High school life with her. (effort=happiness)

729 5 0
                                    

Nasabi ko na sa kanya ang feelings ko. Nung gabing yon, hindi natigil ang pagiimagine ko kung anu manyayare bukas.

Maiilang kaya sya sakin? Ano kaya magiging reaksyon nya pag nilapitan ko sya? Sana walang magbago.

Sana best friend pa din ang tingin nya sakin. Sana kahit anong mangyari, HINDI MAWALA YUNG PAGTINGIN NYA SAKIN AS BEST FRIEND.

--

Kinabukasan, inagahan ko ulit ng pasok. As usual, andun sya. Mas nauna pa din sakin. Natuwa ako. Hindi nya ko napansing pumasok kasi dahan dahan ako.

Unang subject namin ay english. Baligtad ang arrangement. A ang apelyido ko kaya nasa likod ako. Sya naman ay L. Kaya sa 3rd row sya nakaupo.

Nung nailapag ko na bag ko sa upuan, unti unti ako lumapit sa kanya. Tapos kinalabit ko sya.

"anjan ka na pala. "

"inagahan ko para magusap tayo. "- sabi ko. Tapos umupo ako sa tabi nya.

"ano paguusapan?"

"yung sinabi ko kagabi. "

"pumayag na nga ko di ba? Basta patunayan mo na lang. "

Hindi sya natingin ng derecho sa akin e. Parang mejo nahihiya na.

Ako kasi, mahilig sa bracelet. Pero hindi ako nabili. Binibigay lang sakin ang mga sinusuot ko.

May suot akong isa, color brown. Mejo makapal sya at may bato sa gitna. Parang antique ang style.

Hinubad ko yun, inabot ko sa kanya.

"eto bracelet ko oh. Palit tayo. "

May suot din kasi sya. Color pink na hugis diamonds ung beads tapos dikit dikit.

"bakit tayo magpapalit?"-sya

"wala lang. Para may property na ako sayo, at ikaw meron na din sakin. "

"di ko hinuhubad to e. Pag matutulog lang at pag maliligo. "-sabi nya.

"edi ngayon ang first time mong huhubadin. Sige na, para din malaman ng iba na property kita pag suot mo yung bracelet ko tapos suot mo yung akin. "

Ganun talaga pag high school. Big deal na kapag nakita ka ng iba na suot ang isang gamit ng iba. Mga bata pa e :)) hahaha.

"property mo ba ko? Hindi naman"

-sabi nya.

"malapit na. Basta sige na pls. Palit na tayo. "

Hindi nagtagal pumayag sya. Basta daw ingatan ko. Haha

Halatang mahalaga sa kanya yung bracelet.

Ayaw nya kasi hubad hubadin ko. Baka daw masira.

"ingatan mo din yang akin ah, kunyari puso ko yan. " -ako sabay ngiti ng ganito sa kanya ^_^

Ngumiti na lang sya. Umalis na ko at lumabas muna, alam ko kasing dadating na yung iba naming classmates, baka asarin na naman kami.

Araw araw ganun ginagawa namin, nagpapalit kami ng bracelet sa umaga.

Tapos suot namin yun maghapon.

Napansin yun ng iba naming classmates,

"nagpalit kayo?"

- si john. Tropa ko.

"ah oo. Pero sinasauli ko pa rin"

"kayo na nuh?"

"hindi ah. Hmm. Pero nililigawan ko na sya. "

"talaga? Seryoso? Si marie??"

Hayop si john e. Parang di makapaniwala! Hahaha

"oo. Haha wala sa ichura yan, nasa ugali yan"

Tumawa na lang si john. Haha di pa din siguro naniniwala.

Sa tingin ko naman effective yung bracelet swap namin.

Kahit kasi sino, parang nirerespeto na kami pag magkasama.

Minsan nga, pag hinahanap ako ng tropa ko, tinatanong muna daw nila si marie. Haha

Tapos pag partner sa mga group activities, laging kami na lang daw. Para bang alam na nila na property na namin ang isat isa. :))

Nageeffort ako. Hindi nga lang sa paraang o.a na. Bata pa kaya hindi pa uso ang mga bonggang panliligaw. Chaka tingin ko din kasi, CORNY yun.

Yun bang bibigyan ng flowers, tapos manghaharana. Ako kasi habang nanliligaw sa kanya, pinaparamdam ko lang sa kanya na totoo ako.

Na hindi sya mawawala sa landas kasi andito lang ako sa tabi nya.

Na hindi ko sya iiwan.

Pero syempre. Pinapakilig ko din sya. Di pwedeng mawala yun. :)

Minsan nga, tititigan ko sya. Tapos pag tingin nya sakin, biglang mapapangiti tapos titingin sa iba.

Paulit ulit ko iyong ginagawa para alam nya na sya lang tinitignan ko. At paraan ko din yun ng pagpapakilig. Ang titigan sya.

Gabi gabi magkatext kami. Hindi ko pinapalampas ang isang gabi na hindi sya kausap.

Nung gabi ng january 4,2009, knkwento nya buhay nya.

Pati pamilya nya. Andun kasi sila sa maynila, dun sila nagchristmas at new year. Hindi pa sila nauwi.

Knkwento nya sakin kung bakit isa lang syang anak, pati mga problemang naranasan na nya sa pamilya nya.

Naaawa ako kasi wala syang kapatid. Yung kakampi nya pag pinapagalitan sya.

"ako na lang kuya mo" - sabi ko sa kanya.

"talaga?"

"oo. Ako na lang. Para may kapatid ka na. :)"

Gusto ko kasing maramdaman nya lalo na hindi na talaga ako mawawala sa kanya. Kasi, kapatid nya ko.

"sige. Kuya na kita ah. :)"

- sabi nya.

" oh san ka pa, bestfriend mo na ko, kuya mo pa. Tapos next time boyfriend na. "

Biniro ko sya. Hahaha. Pero totoo ah. Gusto ko na din talagang sumunod yung boyfriend dun.

"adik ka talaga. Haha hmm gusto mo ngayon na e. "

@.@ nagulat ako sa nireply nya sakin. Totoo ba to?? Yun ba talaga ang meaning nun?? Tototohanin na ba nya talaga ang sinabi ko??!

"ano? Anong ngayon na?"- sbi ko. (painosente effect muna)

"tayo. Ngayon. Tayo na. "- sabi ni marie.

Binasa ko ng paulit ulit. Grabeeeeee!!!!!! Wagas ang ngiti ko! Natupad din, after 4 months na panliligaw, natupad din na maging girlfriend ko na syaaaa!!!

"talaga??? Girlfriend na kita ahh?? :))"

"oo. Hahaha. Matagal na din naman nung nanligaw ka e. Chaka napatunayan mo na naman. "

"buti naman naramdaman mo na. Gustong gusto kita. Hmm. MAHAL kita marie. Salamat"

"salamat din sayo Jp ha, kung hindi ka dumating sa buhay ko, siguro malungkot ako ngayon. Mahal din kita. :)"

Pakiramdam ko may pumuputok na firework sa dibdib ko nung moment na yun :)) sobrang saya nararamdaman ko!

Hanggang sa sinabi ko na talaga sa pamilya ko. First girlfriend ko si Marie e! Syempre dapat alam nila.

Natuwa din sila para sakin. Grabe talaga ang feeling. Yun bang parang gusto ko isigaw sa mundo na mahal ko si marie.

Ganon pala talaga yung feeling!! :))

Kami na ni Marie. Grabe. Paulit ulit kong binabasa yung mga text messages nya sakin. Yung paguusap namin. Para lang mapapaniwala tong puso ko na totoo to. Grabe talaga.

Mahal ko si marie. Mahal ko talaga. Kahit madaming nagsasabing hindi kami bagay dahil sa ichura, wala akong pakialam.

MAHAL ko sya. At walang makakapagpabago nun.

My crazy love story. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon