he continue walking. Hinabol naman siya ng mga kaibigan niya and I left here with Kevin.
"Pagpasensyahan mo na si Gian ah moody lang siya. Sundan ko muna sila. There is Karen. Bye!" Ayun umalis din siya pero nagtataka ako sa mga nangyayari parang ang weird lang kasi. Haist never mind puntahan ko na lang si Karen.
"Oi babae! Alam kong maganda ka, matalino, mabait at sexy pero wag mo naman agawin yung crush ko!." Bungad sa akin ni Karen na nakasimangot.
"Ano problema mo?" I answered her.
"Bakit kasabay mo si Gian pumasok? At isa pa bakit kasama ka niya sa car niya?" Naggagalaiti niyang sagot sa akin.
"Are you jealous? Stop that silly attitude." I poke her head. "Me and Gian are best friend. Okay?" I give her a short explanation mukhang naprapraning eh.
"Talaga lang ah! Nako Irish Kriselle agawin mo na lahat wag lang si Gian, dadanak ang dugo!" Nakasimagot na sagot niya. Ang o.a. ng mga tao ngayon ah.
"Loka loka! May manliligaw ako kaya wag kang mag isip ng kung ano ano dyan baka masampal kita. HAHAHA!" Then both of us laugh.
Magkasabay kami ni Karen na pumunta ng classroom. Pero hindi mawala sa isip ko yung mga bagay na nangyari kanina. Sa parking lot nakilala ko ang buong barkada nila Gian. Infairness ang gwapo nilang lahat pero lamang si Gian to be honest. And speaking of that abnormal guy hindi ko alam bakit bigla siyang nagwalk out nung winelcome ako ng mga kaibigan niya. Ayaw niya kaya ako maging part ng barkada nila? Well okay lang naman sa akin yun but he's acting weird lang kasi the whole time mula nung nasa kotse niya kami.
And isa pa yung mga sinabi nung mga kaibigan niya welcome to Gian's heart daw. Ayun baka kaya nagwalk out si loko kasi nainis siya sa mga biro ng kaibigan niya. Anyways, ayoko nang problemahin pa yun basta ang alam ko lang kaibigan ko Gian and that's the best thing I found in him.
Ito naman si Karen nasisiraan ng bait. Nakita lang kaming magkasabay ni Gian kung anoo ano na tumakbo sa isip niya. Ang dumi mag-isip. Totoo naman na magkaibigan lang talaga kami ni Gian. Pero I know na kapag si Karen nainlove she's willing to fight for it pero wag siyang o.a. kanyang kanya na si Gian because I have Ian naman eh. I think nakuntento siya sa sagot ko kanina kasi he knows Ian naman na kaya tumigil siya sa pag iintriga niya.
Anyways, nagsisimula pa lang yung araw na ito pero I guess marami pa ang mga bagay na mangyayari kasi yun yung nafefeel ko. Sorry for being feelingera readers ah. May four boys akong new friends this early morning, aarti pa ba ako? Thank you Papa God ang popogi po nila, napapaligiran ako ng mga pogi. HAHAHA!
※※※※※
A/N:
Sorry if maraming anyways sa chapter na ito. Yun napasok sa utak ko eh. Thank you sa love dear readers. I love you all.
-DyosaKakaibabe
BINABASA MO ANG
The Road to my Destiny
Novela JuvenilI found myself walking alone on the Boulevard of Broken Hearts. A place where every broken hearts go. Bakit nga ba laging kaakibat ni love ang sadness at ang happiness? Pwede bang hindi silang dalawa, sana puro happiness na lang. Sana walang taong n...