Nakapag linis na ako nang katawan kaya agad akong bumaba sa sala upang pag buksan si kurt na namamaga na ang kamay kaka door bell.
Its already 8 pm and sabi niya na pupunta daw siya dito pag 8 pm na,kaya eto na siya ngayon naka busangot sa harap ko na tila may ginawa ako na hindi niya nagustuhan.
"Ano yang suot mo?"Hindi makapaniwala niyang tanong,nag kabit balikat lang ako at umupo sa sofa na malapit sa akin,nginuso ko din na umupo siya,agad naman niyang sinunod ito nag lakad siya patungo sa malaking sofa at umupo,ginala pa niya ang tingin niya bago muling tumingin sa akin.
"Seriously?Hindi naman pajama theme ang reunion namin para mag pajamas ka"Boring na sabi niya.
"Reunion?Hindi mo naman sinabi na may event pala,Akala ko trip mo lang pumunta dito,And reunion lang kailangan pa kasama ako?"Gulat kong tanong,literal hindi ko nga alam kung bakit pupunta siya dito tapos malalaman ko yung reunion na yan.
"Come on,malalate tayo niyan!"Reklamo nito at nag kamot nang ulo na tila ba inis na inis.
"Bakit kasi hindi nag bibigay nang complete details?"Reklamo ko rin sakanya,rinig ko ang pag buntong hininga niya.
"I'm sorry,nakalimutan ko akala ko kasi may common sense ka,and thankful ako na napapayag kita to be my girlfriend para maging date ko every event with my family"Natatawa nitong sabi pero halata sa boses niya ang pagkalungkot.
At anong akala niya sa akin?walang common sense?Sino ba kasi makakaintindi noon?maliwanag na sabi niya,mag kita tayo sa pagpatak nang alas otso,pero walang sinabing reunion thingy.
'Sarap sapakin'
"Hmm...Sige mag bibihis lang muna ako dyan ka lang"Paalam ko dito at agad na umakyat sa kwarto ko para mag bihis.
Binuklat ko ang closet ko,at kinuha yung cocktail dress ko na kulay red at doll shoes na kulay red.
Pumunta ako ng banyo upang mag bihis at mag patuyo na rin nang buhok.
Nang matuyo ang buhok ko ay kinuha ko ang curler at kinulot ang laylayan nang buhok ko,nang matapos kong kulutin lahat ng laylayan ay lumabas na ako na nang kwarto.
Humarap ako sa vanity mirror sa tabi nang kama ko,umupo ako upang mag makita ko nang malapitan ang mukha ko.
Nang hindi pa ako masiyahan ay kinuha ko ang make up kit sa may kabinet katabi nitong vanity mirror.
Nag lagay ako nang konting foundation saka nag lagay nang blush on,isa nalang ang kulang.
I put a light lipstick on my lips,pinalitan ko na din ang earings ko at nag lagay nang necklace.
"There perfect"Mahinang sabi ko sa sarili ko.
Isinampay ko ang towel na nasa kama ko dahil basa ang towel na pinatong ko kani kanina lang.
Kinuha ko ang red pouch ko na nasa harao nang vanity mirror at sinuot na ang doll shoes saka lumabas nang kwarto.
Sinilip ko si kurt mula second floor,naka upo lang ito at patingin tingin sa orasan niya,pansin ko na din ang pag kamot niya sa ulo niya.
'Pissed?'
"Hey,you look annoyed?what happen?"Painosente kong tanong,kahit alam ko naman ang dahilan.
Nang humarap ito ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa,saka ngumiti.
"You look stunning"Papuri niya at tumayo,linahad pa ang kamay hindi pa rin naaalis ang ngiti niya.
Tinanggap ko naman ang kamay niya,nag aalangan akong ngumiti dahil ang creepy nung ngiti niya sa akin.
"Shall we?Milady?"Nakangiti nitong sambit,tumango nalang ako at nag lakad,huminto kami nang malagpasan na namin ang pinto.
Inilock ko ang pinto at nag lakad na muli,nang makarating kami sa kung saan naka park tong kotse niya ay binuksan niya ang pinto para sa passenger seat,agad naman akong naupo,umikot siya para maka sakay na din.
Wala sila kean sa bahay dahil umuwi ito nang probinsya sa hindi ko malamang dahilan,hindi naman ito yung unang pag kakataon na mag isa lang ako sa bahay,madalas mangyari itong mga ganitong bagay,bihira lang yata mag stay dito si mommy,minsan kasama niya si kean.
"Matanong ko lang?Bakit wala yatang tao dyan sa bahay niyo?"Takang tanong nito.
"Hmmm business"Boring na sagot ko,wala naman siyang karapatang malaman kung bakit mag isa lang ako sa bahay namin.
"Ohh,talaga bang iniwan sayo?"tumingin ito sa akin,binigyan ko siya nang boring na tingin.
"I mean,babae ka?paano nalang kung mapasok ka nang mga akyat bahay hindi ba?"Tanong nito,napa iling nalang ako sa tanong niya.
"Trust me kurt,pag sinabi kong nakakapag luto ako nang itlog matakot kana"Boring kong sabi sakanya.
"What the fuck?Anong connect nang nakakapag luto ka nang itlog?"Tanong niya at tumawa nang malakas.
"Ikaw pala yung walang common sense e"Natatawa kong sabi sakanya.
"May common sense ako pero ano bang connect nun?"Tanong pa nito.
"Anong connect huh?...I can cook eggs,from boys"Nakangiting sabi ko sakanya.
"Ohh really?"Nanunuksong tanong nito.
"Try me"Sagot ko sakanya at pumikit nalang.
Para kasing pagod ang katawan ko pero wala naman akong ginawa sa buong mag hapon kung hindi manood nang practice at nung dumating ako sa hapon ay kumain muna ako at kapag kuwan ay natulog na.
"Hey"tinignan ko siya,may inaabot siyang box na may red ribbon,kaya agad ko itong kinuha.
"Yan na yung kapalit nang cellphone na nabasag ko,hindi ko naman kasi sinasadya na matabig kasi ikaw ayaw mo makinig sa akin kinakausap kita"Parang nahihiya pa sa pag kaka sabi.
Binuksan ko ang box na nag lalaman nang cellphone,and yeah its iphone X,same as mine,meron na din sim and naka register na ang number niya don.
Ibinalik ko sa box yung phone at itinali ulit yung ribbon.
"Bakit mo binabalik?"Nag tatakang tanong niya sa akin nang inilagay ko ito sa lap niya.
"be'coz,I don't need it saka kung gusto ko namang papalitan yung phone ko,kanina pa lang kinukulit na kita"Seryosong sabi ko.
"So?Bakit grabe ang galit mo sa akin nung natabig ko?"Takang tanong niya.
Kaya humugot ako nang malalim na hininga at tumingin nang seryoso sakanya.
"That phone is present by my dad,at lahat nang picture namin ni dad ay nasa phone na yon"Seryoso kong sabi.
"Let's forget about it"Pilit akong ngumiti at tumingala upang hindi mahulog ang nag babadyang luha sa mata ko.
YOU ARE READING
The Bad boy's Girl(On-Going)
RomanceHailey Del Rosario ay isang babaeng gusto ng katahimikan sa buhay ngunit nang pag buntungan siya ng galit ng isang bad boy sa campus nila,thankful pa siya at napapansin siya dahil sa angking kagaguhan nito ay patuloy lang niya itong inasar hanggang...