Dumaan mga araw na hanggang chat ko lang sya nakakausap.
Mejo nagkakahiyaan pa kasi kami. Una sa lahat, kasisimula pa lang ng klase. Chaka boy ako at girl sya. Di natural na close kme agad.
Pero snisimulan ko ma syang kulitin. Kinukulit ko sya sa paraang pagkakalabit. Hahaha! Oo tama. Kalabit nga.
*kinalabit ko sya mula sa likod nya. *
" sino yun? Ikaw un ah. " -sya
"hala di ako yun nuh. Wala naman akong ginagawa sayo e. " -ako sabay ngiti.
Tapos nun ngingiti na lang sya. Hahahahayyy nakakamatay! Haha. Sa ganung paraan, nagkakausap kami kahit saglit lang. At least nahahawakan ko sya kahit likod lang :))
Pero hindi ako nakuntento dun. Gusto ko mapalapit pa kami sa isat isa. Gusto kong makilala sya ng lubusan. Gusto ko na makilala din nya ako, yung maging close kami. Para pag may problema sya, ako na lang kakausapin nya.
Kahit iniisip ko pa lang na naguusap kami, ntutuwa na ko. Pano kaya kun mangyari pa sa totoo dba? Dream come true!
Maaga sya palagi dumadating sa classroom namin. Minsan nga, pang una pa. Naisipan kong agahan din pumasok para may time na makausap sya ng walang nakakakita.
Nung umagang yun, mga 6:15AM, dumating ako sa classroom.
Andun na agad sya, nagaaus ng gamit. Siguro kadadating lang din nya. 7AM ang start ng class kaya maaga pa talaga.
Lumapit ako sa kanya. Nagbakasakaling kausapin sya. Habang papalapit pa lang ako, nararamdaman ko yung tibok ng puso ko.
Papalakas ng papalakas. Kinakabahan ako!
" hi marie. Ang aga mo dumating ah. "
Nung sinabi ko yun, umupo ako sa tabi ng bag nya. Nakatayo kasi sya kaya di pa din kami magkatabi. Inaayos nga nya gamit nya dba.
"kaw din naman maaga e. Kakadating ko lang din naman. "-sabi nya habang patuloy pa din sa pagaaus ng gamit.
"ano ba inaaus mo? Tigil mo muna may sasabihin ako sayo e. "
"ano sasabihin mo?"- sya. Tumingin na lang sya sakin. Sinara na nya bag nya. Nakatayo pa din sya pero nakatitig na sya sakin.
"ano. Uhmmm. "
Nawalan ako ng sasabihin. Nakatingin kasi sya. Waaaaah! Ang hirap pala makipagusap sknya ng personal. Palibhasa chat lang kami naguusap. Lakas ng loob ko magsalita dun.
"pwede ba kita maging bestfriend?"
Npangiti sya sa sinabi ko. Ewan ko kung natuwa sya? O natatawa.
"ako? Bakit naman ako? Hahaha"
Sabi na e natatawa sya! Tinawanan ba naman ako? Seryoso kaya ako!
"oo. E kasi sa mga girls kaw lang ka close ko. Kaw lang nakakausap ko. "
"close ba tayo? Sa chat lang naman tau naguusap e. Haha"- sya tapos biglang upo sa kabilang upuan.
One seat apart kami.
Natigilan ako. Napakaprangka magsalita ni marie!:( sabagay, totoo naman.
Sa chat close kami. Nagtatawanan. Pero sa personal hindi.
"bakit hindi mo gawing bestfriend mo yung ibang boys? Tropa mo namam sila dba?". -sabay habol nya.
"hindi ko naman sila masasabihan ng problem e. Puro kalokohan lang.sige na oh, payag kana. "
Nagmakaawa na ko. Pano ba naman, mukang ayaw ata!
Yung mata nya nakikita ko talaga na nagiisip sya. Sa iba ibang direksyon sya natingin.
BINABASA MO ANG
My crazy love story. :)
RomanceMasama bang magmahal muli pagkatapos ng 2 and a half years na relationship nyo ng ex nyo? Ang malupit pa don, kaibigan nya ang mamahalin mo. Pero mapipili mo nga ba ang pagibig na dadating sayo? Alamin ang crazy love story ni john paul at mamangha s...