chapter 7

196 25 0
                                    

Kanina ay maaga akong nagising para makapag handa nang breakfast,dahil wala naman si kean para ipag luto ako.

Inaantok atok pa nga ako nang pumasok ako sa classroom,halos wala pang students nung pumasok ako,maliban kay kurt at sakin.

Hindi ako kinakausap ni kurt,hindi ko lang alam kung bakit pero nung hinatid niya ako kagabi ay hindi na siya nag salita hanggang maihatid niya ako sa bahay.

Nahihiya naman ako kung ako yung unang kumausap sakanya.

Tinignan ko siya,nag babasa ito nang libro habang umiinom nang kape sa kabila niyang kamay na wala namang hawak.

Napag desisyunan kong lumabas at pumunta sa soccer field para mag pahangin.

"Hey,bes"Tawag ni janella.

Kahit hindi ko lingunin alam kong si janella ito dahil sa pagiging matinis nang boses nito.

"Bakit?"Tanong ko nang maka upo siya sa tabi ko.

"Bakit ka nandito?"tanong niya,at may inabot sa aking kape at macaroons.

"Wala naman akong magawa sa room,dahil wala akong cellphone,hindi pa ako binibili ni mom nang bagong cellphone kaya lumabas muna ako"Seryoso kong sabi at sumimsim nang kape.

"Ahh...pero nasilip ko don si kurt sa room niyo nakatulala?"Takang tanong niya.

Si kurt?Nakatulala?..parang kanina lang nag babasa yun ngayon naka tulala na.

"Aba e malay ko sakanya,hindi ko naman siya kinakausap"Seryoso kong sabi,pansin ko ang tingin sa akin ni janella.

"May problema ba kayo?kasi parang kahapon lang napaka sweet niyo may nalalaman pa kayong punas pawis there punas pawis everywhere"Sarcastic na sabi nito kaya napa tawa nalang ako sa tono nang pananalita niya.

"I don't know?"Boring kong tanong.

'Arghhh ano ba talagang nangyayare sa akin?o sakanya?'

"Ay nako ayusin niyo yan girl"Natatawang sabi ni janella.

"Hoy!Ikaw lalaki ka?"Rinig kong sigaw nang isang babae kaya agad akong tumingin sa may likod ko,kung saan ko narinig ang sigaw.

"Oh bakit?sunod ka nang sunod?"Rinig kong sigaw ni mico at tumakbo ito sa direksyon namin at umupo.

"Mico?"Sambit ni janella,ngumiti si mico sa amin,kaya tinignan ko yung babaeng kaninang sumisigaw,hindi ko namalayan na nandito na din ito sa harap namin na naka pamewang pa.

"Bakit susunod?Ikaw!babaero ka!anong sabi mo ako lang?diba ako lang pero may nakita akong kahalikan ka kanina sa may parking lot!"Sigaw nito.

"Teresa?"Rinig ko ang sinabi ni janella kaya pinagkatitigan ko ang babae,hindi ko nakilala ito dahil sa pag kakaalam ko ay laging naka salamin ito pero ngayon halos hindi ko na makilala.

"Anong problema mo?Kay aga aga naninigaw ka!"Sigaw ni mico kahit nasa likod lang niya ang kausap niya.

"Anong anong problema?ikaw ba anong problema mo?akala ko ba ako lang ha?—"

"Tang*ina,ano to?gusto niyong live sa amin yung pag aaway niyo dito pa kayo sa harap namin nag away?"Galit kong sigaw sa kanila,tumayo ako at umalis na.

Hanggang ngayon playboy pa rin,gagraduate na't lahat hindi pa rin nag babago.

Pero ano nga ba aasahan ko?wala namang playboy na nag babago,siguro sa wattpad at sa tv lang yun pero sa totoo buhay?walang wala.

Nag lalakad ako sa hallway nakita kong makakasalubong ko din si kurt,seryoso itong naglalakad at nakatingin sa akin.

'Ano bang problema niya?'

"Yung kaibigan mo nakikipag ratratan doon sa may field"Sabi ko nang makasalubong ko na siya,pero wala akong narinig sakanya kaya tumuloy na ako.

DUMAAN ang oras ay last subject na namin,ang ibang teacher ay hindi umattend nang klase tulad ngayon wala kaming teacher dahil ang iba ay may meeting at coach ang iba.

"Huy"Pangungulit sa akin ni ethan,kanina pa niya ako kinakausap pero hindi ko siya pinapansin.

And ethan is a transfer student from harvard university,at kanina lang siya pumasok nung lunch time.

"Bakit ba?"Kunsumido kong sagot.

Nagsisi tuloy ako kung bakit ko siya nginitian kaninang kapapasok lang nang room,Sa tabi ko tuloy na upo.

"Mag kwento kana kasi about sayo?,may kamukha ka kasi"Nakangiting sabi niya at nag puppy eyes pa.

"Red..."Pag tawag sa akin ni kurt kaya napatingin ako sa kanya na seryosong naka tayo sa harapan namin.

"Yes?.."nakangiting sagot ko,feel ko kasi kinilig ako nung tinawag niya ako sa pangalang red.

"Let's talk"Tipid na sabi niya at umalis sa room,nginitian ko lang si ethan at umalis na para sundan si kurt.

Nakita ko ito nag lalakad patungo sa isang puno kaya agad ko siyang hinabol para masabayan.

I don't know?may part sa akin na thankful na hindi siya nang gugulo pero may part na nalulungkot dahil hindi niya ako pinapansin kanina.

"What is it?"agad kong tanong nang huminto siya sa may ilalim nang puno at umupo,kaya umupo nalang din ako.

Damuhan naman ito kaya hindi madudumihan ang uniform ko.

"I have a favor"Seryosong sabi nito,habang pinapaikot ang singsing niya sa kanyang daliri at malayo ang tingin.

"What favor?"Seryoso kong tanong,hindi ko mapigilang kabahan dahil sa pag iba nang awra niya.

Parang hindi kasi siya yung kurt na nakilala ko,yung kurt na sweet,yung kurt na makulit at higit sa lahat yung kurt na gago.

"Pwede bang layuan mo si ethan?"Hindi ko alam kung tanong ba o ewan yung sinabi niya pero yes lalayuan ko si ethan dahil hindi ko naman dapat siyang lapitan at gusto ko nang tahimik na buhay,ayoko nang makulit maliban kay kurt.

"Hmm okay sige lalayuan ko...yun lang ba?pwede ako naman mag tanong?"Tanong ko,nag hihintay ako nang sagot pero ilang minuto ang lumipas ay wala akong naririnig na sagot.

"Bakit hin—"

"And forget about what happened last night and also yung sinabi ko na liligawan kita,i'm done playing with you"Malamig nitong sabi,kaya napanganga nalang ako.

So?Hindi lang pala ako yung nag lalaro dito?nakikipag laro din siya.

Ok,Congrats nanalo siya,dahil masakit  sa pagkatao ko.

"So,I guess thats it"Natatawa kong sabi,pero hindi siya sumagot.

"Ang dali mong paikutin,I just used you to be my date,last night,kinailangan lang talaga"Tumawa ito.

"And i don't want to see your face ever again!"Sigaw pa nito.

Humarap ako sakanya at binigayan siya nang malakas na sampal,at tumingala ako upang pigilan yung nag babadyang luha ko na tumulo mula sa lintik kong mata.

"Jerk!"Galit kong sabi at umalis.

Bakit ba naging marupok ako sa mga sinabi niya?

Oh no no no,hindi puso ko yung nasaktan kundi yung lintik kong ego,Masyadong natapakan yung ego ko bilang isang babae.

Hindi naman dahil may nararamdaman ako sakanya kaya ako umiiyak,ang mali lang ay pinalalabas niya na madali akong makuha nang kung sino lang.

The Bad boy's Girl(On-Going)Where stories live. Discover now