Isang buwan na nakakaraan simula nang maging legal kami ni marie.
Grabe sobrang saya ng isang buwan na yun! Pano, pwede na kami lumabas nang hindi nagsisinungaling si marie sa parents nya.
Palagi ko naman syang sinusundo at hinahatid kaya ok lang sa parents nya na lumabas kami.
Unti unti nang nabubuo ang tiwala nila sakin. At gusto ko yun! Gusto namin ni marie yun.
Minsan pag lumalabas kami, kakain kami sa mga fast food chain tapos gagala kami sa ibat ibang malls.
Pag may time pa, manunuod kami ng sine. Ganon palagi naming ginagawa.
Minsan naman, iniimbitahan ko sya para sa bahay muna magstay. Ako mismo nagpapaalam sa parents nya. At sinusuportahan naman ako ng nanay ko sa pagpapaalam. Haha
Masaya kami mi marie. Legal na kami. Masarap pala sa pakiramdam yung ganon. Wala na kaming pagtataguan, wala na kaming poproblemahin, at wala nang aalalahanin.
Parehong may tiwala samin ang mga magulang namin.
Mabait naman kami e.
Di naman kasi nasa isip namin ang gagawa ng kalokohan. Lalo na si marie. Disiplinado sya e.
Chaka bata pa kami nuh. Kahit lalaki ako, di ku hanap ang kalokohan. Minamahal at nirerespeto dapat ang babae. Hahaha. Maayos kasi pagpapalaki ni mama sakin. :)
Nagdaan na naman ang isang buwan. Malapit na pasukan, ilang linggo na lang.
Nagusap usap kami ng mga kaibigan ko na sabay sabay kami pumuntang school para tignan kung saang klase kami napapunta. Sympre, kasama din si marie.
Sinundo ko si marie sa bahay nila, pagdating ko, handa na agad sya kaya sa gate lang ako nakarating. Hindi na ko nakabati sa parents nya.
"pano kung di na tayo magkaklase? Baka mapalayo loob mo sakin. "
-sabi marie habang nasa sakayan kami.
"bakit mo naman iniisip na malalayo loob ko, ngayon pa ba? E pati parents natin saksi na sa pangako ko sayo. "
- sagot ko naman sa kanya.
Buong byahe hawak ko kamay nya. Nararamdaman ko kasi na nagaalala talaga sya.
Pero sa totoo lang, ako din. Nagaalala din ako. Sa loob ko, ako naman ung nagiisip na baka sya ang malayo ang loob sakin.
Nakadating na kami sa school namin. Nauna na pla ang mga kaibigan namin. Nakita na nila ang resulta.
Lumapit sakin si michael, yung isa ko pang tropa.
"pare, napalayo ka samin. "
-sabi nya.
Dali dali ko namang tingnan kung totoo nga.
Sa kasamaang palad, totoo. Nahiwalay ako kay marie. Napunta ako sa mababang section. Si marie, ayun hindi nagbago.
Madami kaming napahiwalay sa tropa, kaya malungkot ang iba.
Pero wala nang mas lulungkot pa kay marie. Kitang kita ko sa mata nya yung kalungkutan. Nararamdaman ko talaga yun kahit tinitignan ko lang sya.
"ano ka ba, ok lang naman yun e. Magkikita padin naman tayo e? Chaka maganda yan para di tayo magsawaan!"
-sabi ko kay marie. Pinalakas ko lang loob nya.
Pero sa totoo lang, malungkot din ako.
"Jp, hindi na tayo magkaklase. Malalayo ka na. Chaka..."
BINABASA MO ANG
My crazy love story. :)
RomanceMasama bang magmahal muli pagkatapos ng 2 and a half years na relationship nyo ng ex nyo? Ang malupit pa don, kaibigan nya ang mamahalin mo. Pero mapipili mo nga ba ang pagibig na dadating sayo? Alamin ang crazy love story ni john paul at mamangha s...