High school life with her. (meet the parents)

644 6 1
                                    

Summer na. Nangungulila ako sa presensya ni marie sa buhay ko.

Namimiss ko na sya ng sobra. Gusto ko sya puntahan sa kanila pero di naman pwede dahil baka magalit ang parents nya.

Hanggang text lang tlga kaya namin. Bawal din kasi tumawag. Nakabantay daw kasi palagi sa kanya.

"miss na talaga kita marie. "

"ako din Jp e. Kung pwede nga lang sanang magkita tayo. "

"bakit hindi mo pa ko mapakilala sa parents mo? Alam kong bawal, pero ayoko ng patago natin tong ginagawa. Malalaman at malalaman din nila. Bakit ipagpapaliban pa?"

Nasabi ko na lang yun sa kanya dahil nga para makapagkita na kami ng legal.

Mahirap din kasi nang tago. Pag lalabas kami, kailangan pa nyang magsinungaling kung sino ang kasama nya. Ayoko ng ganun.

Gusto ko kasi honest sya sa parents nya tungkol saming dalawa. Ayoko sana ng nagsisinungaling sya para sakin.

Kayalang sa sitwasyon naming to, parang wala ko magagawa kundi tiisin at hayaan na lang.

"alam mo namang hindi pwede Jp e. Magagalit sakin yun. Bata pa tayo. Sasabihin ng mga yun lumalandi na ko"

-sagot nya.

"matino naman ako. Hindi naman ako yung tipo ng lalaking ikakahiya ng parents mo para makasama mo. Alam kong magiging okay ako sa kanila. "

Nilalakasan ko nlng loob ko.

Gusto ko kasing mapapayag si marie para mapakilala na nya talaga ko sa parents nya.

Kahit natatakot ako, ayokong ipakita yon kay marie. Kasi alam ko na pag nakikita nyang takot ako, e mas dodoble din ang takot nun.

"baka kasi magalit. Baka lalo pa tayong hindi makapagusap. Baka ilayo ako sayo. "- marie

"wag mo isipin yan. Lalakasan natin ang loob natin. Kung sa parents ko nga, ok ka e. "

"e iba naman yun. Syemre lalaki ka naman e. E ako babae. Only child pa. Alam mo naman pag ganun. Mahigpit ang mga magulang. "

Sa mga napapanupd ko sa mga pelikula at mga teleserye, pag only child, spoiled. Pero iba si Marie. Iba ang parents nya. Hindi sya pinapabayaang maging spoiled. Dinidisiplina Pa din sya.

"pls marie. Subukan natin. Hindi ko talaga makakaya kung mananatili tayong tago sa parents mo e. Mas okay sana kung magiging legal tayo. Both sides. At side mo na lang ang kulang"

"sige. Hmm sasabihin ko sa daddy at mommy na may pupunta dito. And then ikaw na magpakilala. Maghanda ka na ng sasabihin mo ha dapat matino?"

"yes!! Sige. Paghahandaan ko marie. Thank you. "

Whew. Ngayon pa lang kinakabahan na ko. Iniisip ko pa lang na haharapin ko ang parents ni marie, e tumatayo na balahibo ko.

Pero okay lang. Tatapangan ko. Kailangang kayanin ko para kay marie. Mahal ko sya kaya tatapangan ko talaga.

Kinagabihan nun, nagtext ulit si marie. Hindi kami magkatext talaga kasi hindi kami unlimited. Hahahaha.! Pag may sasabihin lang, saka lang kami magtetext.

"Jp, nasabi ko na. Punta ka dito bukas ng tanghali. 12:00. Dito ka na din kumain. ;)"

Woaaah!! Bukas agad?? Hala. Ang bilis. Parang di ko na kaya to. Parang dumoble pa ung kaba at takot ko. Pano pa ko makakapaghanda nyan kung bukas agad??

"bukas? Hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang?"

"natatakot ka nuh? Sabi na e. Hindi pwede. Bukas lang pwede si daddy. May work sya kapag monday to saturday. Bukas hintayin kita ah? Alam mo naman papunta dito. Galingan mo ha, i love you. "

My crazy love story. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon