Chapter 5: Round 2

290 14 12
                                    

"The eighteenth member is Risa!"

Oh no! Maybe wala talaga akong skills sa dancing after all. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Shane sa kamay ko.

"The last member of dance club is..." Last na?! Bakit ba ang tagal niya! Mamamatay na ako sa kakahintay!

There are a whole lot of pairs in here.

"Sorry" sabi ni Shane in a low voice at parang naiiyak na rin siya.

"Cathrine and Shane!"

What? Ano raw? Sino? K-kami? Tumingin ako sa likod namin dahil baka may ibang Cathrine at Shane. You know, Mahirap kayang umasa.

"Cathrine! Shane! Please join the other members of Dance Club. Pasok na kayo."

Tulala ako for a while tapos tiningnan ko si Shane. Umiiyak na siya this time. Pumunta kami sa ibang members ng Dance Club. "Nakapasok tayo Cath!" sabi ni Shane in a soft voice at umiiyak parin. Nakapasok nga kami. Di nga lang first.

I wiped her tears. Ewan ko ano bang nangyari sa akin. I never wipe tears before without tissue or wipes unless...

"Hoi! Cath!" she snap her fingers in front of me.

"Ui Arianne Hi" sabi ko naman sa kanya na parang nasa ibang planeta pa.

"Anong Hi? Bakit ka ba tulala? Nakapasok na nga kayo! The best pa!" sabi ni Arianne at naka thumbs up.

"Bakit the best? Last nga kami diba? LAST." sabi ko sa kanilang dalawa ni Ell.

"Are you deaf or something? Sabi nga ng host ang last ang pinaka the best performance and second naman yung second to the last." sabi ni Ell.

"Huh? I don't..." di ako pinatapos ni Arianne.

"Meaning binaliktad nila! Yung last na inannounce nila, yun yung dapat first placer. Parang ganun! Gets?!"

"Ah Ok gets na gets ko na! Now Let's Celebrate!" sabi ko at happily pababa na ng stage.

"Anong celebrate?" biglang sabi ni Arianne. Bakit? Di ba sila nakapasok? Eh kitang kita sa mata ko na nakapasok sila sa club.

"Huwag mong kalimutan! May test tayo next next week sa math." sabi ni Ell habang tumingin sa salamin niya.

"What?!" I almost shout.

"Wat wat ka diyan! Sobra ka kasing naging excited sa activity na ito eh! Di mo namalayan na may test tayo after next week." sabi ni Arianne.

"Nag study na ba kayo?" sabi ko kina Arianne at Ell and they nodded. "Ikaw rin Shane?" she also nodded.

Oh no! Naaalala ko ang competition namin ni Harvey. Patay na ako. Baka sobrang matalino yun.

"Cath are you ok? Parang may sakit ka na agad pag sabi naming may test ha! You have two weeks to study. Malayo pa yun!" sabi ni Arianne.

"Well, wala na akong problema kasi tapos na ko mag study and magreview nalang ako next week. So I'm gonna go out with my bae." sabi naman ni Ell habang naglalagay ng foundation sa mukha niya.

"Wait! Ako lang ba walang boyfriend dito?" tanong ko sa kanila. Di ko pa kasi nalalaman if they have one or none.

"Test yung pinag uusapan natin then what's this sudden change of topic?" sabi ni Arianne.

"Ako wala" simpleng sagot ni Shane. Hay salamat di ako nag iisa.

"Wala pa akong boyfriend." sabi ni Arianne pero parang nagbublush yung mukha niya.

"Pero malapit nang magkaboyfriend?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ganun! Ano lang M.U. lang." sabi niya na parang nahihiya.

Crush Ko O Crush Ako? (COMPLETED)Where stories live. Discover now