High school life with her. (ang pagsubok at pagsuyo)

651 15 5
                                    

Masyadong magulo ang nararamdaman ko.

Hindi ko mapaliwanag. Nagdaan na maraming linggo na hindi man lang kami nagkakasama ni marie. Text lang.

Minsan tinatanong ko sarili ko kung tama pa ba na ituloy namin to. Parang wala na rin kase.

Pero sa huli, pagmamahal ko pa rin kay marie ang nangingibabaw.

Magulo talaga. Magulong magulo. Iniisip ko kung ganon din ba nararamdaman ni marie.

Isang beses na nagkatxt kami, tinanong ko sya.

"marie, hindi ka ba naguguluhan sa mga nangyayari satin?"

"panong naguguluhan? Bakit?"

"hindi na tayo nagkikita. Hmm. Tama pa ba to? Tama pa ba tayo?"

Siguro mali na ganun ang isipin ko. Alam kong mahirap ang sitwasyon namin dahil magkaiba ang schedules namin, pero hindi ko maiwasang maramdaman na parang wala na. Parang wala na kaming pahahantungan pa.

"bakit, ayaw mo na ba..."

Napaisip ako. Parang bumalik lahat ng alaala namin nung magkasama pa kami.

Parang nagflashback. Yung masaya pa kami.

"sorry marie. Hindi ko dapat tinanong sayo yan. "

"hindi ka na ba masaya satin?sorry kung hindi tayo nakakapagkita. Kung yun ang dahilan kung bakit ka naguguluhan, sana, maging matatag ka na lang"

Napatulala ako. Hindi ako nakareply agad sa kanya.

Tama sya. Tama na naman sya. Ayokong sumuko dahil lang hindi kami nagkikita.

Ni hindi pa nga kami nagkakaproblema e tapos susuko na agad ako? Ang tanga ko para gawin yun.

"mahal kita, sorry. Hindi ako susuko"-ako.

Ngiti na lang ang nireply nya. Siguro nsaktan sya.

Naging ok kami nung mga sumunod na linggo.

Wala kaming problema.

Hindi man kami nagkikita at nagkakasama, masaya pa rin kami. :)

Isang gabi, nagtext sakin si missy.

"hi handsome! Pwede textmate muna tayo? :)"

-remember her? Si missy.

Isa sya dun sa mga babaeng may gusto sakin. Pero feeling ko, sya ang leader nun. Hahaha.

Todo effort kasi sya para lang pansinin ko sya.

Yun bang tabi ng tabi sakin. Tapos feeling close. Hindi naman ako marunong magpahiya kaya hinahayaan ko na lang.

"hello. Musta?"

-sagot ko.

"ayos lang. Eto lonely! Pano, yung mahal ko, may iba na :("

-sabi nya.

"ah ganun ba. Bakit? Sino ba mahal mo?"

"secret! I'll give you a clue na lang bukas!"

Nacurious tuloy ako. Haha gusto ko makichismis.

Nagpatuloy kaming magkatxt ni missy. Si marie kasi, hindi ko kausap nung gabing yun kasi busy daw sya may exam daw sila.

Feeling ko sa paguusap namin ni missy, first time ko ulit nakapagusap sa babae bukod kay marie.

Naramdaman ko na mejo nakakamiss din pala makipagusap sa ibang girls minsan.

My crazy love story. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon