chapter 11

783 28 0
                                    

Kurt

"Huwag mo akong akitin binibini,baka hindi mag tagal ay lumapat ang aking labi sa iyong mapupula at malalambot na labi"Nakita ko ang ngisi sa mga labi ng lalaking kausap ni red,tinampal ni red si ethan sa braso dahilan para matawa ito.

Nakaramdam ako nang inis kaya padabog akong tumayo dahilan para  matumba ang upuan na inuupuan ko kanina.

Ramdam ko ang tinginan nila sa akin pero hindi ko pinansin sa halip ay nag tuloy tuloy ako sa pag lalakad palabas ng classroom.

Tinahak nang paa ko ang lugar kung saan makakapag isip ng matino,dahil kagabi pa ako gulong gulo.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o itatago nalang ito hanggang makalimot ako sa alaalang iniwan niya.

humanap ako ng isang libro na naayon sa paborito kong subject,at nang makita ko ito ay agad kong hinanap ang paborito kong pwesto sa may pinaka likod.

Nang makarating ako sa table na para sa akin ay naabutan ko dito si mico na nag babasa ng isang nobela na kahapon pa niya binabasa.

"There you are"Nakangiti kong sabi at umupo sa harap niya,sa halip na magsalita ay pinasadahan lang niya ako ng tingin at pinag patuloy na ang kanyang pag babasa.

Wala akong nagawa kundi buklatin ang libro at mag basa nalang din,siguro ay wala ito sa mood kaya ganyan ang kanyang mga kinikilos.

Ilang ulit kong inuulit ang isang paragraph ngunit hindi ito pumapasok sa aking isipan.

Padaskol kong binaba sa lamesa ang librong hawak ko,pansin ko ang nag tatakang tingin ni mico,kaya tinignan ko ito kita kong nakasarado na ang aklat nito.

"What's the matter bro?Mukhang kanina ka pa problemado?Pag pasok mo palang dito ay mukha kang bagot na bagot at gusto mong mag hamon nang away"Seryosong sabi nito,na pabuga nalang ako nang hangin at umayos nang upo.

"Hindi ko alam bro,Simula nung maging magkakilala sila ay hindi na ako mapakali"Inis na sabi ko at inayos ang relo kong nahulog sa lamesa.

Narinig ko ang pag tawa niya,nilapag niya ang hawak niyang libro sa lamesa at umayos ito ng upo.

"Huwag ka nang mag taka kung pati siya ay balak din niyang gawan ng masama,mukhang walang bago kay Gabrielle,siguro ay nag hihiganti pa rin ito dahil sa nangyare sakanyang ina"Seryoso nitong sabi habang naka patong ang kanyang baba sa mga kamay na nasa lamesa.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko,gusto kong kausapin si gabrille nang masinsinan ngunit ayaw nitong mag patalo at lagi niyang pinipilit na ipaghihiganti niya ang kanyang ina"Napailing nalang ako nang sabihin ko ito.

"Hindi natin siya masisisi,ngunit maling mali pa rin ang ginawa niya kay Reese,biruin mo?sa murang edad natapos ang lahat kay Reese?Ni hindi nakamit ni Reese ang mga hangarin niya sa buhay bago siya mamatay?at ang worst namatay si reese nang pinangdidirihan ang kanyang sarili"Kinuyom ko ang kamao ko nang marinig ko ang pangalan niya,Hindi ko alam ang magagawa ko kung kay gabrielle mismo nanggaling ang pangalan ni reese na yon.

"So?Ano ang plano mo sakanya?"Seryoso nitong tanong,napailing ako dahil sa isip ko mismo ay wala akong ideya kung ano ang dapat gawin.

"Hindi ko pa alam,pero mas makakabuting lumayo siya kay gabrielle hangga't maaari..."Mahinahon kong sabi,narinig ko ang halakhak ni mico kaya napatingin ako sakanya.

"Lumayo?e hindi mo nga siya mautusan na lumayo,dahil sa kagaguhan mo lumayo ang loob niya sayo"Nakangisi ito sa akin,hindi ko alam kung nangaasar ba siya o literal na pinapamukha niya sa akin ang ginawa ko.

"Sa tingin mo?dapat ko bang sabihin sakanya tong mga nalalaman ko nang maliwanagan siya para hindi na sumakit ang ulo ko kakaisip sakanya?sa totoo lang ay kaya naman niya ang kanyang sarili kung lalayo siya"Tumatawa kong sabi,inilagay ko ang dalawa kong kamay sa may batok saka tumingala at pumikit,na tila nag hihintay nang kanyang sagot.

Ilang saglit lang ay akala ko hindi na ito mag sasalita ngunit tumawa ito kasunod nang pag sasalita.

"Hindi ka naman tanga para ipaalam sakanya hindi ba?kung sana ay hindi na tayo lumipat nang school at sinabi nalang natin sakanya na ganyan nga ang mangyayare sa buhay niya kaya layuan niya si Gabrielle,ganon ba?kilala mo naman ang utak ni Gabrielle...hindi basta basta ang kanyang mindset,kung tutuusin baka isa nga siyang baliw na kinulang sa inom nang gamot kaya siya naging ganon..."Huminto ito at humalakhak.

"...pero kung ganon nga ay isa siyang matalinong baliw para malusutan tayong dalawa,biruin mo dalawa na nga tayo nakalusot pa siya,akalain mo gumamit na naman nang fake name makapasok lang dito sa school na to?ilang name ba ang pinablock natin?Halos lahat nang fake name na ginamit niya ay inalam natin pero ano nakalusot pa rin ito...kaya plan B parin ang matutuloy sa mga plano natin,yun ay bantayan at manatili rito"Seryoso nitong sabi,napatango nalang ako sakanya.

"Kurt...mag isip ka nang tama,wag kang padalos dalos hindi tayo nakikipag laro sa bata,hindi porke kamukha niya si reese ay papatulan mo,kambal niya si reese malamang"Tumawa ito ngunit ilang saglit lang din ang tinagal noon at bumalik na ito sa pag kaseryoso.

"I'm sorry okay?tao lang ako,hindi mo alam ang pakiramdam ko,Noong una ko siyang makita dito sa school,muntik ko pa siyang matawag na Reese pero laking pasalamat ko nang makita ko agad ang kulay nang mata nito"Natatawang paliwanag ko sakanya.

Hindi ko maiwasan na maisip kung paano kami muling nag kita nung first day,those eyes of her are stunning,she have a gray eyes that suited to her while Reese have a dark brown eyes.

Mag kamukhang mag kamukha sila maliban sa isang parte nang mukha,yun ay ang mga mata nila na mag kaiba nang kulay.

"You must protect her,Siya nalang ang mayroon si boss kaya wag mo nang hayaan pang mawala tiyak na malulumbay si boss pag naulit nanaman ang nangyare"Napapauling na sabi mico.

"At by the way,sinabi na ni boss ang totoong pangalan niya..."May inabot itong red envelope na may design na bulaklak na kulay itim.

Inabot ko ito at dahan dahang binuksan,may nakatiklop pa ditong maliit na papel kaya binuksan ko ulit.

'Raine Elise Denzel'

A/N:Searching for followers,kung sino man ang nakakabasa nito hit the follow on my wall,madali lang naman e ~.~

The Bad boy's Girl(On-Going)Where stories live. Discover now