Noong second year high school ako, bibong bibo pa ko nun. Pano, nung first year kasi, ako bida samin. Natuwa ako sa pagsagot sa mga tanong ng mga teachers kaya matataas grades ko. Kaya napunta ako sa isa sa star section nung 2nd yrar na ko.
Actually, don pa lang, ganun pa lang akong kabata, pinupuri na ko ng mga kaklase ko at mga kaibigan. May ichura nga daw kasi. Hahaha. Ewan ko ba, pero hindi ko masyado ineentertain kasi baka isipin nila eh malaki ulo ko.
Edi aun na nga, ewan ko ba kung bakit at kung paano, pero nagkagusto ako sa isang babae na, hindi ganun kagandahan pero sobrang lakas ng dating sakin! Ewan, siguro sa kabaitan nya sakin, kaya nahulog ang loob ko.
Ang ichura nya kasi, nerd look. May salamin, may ipit ang buhok, malaki ang bag, basta nerd! Pero nung uso pa kasi ang friendster, nung nanghihingi ako ng comment sa kanya, habang sumasagot sya sakin, feeling ko naririnig ko kung pano nya yun sinasabi.
"uy, pwede bigyan mo ko ng comments? Gusto ko yung mga rakista. " -ako
" osige. Ilan ba gusto mo? Chaka sino ba yung mga gusto mong rakista?"- sya
" kahit sino lang basta yung mga banda. Kaw na bahala kung ilan "
Binigyan nya nga ako. Kelngan sabihin ko talaga dito kung pano paguusap namin, kasi yan yung pang una e :)
Nung binigyan nya ko, nagulat ako. Ang dami kasi! Di ko expected na mageeffort sya ng ganun. Natuwa ako sa kanya!
"ang dami ng binigay mo ah, salamat ah :) "
" wala yon, :) "
"ang bait mo pala nuh, hehe"
" salamat din :)"
Alam kong sa chat lang yan, pero feeling ko talaga naririnig ko na din ang pagsasabi nya sakin nun.
Grabe, dun pa lang sa point na yun, gusto ko na sya. Kakaiba kasi sa mga babaeng nakausap ko,
Yung iba kasi, humahanap at humahanap ng way para mapahaba ang usapan, FC kumbaga. Pero sya, kabaitan lang pinakita nya sakin, hindi na nya kailangang pahabain pa usapan, kasi dun pa lang, nahulog na ko sa kanya.....
BINABASA MO ANG
My crazy love story. :)
RomanceMasama bang magmahal muli pagkatapos ng 2 and a half years na relationship nyo ng ex nyo? Ang malupit pa don, kaibigan nya ang mamahalin mo. Pero mapipili mo nga ba ang pagibig na dadating sayo? Alamin ang crazy love story ni john paul at mamangha s...